Someone's POV
"So, how did it go?" kalmadong tanong ni master habang nakadekwatrong nakaupo sa sofa nitong office nya. May hawak syang sigarilyo na kakasindi lang nya
Napaayos naman ako ng upo habang ang isang kamay ko ay nakahawak ng wine glass "Everything's falling into place. That old woman will soon face her scrumptious death."
He puffed his cigarette "Siguraduhin mo lang na hindi ka sasablay. Kung tutuusin, that job was just a piece of cake."
Tumango naman ako "Sinisiguro ko po yan master."
"Mabuti naman kung ganon." he puffed his cigarette again
Uminom ako ng wine
"On the other hand, handa na ba ang mga kinakailangan para sa transaction? Alam mo na kung ano ang tinutukoy ko." pag-iiba nya ng usapan
Tumingin ako sa kanya "Wag po kayong mag-alala. Handa na ang lahat."
"You know me Capo, I don't want damaged goods. Are we clear?"
"Crystal." I answered
Brye's POV
"Sinong nag-utos sa'yo para manmanan ang West compound namin?" mariing tanong ni Ivo sa Spy na dinala namin dito kani-kanina lang.
Agad din naming ipinaalam ito kay boss nung nakakuha na kami ng mga impormasyon tungkol sa kanya.
Nandito kami ngayon sa isa sa mga Compounds namin. Kasalukuyan naming ini-interrogate ang isang 'Picciotto' mula sa ibang Mafia
"Paano naman yan sasagot sa'yo tol, eh ang lamya mong magsalita." Isa-isang tinitingnan ni Zircon ang mga torturing tools na nakalagay sa mesa.
Pinagmasdan ko ang kawawang 'Picciotto' na nakagapos sa harapan namin. Puno ito ng pasa sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Nakayuko ito ngayon at paminsan-minsang lumuluwa ng dugo. Ang tibay ng isang 'to. Mukhang wala kaming mapapala dito.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagdial nag number ni Boss. Mas mabuting sya na lang ang kumausap dito. Naglakad ako ng kaunti palayo sa kanila.
[Spill it.]
"Boss, mukhang wala tayong mapapala sa isang to. Nakasisiguro akong tapat ito sa 'Capomandamento' nila at walang planong lumabag sa 'Omerta'."
[Just continue to interrogate that 'Picciotto'. I'll be there faster than you thought.]
Bumalik ako sa pagkakaupo at pinanood ang dalawang ugok na nagtatalo
Inakbayan ni Zircon si Ivo "Kung ako sa'yo tol, mas mabuting mag face mask ka muna o di kaya takpan mo nalang ang buong mukha mo bago tanungin ang isang yan. Di natin alam baka allergic lang pala sya sa pagmumukha mo kaya ayaw kang tingnan at kausapin."
Inalis ni Ivo ang pagkakaakbay ni Zircon sa kanya "Langya! Kung mukha lang ang pag-uusapan, nasisiguro kong ikaw ang dapat magtakip. Sino ba namang maglalakas-loob na tingnan ang taong mukhang adik."
Tinuro naman ni Zircon ang mukha nya "Itong mukhang to, adik? Ang sabihin mo tol, naiinggit ka lang dahil wala kahit ni isang chikababes ang naghahabol sayo. Sabihin mo lang kung kailangan mo ng isa. Hindi naman ako madamot. Alam mo na, mahilig kaya akong magdonate."
Gago talaga to. Ang taas ng tingin sa sarili
"Hahaha anong chikababes ang sinasabi mo Bro? Alam kong pareho tayong gwapo. Pero sa pagkakaalam ko, mga bakla lang ang naghahabol sayo." tumawa lang si Ivo dahilan para batukan sya ni Zircon
BINABASA MO ANG
Their Identities
AzioneHe is Ruthless. He is Dangerous. He is Lethal. He is Despicable. He is a Mafia Boss. She is Thoughtful. She is Kind. She is Softhearted. She is Lovable. But she's wiser than you thought. When their OPPOSITE WORLDS collide, what's going to happen...