Chapter 9- The fight

603 147 53
                                        

Zircon's POV

"Yun lang pala ang gagawin? Sus, ang dali naman."

Mga ilang minuto lang ang tinagal ng pagpa-plano namin para gagawin naming laban. Alam mo naman pag gwapo ang kaharap nila, mas nakakapag focus sila sa kung anong dapat na planuhin.

They should thank me

"Ang yabang mo naman Zircon. Nakakaawa ka kasi, kaya pinagbigyan ka ni Bro Gray ng madaling trabaho." sabay akbay sa akin ni Ivo

Gago talaga 'to

"Zircon, is everything ready?"

"Oo naman big bro. Ako pa." kumpyansa kong sagot

Nabaling ang tingin ko kay Brye "Uy tol! Nga pala, ba't ang tagal mo na namang nakarating?"

Umupo sya sa sofa "Inalagaan ko lang kasi si Snow white."

"Wag kang magbiro tol di bagay." nasabi ko na lang

Umiling lang sya "Bahala ka kung ayaw mong maniwala."

"Maganda ba?" tanong naman ni Ivo na mukhang excited sa isasagot ni Brye

"Gwapo 'tol. Gwapo." pagbibiro ko

"May snow white bang lalaki?" curious na tanong ni Ivo na nakatingin sa akin.

Sasagot na sana ako nang biglang nagsalita si Brye "Tama ka tol gwapo talaga."

Ha?

Snow White, lalaki? 'Lang ya! Mababaliw ako nito

Siraulo.

"O-M-G lalaki na pala ang pinapantasyahan mo ngayon papa Brye?" kadiring tanong ni Ivo na may pakagat kagat pa sa labi.

Sagwa!

Ang bakla naman magsalita nito. Bigla tuloy tumaas ang balahibo ko sa katawan

"Porket ba lalaki, bakla na agad? 'Di ba pwedeng lalaking aso lang ang inaalagaan ko?"

"Ano namang napasok sa pag-iisip mo at pinangalanan mong snow white 'yung lalaking aso? Ayos ka lang ba 'tol?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Makainom na nga lang ng wine.

"Eh anong magagawa ko? Maputi na man talaga."

"Ba't di na lang Whitey o di kaya Milky?"

Suggestion ko lang naman yan kaysa naman sa Snow white.

Pwe!

"Ang baduy naman ng mga pangalang 'yan Zircon. Walang pinagkaiba sa pangalan mo. Ba't di na lang kaya Doggy tutal aso naman yun." nakangising saad ni Ivo

Doggy? anu yan, wala ng ibang pagpipiliang pangalan?

"Eh mas baduy kaya yang naisipan mong pangalan."

"Basta 'yun na yon."

"Bahala ka nga dyan tol. Minsan lang naman magsu-suggest ang gwapong ako. Kung ayaw nya e di..."

"E di ano?" tanong ni Brye sa 'kin

"Wala, gwapo parin ako malamang." Makainom na nga lang ulit ng wine

"Tss. Makaalis nga nga lang muna."

Sinundan ko ng tingin si Brye na papunta sa pinto "Langya! Kararating mo pa nga lang, aalis ka na agad? San punta mo 'tol?"

Nagpatuloy lang sya sa paglalakad at pinagbuksan ang pinto

"Magpapahangin sa kabilang planeta. Sama ka?"

*door closed*










Gray's POV

"Brye has an important thing to do. He'll just catch up later."

"Ah ganun ba Big Bro."

I nodded

"Maiba nga tayo Big bro. About sa bakbakan natin, feel ko mga baguhan ang kalaban natin ngayon."

Zircon muttered while resting his back at the couch. I can see him in my peripheral vision

"Yeah, I know." I answered, not even taking my eyes off the laptop.

I'm currently reviewing the profiles and proposals of some investors regarding business matters.

"Ano ba yan. Parang hindi man lang ako pagpapawisan nito."

"Asa ka pa bro. Baka umiyak ka pa nga eh."

"Let's start."

I stood up, heading my way to the fighting room

"Hay, salamat naman! Let's get it on!"








Zircon's POV

"Woooh! Syet panalo na naman! Ang galing talaga natin Big Bro."

Pero ako talaga ang pinakamagaling eh

Oo nga pala, katatapos lang ng laban namin. At dahil tapos na kami, pa chill-chill na lang kami ngayon. Gusto nyo bang malaman kung anong nangyari kanina?

Well, ganito kasi yun

-flashback-

Nung sinabi ni Big Bro na magsisimula na ang game namin, ibig sabihin ay magsisimula na ang hacking tournament. Anong akala nyo, makikipag-bugbugan kami? Sa gwapo naming to? Asa ka pa! Natural gagawin lang naming yon kapag kinakailangan na.

"Hindi na siguro makakaabot si Brye." sambit ni Ivo

"Sus, kahit na hindi yun tumulong dito, kayang kaya naman natin to. Kahit na ako nga lang mag-isa eh, ayos na." sisiw lang yan sa'kin mga tsong

"Ayos ah! Akalain mo nga naman, marunong ka pa lang gumamit ng mouse tol?" natatawang sabi nitong gagong si Ivo

"We're about to begin."

Napunta ang atensyon namin ni Ivo kay Big Bro. Nakatingin na kami ngayon sa mga codes na isa-isang pinapakita sa mga monitors.

Oo nga pala para mas maintindihan nyo, ang hacking tournament ay isang laro kung saan lahat ng magagaling na hackers sa mundo ay nagpapaligsahan. Magkapareho lang ang category na iha-hack ng isa't isa. Pabilisan lang kung sino ang mauunang matapos.

"Focus, Zircon. Don't forget that you are assigned on the information security. Make sure that it contains everything from basic penetration testing-"

Hindi ko na pinatapos si Big Bro kasi kabisado ko na ang gagawin ko. Ako pa.

"Naman, Big Bro!" may saludo pa yan ha!

Nakatingin na pala si Big Bro sa kin. Ganito na ba talaga ako ka gwapo?

Napailing naman si Ivo "Wag kasi puro imagine sa mga chicks mo tol!" mabilis syang nagta-type ng kung ano-ano sa keyboard ng computer.

Pasikat 'tong gago










Ivo's POV

"Ivo, gain an access to the restricted section of the website that we are going to hack."

Walang humpay parin sa pag ta-type si Gray

"Right away, Bro" sagot ko at nag type ng code sa computer

Hacking is not only a fun skill to develop, but can prove to be useful when evaluating and working out complex or critical situations. As hackers, we are able to gain access to the restricted section of a website.

Katulad ng iniutos ni Gray. Pag napasok na namin ang website na hi-nack namin, that will be the time to delete data from the database or pwede din kaming mag insert ng mga new data.


*****

"Wala pala tong mga kalaban natin eh! Kasisimula palang nila, tapos na tayo. Psh"  uminom ng wine si Zircon

Napailing nalang si Gray


Their IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon