Someone's POV
Pinagmasdan ko si master na nakadekwatrong nakaupo sa couch habang nagsisigarilyo
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita "Master, there's something that you need to know."
He puffed his cigarette "Will that make my day untroubled?"
"Ipagpaumanhin nyo po master pero—"
"I don't want to hear it for now. Let's talk about that later."
"Pero master kailangan—"
"I said not now!"
Wala akong ibang nagawa kundi yumuko na lang. Sya ang boss, sya ang masusunod.
Uminom muna siya ng wine bago magsalita "Ngayong nakuha ko na ang para sa'kin. I think it's about time for that young lady to rest. You know what I mean, Capo."
Is she pertaining to Raven?
"She's under Osprey's protection. How can we—"
"Then do everything you can! I didn't put you in that rank just to complain, useless Capo. Now, get lost."
Di ko maiwasang maikuyom ang kamao ko.
Lubos-lubusin mo na ang pag-aangkin ng trono mo, Beelzebub. Di natin alam, baka sa susunod na mga araw ikaw na ang luluhod sa harapan ko.
I dialed Russell's number pagkalabas ko ng office.
[What is it?]
"They are back."
[The Skylarks?]
"Yeah."
[Alam na ba ni master?]
"He's too busy."
Yang babaeng dinala mo rito ang magpapabagsak sayo, Beelzebub.
[Then how about our Mafia family? Hindi natin pwedeng pabayaan-]
"I know. Beelzebub doesn't deserve to be called as 'master' anymore. I just realized that it's about time to have our family's new mafia boss."
[Anong ibig mong sabihin?]
I ended the call
I can rule our mafia family better than he can.
Brye's POV
"Any new updates?"
"Sa ngayon boss, di pa sila kumikilos. Sa pagkakaalam ko, mukhang may pinaplano sila. Our 'Soldato' are now eavesdropping them."
Hindi mababakas sa ekspresyon ng mukha ni boss ang takot. Kalmado lang syang uminom ng wine habang nakatingin sa phone nya. Nang ilagay nya ang phone sa table ay nakita ko ang larawan ng isang babae sa screen.
Raven's photo
Hindi ko mapigilang mapangiti. Gray's in love with her. There's no doubt about that.
"They're going to take her."
Napaayos ako ng upo dahil sa narinig ko
Di na ako magtataka kung gagawin nila yan. Mukhang alam na nila ang kahinaan ni boss.
"Anong plano natin Gray?"
Pinagmasdan ko syang nag a-assemble ng baril
"Give them what they need."
BINABASA MO ANG
Their Identities
AçãoHe is Ruthless. He is Dangerous. He is Lethal. He is Despicable. He is a Mafia Boss. She is Thoughtful. She is Kind. She is Softhearted. She is Lovable. But she's wiser than you thought. When their OPPOSITE WORLDS collide, what's going to happen...
