Chapter 36- Menacing

412 33 5
                                        

Raven's POV

Tatlong araw na akong nakakulong sa compound ni Mr. Beelzebub. Akala ko bubugbugin ako ng mga tauhan nya pero hindi man lang nila ako sinaktan. Tinanggal na rin nila ang pagkakagapos sa mga paa at kamay ko. Nilipat pa nga nila ako sa isang magandang kwarto. Malaki ito at kumpleto ng mga bagay na kakailanganin ko.

Sa tatlong araw na nakalipas, wala akong balita kay Gray. Sigurado din ako na hinahanap na ako nila Azure. Hindi ko na rin nakakausap si mommy dahil wala naman akong dalang cellphone.

Avengers, save me!

Kailangan ko na talagang makalabas dito. Sa tatlong araw na nandito ako, lagi nalang akong nananaginip. Di ko alam kung totoo ba ang lahat ng yun o guni-guni ko lang.

But for now, I need to figure out kung anong kailangan ni Mr. Beelzebub sa'kin. Most importantly, I need to know my real identity.

Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo sa kama nung makarinig ako ng katok sa pinto.

"Wait lang." mahina kong sambit.

Dahan-dahan bumubukas ang pinto

Tahimik at maingat akong nagtago sa likod ng pintuan na kabubukas lang nang sa gayon ay hindi ako makikita agad ni kuya kapag sumilip na sya

"Nasaan na yun? Karirinig ko lang sa kanya ah." naguguluhang sambit ni kuyang naka black na palingon-lingon

Hindi pa man nakaabot ang paningin niya sa kinatatayuan ko ay tinusok ko ang leeg nya ng maliit na pin galing sa suot kong relo dahilan para mahimatay sya. Sumilip muna ako bago tuluyang lumabas. Hindi ko alam kung makakatakas ba ako. Di ko kase kabisado tong lugar.

Dumiretso nalang ako sa isang pasilyo. Maraming pasikot-sikot. May mga nakikita akong mga tauhang nagpagala-gala kaya maingat lang ako sa paglalakad.

They're wearing black shirts with their guns

Napahinto ako nung naramdaman kong may tao sa likuran ko kaya lumingon ako

"Anong ginagawa mo dito?" sabay tutok ng baril sa'kin

"Tinatanong kita, Miss." dagdag pa niya nung tiningnan ko lang sya ng diretso sa mata

"When was the last time you brushed your teeth?"

Saglit na natigilan si kuya nang marinig nya ang tanong ko

Sorry. Just stating what I've noticed.

Medyo tumaas ang isa nyang kilay "Nang-iinsulto ka ba?"

Ang baho talaga

I can't take this any longer. I think I need to be in a serious mode starting now. That would be exciting, right?

Bago pa ako ma-suffocate ay este, bago pa sumabog 'tong bungo ko, inunahan ko na sya.

I curled my hand into a fist and aimed for the front of his nose. My fist hit the bridge of it. His blood splattered all over the ground. I raised my knee and foot, extended my leg, and kicked him on his head.

Bago pa mahimatay ay narinig ko pa syang nagsalita "Jackie Chan, ikaw ba 'yan?"

Yeah. But don't tell anyone until I say so.

Hindi pa man ako nakakapagpatuloy sa paglalakad ay isa-isa ng nagsidatingan ang mga tauhan ni Mr. Beelzebub. Sa paningin ko hindi sila bababa sa lima.

Seriously?

"Fine. Kung gusto nyo ng away. Pagbibigyan ko kayo."

Isa-isa akong sinusugod ng mga lalaking nakaitim. Some of them are trying to shoot me using their guns while some are attacking me using their martial arts techniques. Pinapalibutan na ako ngayon kaya I don't have a choice but to turn my body in a clockwise direction and whip my head around.

Their IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon