Chapter 34- Invasion

331 43 9
                                        

Raven's POV

"We're under attack."

Ano?!

"At sino namang walang hiyang aatake sa atin? Nang iisturbo pa sila ha. Nakakaloka."

Kinasa muna nya ang hawak nyang baril bago sagutin ang tanong ko "Beelzebub's Family"

(๏_๏)

"Ibig sabihin, nandito ang mommy at kapatid ni Vitchel?"

Family diba?

"What? No! What I mean is that Beelzebub's Mafia is intruding our territory."

Ang layo naman ng 'family' sa sinabi nya

"Raven, listen to me. You must stay here. Don't leave until I say so."

Tiningnan ko lang sya

May kinuha syang kwentas at sinuot sa akin "Keep it safe."

Pinagmasdan ko ito. Ang ganda. Ang cute ng pendant. Isang maliit na susi na may diamond sa gitna.

"Para saan to Gray?"

Bago pa man sya makasagot sa tanong ko ay may isang malakas na pagsabog malapit sa kinaroroonan namin kaya agad-agad akong napayuko

"Hey, don't be scared."

napanatag naman ako nung niyakap nya ako

"Boss. Yung hostage natin, wala na sa kinalalagyan nya."

Nabaling ang atensyon namin ni Gray kay Brye na kararating lang.

"Stay here."

"P-pero-"

"Trust me." mahinahon nyang saad pagkatapos halikan ang noo ko

Di ko alam pero medyo nawala ang kaba ko nung marinig ko ang salitang yun.

"Mag-ingat kayo."

Tumango naman si Gray "Remember what I told you. Stay here." paalala nya bago tuluyang lumabas

Sorry Gray, pero hindi ko maipapangako yan. I need to do something.









Zircon's POV

"Tol, nandito na pala ang mga guest natin. Yung welcome party na pinahanda ni Big Bro, ready na ba?"

"Naman! Gusto mo simulan ko na agad?" nakangising saad ni Ivo habang inaayos ang Lobaev Arms SVLK-14S nya, isang deadly sniper rifle.

Nandito kami sa pinakamataas at tagong parte ng compound namin. Alam nyo na, pa relaks-relaks lang. Alam naman naming yakang-yaka na nila Brye at Big Bro doon. Sa totoo lang, kahit nga ako lang mag-isa ang nandun, kaya ko rin naman eh. Effortless kumbaga. Tsk tsk

"12 o'clock"

Agad naman akong napalingon sa direksyong binanggit ni Ivo at pinaputukan ang lalaking babaril sana sa akin

*bang*

"Akalain mo nga naman. Kahit saang lupalop ako magpunta, andaming nahuhumaling sa kagwapuhan ko. Kahit nga tago ang lugar na 'to, nasusundan pa rin. Sabagay, isa din naman sa disadvantage ng pagiging gwapo ang pagiging habulin."

"Pwe! Habulin ng bading siguro."

Sinamaan ko naman agad ng tingin si Ivo "Inggit ka lang tol dahil wala kang jowa!"

Their IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon