Raven's POV
Nandito pala ako sa isang public library malapit sa school namin. Sabado ngayon at alam kong pwede namang pumasok sa school pero mas pinili kong dito na lang mag-aral. Mas tahimik kasi at may mga librong dito mo lang makikita.
Ang choosy ko mga sis. Hayaan n'yo na
Hawak-hawak ko ang calculator at seryosong nagso-solve ng mga problems. Oh my gosh! Ang hirap. Tama naman yung mga sagot ko pero may ibang questions na ang hirap talagang intindihin.
Ba't ganun?
Oo nga pala, nag-aaral ako ngayon para sa magiging exam namin sa midterm. 'Di ko man lang namalayan na ang bilis lang pala ng panahon. Hanggang ngayon nga, naiisip ko pa rin yung nangyari last week.
Parang kailan lang nung nag-usap kami ni Gray. Hinawakan pa nga nya ang kamay ko. Di ko naman alam kung bakit nya ginawa yun. Pagkatapos nung nangyari, wala na akong balita sa kanya. Ang weird talaga. Bigla na lang kase syang sumusulpot tapos mawawala na naman bigla na parang bula.
Hays, tama na sa pag-iisip sa kanya Raven.
Focus! Kung ayaw mong magka singko.
Someone's POV
"Master, she's in the public library"
Nandito ako ngayon sa library dahil sinusundan ko si Raven. Yeah, I know her.
Matagal ko na rin syang sinusundan dahil 'yun ang nakaatas sa akin.
Let's just say that there's something that we need to do but we can't do it without her presence.
[Do whatever you want. Just don't do anything that might ruin our plan]
"Yeah, I know."
Ibinaba ko na ang cellphone at inilagay sa bulsa.
I think, I need to get to know her more. Wala naman sigurong masama kung kakausapin ko sya.
Raven's POV
Mahigit isang oras na rin ang nakalipas at heto ako, pindot ng pindot pa rin sa dala kong calculator. Patuloy lang ako sa pag-aaral nang may umupo sa upuan na nasa harap ko. Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkacal-culate.
Ba't ganun? Tama naman yung sagot ko pero bakit hindi tumutugma sa graph? Ibinaba ko ang calculator at napatunghay na lang.
Hayy
Nakakainis! Kung kailan malapit na ang exam, ngayon pa talaga di gumana ang brain cells ko.
Wait, may utak ba talaga ako?
Hey, brainyyy. Bumalik ka na. I miss you na.
"Need some help?" biglang tanong nung lalaking nasa harapan ko kaya napatingin ako sa kanya
Nagpalinga-linga ako para siguraduhin kung ako ba ang kinakausap nya. "Ah, eh... ako ba?"
nakakahiya naman.Nakatingin parin sya sa akin at naghihintay sa sasabihin ko.
May alam ba sya dito?
Pero kailangan ko talagang makakuha ng mataas na grades kaya. "Okay lang?" nahihiya kong tanong
No choice na si oks noh.
Kaysa naman bumagsak ako sa exam.
"Let me read the problem."
Pinakita ko naman yung tanong na nasa libro.
*****
"Thank you nga pala sa pagturo mo"
Hindi naman kami close para tulungan nya ako
Bukod sa pagturo nya sa'kin, naki pagkwentuhan na rin ako kaya halos dalawang oras din kaming nandito. Magaan naman ang loob ko sa kanya kaya marami din akong nashare sa kanya.
Haynaku, ang daldal ko talaga. Sabi pa naman ni Azure na 'wag na 'wag akong magtitiwala agad sa mga taong bago ko palang nakilala.
"You did great. Such a fast learner."
"Ah, haha salamat."
Tiningnan ko ang suot kong relo. Hala! Mag si-six pm na pala. "Kailangan ko ng umuwi. Thank you ulit" kasalukuyan kong binabalik ang mga librong kinuha ko kanina
"I'll drive you home."
Buti na lang at nailagay ko na ang lahat ng libro sa bookshelves kundi baka naihulog ko yun dahil sa pagkabigla
"Are you sure? Baka nakakaabala na ako. You don't have to-"
"I insist."
Hindi ko na natuloy ang pagsasalita dahil hinawakan na nya ang kamay ko at naglakad na kami palabas.
*****
Ilang minuto na rin mula nung sumakay ako sa sasakyan. Napalingon naman ako sa rearview mirror ng kotche
"Teka, parang hindi naman ito ang daan papunta sa'min." wika ko nung bigla nyang nilihis ang sasakyan papunta sa ibang direksyon
Tahimik lang sya habang seryoso pa rin sa pagmamaneho. Sumisilip-silip din sya sa rearview mirror ng kotse.
Anong nangyayari?
Nagsisimula na akong kabahan. Maybe because I know the fact that I already told him about my weakness. Ang daldal ko kasi eh.
Hindi pa rin sya umiimik at seryoso lang sa pagmamaneho. Anong gagawin ko?
"Gusto ko lang sanang tanungin kong saan mo ako dadalhin"
Tiningnan lang nya ako sabay balik ng tingin sa daan.
Totoo ba 'tong nangyayari ngayon? O sadyang nananagip lang ako? Ang gusto ko lang naman ay mag-aral para sa exam namin. Kung alam ko lang na hahantong pala sa ganito ang mangyayari sa akin, edi sana di na lang ako nagpaturo sa kanya.
Ganito ba talaga pag may naitulong ka sa iba, dapat may hinihinging kapalit?
Unti-unting bumibilis ang takbo ng kotche, kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Napansin ko naman na may kinuha syang panyo malapit sa dashboard habang ang isa nyang kamay ay nakahawak pa rin sa steering wheel.
"Anong gagawin mo dyan sa-"
Hindi ko na natapos ang pagsasalita dahil medyo nahilo ako. Ano ba yung nilagay nya sa panyo? Kakaiba ang amoy. Parang inaantok ako. Bago ko pa tuluyang mapapikit, nakita ko muna syang parang naka half smile.
Bakit?
BINABASA MO ANG
Their Identities
AksiyonHe is Ruthless. He is Dangerous. He is Lethal. He is Despicable. He is a Mafia Boss. She is Thoughtful. She is Kind. She is Softhearted. She is Lovable. But she's wiser than you thought. When their OPPOSITE WORLDS collide, what's going to happen...