Azure's POV
"Ano ba Viona, hindi mo pa ba na ta-track si Raven?" Expert sya pagdating sa mga ganitong bagay kaya hindi na ako nagdalawang-isip na humingi ng tulong sa kanya.
Alam kong may tinatago si Raven sa amin and I will figure it out as soon as possible.
"Teka lang naman girl, medyo mahirap kasing pasukin ang security na naka block sa possible location nya ngayon. Imposible namang tinanggal nya yung tracking device sa cellphone nya. She doesn't know about that microchip."
"Baka meron pang ibang dahilan."
Lumingon sya sa'kin. "Alam mo girl, you have a point. Sa pagkakaalam ko, meron pang isang device na pwedeng dahilan kung bakit hindi ko ma a-access ang tracking device na nakalagay sa cellphone ni Raven."
Napataas naman ang isang kilay ko "Ano naman yun?"
"Well, i don't know if nag e-exist ba talaga sya dahil hindi ko pa naman yun nakikita. Kung sino man ang naka invent nun ay genius talaga."
"Ano nga?" naiinis na ako. Ang dami pang sinasabi
"Well, it's a device that can bypass all securities. With a push of a button, it can eavesdrop on secure communications, corrupt certain software and transmit false intelligence. Kapag naka-on yun, walang sino mang hacker ang makaka-hack sa system ng nag-operate nun."
"What? I can't believe it."
So, what am I supposed to do now?
"Wag kang mag-alala Azure. I think we can do something about it. All we need to do is track down the main signal and then we can approximate Raven's location."
Salamat naman kung ganon
"Wait, I think Raven is moving."
Napatingin naman ako sa monitor nung may nag appear na kulay pulang ilaw. Gumagalaw ito.
"Saan sya papunta?" nakatutok lang ako sa screen
May kung anong code syang tinatype ngayon. "Teka lang, huminto sya. It's in the hospital kung saan naka admit si nanay Elie nya. I guess, mali ka ng hinala girl. Baka naka off lang ang phone nya kanina kaya di natin sya ma track."
"Nope, I highly doubt that." alam kong may hindi sinasabi sa amin si Raven
"Ikaw ang bahala. Ano na Azure, pupuntahan ba natin sya? We never know, we might found out something."
Napatingin ako sa kanya "Well, if you insist."
Raven's POV
"Excuse me po maam, ikaw po ba si Raven?" tanong ng isang nurse nung malapit na kami sa room ni nanay Elie
"Opo. Bakit mo po pala natanong?"
"May nag-utos po kasi sa'kin na abangan kayo dito. Maaari ko bang malaman kung ano ang pangalan ng pasyente?"
Ganito ba talaga ang mga nurse dito? Napaka welcoming naman ata nila.
Kahit na medyo naguguluhan ako ay sinagot ko pa rin ang tanong nya "Elie Weasley po nurse."
"Weasley?" napatingin naman ako kay Gray nung binanggit nya ang apelyido ni nanay Elie.
"Okay ka lang ba Gray?" Nakita ko kasing kinuyom nya ang mga kamay nya
"Y-yeah. Just don't mind me." umiwas lang sya ng tingin
BINABASA MO ANG
Their Identities
Hành độngHe is Ruthless. He is Dangerous. He is Lethal. He is Despicable. He is a Mafia Boss. She is Thoughtful. She is Kind. She is Softhearted. She is Lovable. But she's wiser than you thought. When their OPPOSITE WORLDS collide, what's going to happen...
