Chapter 6- Him and Her

677 171 86
                                    

Raven's POV

Nandito ako ngayon sa mall specifically sa Toy Kingdom.

"Wow, ang cu-cute ng mga stuff toys." Kung pwede lang, bilhin ko lahat eh.

Honestly, nangongolekta talaga ako ng stuff toys. Ang saklap lang kasi wala pa akong human-sized na stuff toy. Wala pa kasing nagbibigay

Don't get me wrong, meron naman talaga akong pera. Ano lang kasi, yung mga stuff toy na kinokolekta ko ay bigay sa akin. So, lahat yun ay may sentimental value.

Wait lang, nagugutom ako kaya kakain muna ako. Ano kaya ang pwedeng kainin?

"Ah alam ko na. Ice cream na lang." Ice cream, wait ka lang dyan.









Gray's POV

"Big Bro, pwede bang mag-antay ka na lang muna dito kasi may bibilhin lang ang gwapong ako."

Zircon said as if I'm a clueless 5-year old kid

"Wag kang mag-alala, alam ko namang madali mo lang mamimiss ang pagmumukhang 'to kaya for you, bibilisan ko."

I eyed him "That mouth of yours Goldcrest, it'll dig your grave deeper. Five minutes."

"Woah! Chill ka lang big bro. Ang bilis mo naman ata akong mamiss."

"The time is ticking, Zircon." I said while looking at my wrist watch

"Okay² sabi ko nga eh. Big Bro, dito ka na lang muna umupo. Kung gusto mo ng ice cream, nandyan lang sa gilid mo. Pffft"

What the-

"Do you want me to rip you limb from limb?" I seethed

"Oo na nga eh."

Ice cream? Do I look like a kid?









Raven's POV

"Ate, dalawang ice cream po."

"Para kanino po yang isa maam?"

Aling Marites, ikaw ba yan?

May lahi pa lang chismosa to si ate? Ehem, nagutom lang po. Nakakapagod kaya ang mag-ikot-ikot sa mall. Anong akala nya, na matakaw ako? Kung upakan ko kaya to.

"Akin pa rin po." nakangiti kong sagot.

Ang bastos ko naman kung magagalit ako agad diba?

"Ahhm, Okay eto na po." sabay abot ng ice cream

"Thank you." with a smile pa 'yan ha.

*****

May nakita akong upuan sa gilid nitong ice cream parlor kaya dun na lang siguro ako uupo. Teka, pero merong lalaki. Hayaan na nga. Hindi naman siguro bawal na umupo doon noh? At tsaka, ang sakit na talaga ng paa ko.

May space pa naman kaya okay lang siguro. Wala naman syang karapatang pagalitan ako no, hindi naman nya pag-aari yang upuan.









Gray's POV

'What's taking him so long? '

I said at the back of my mind. Maybe I should call that bastard.

I was about to dial Zircon's number when I saw a girl who suddenly sat beside me while eating an ice cream.

She acts like a kid. I can see it the way she licked her ice cream.

I didn't noticed that I'm now staring at her. I can't help it. She's cute and she's quite familiar to me. Did I saw her somewhere?

"Ahmm kuya, gusto mo din ba ng ice cream?"

Kuya? How dare this little lady speak to me like that.









Raven's POV

Tiningnan lang nya ako. Bahala sya, basta ako, uubusin ko talaga toh.

Biglang nag ring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa.

Ay, tumatawag si nanay Elie

Tumayo muna ako saka ko sinagot ang phone call.

[Raven, anong oras ka makakauwi ngayon?]

"Bakit po nay, may ipapabili po ba kayo?"

[Ay wala naman. sige, mag-ingat ka. Bye.]

"Sige po, kayo din po. Pero teka Nay, may nangya--"

Ay, binaba agad? Ako lang ba o talagang parang may iba kay nanay Elie? Hayaan na nga. Bibili na lang siguro muna ako ng chocolate at stick-o bago ako uuwi. Favorite ko kasi ang mga chocolates at lalong-lalo na ang stick-o. Ganun talaga. Makalakad na nga.









Zircon's POV

"What's with the stare Zircon? Spill it."

"Wala naman Big Bro, may iniisip lang ako."

Nandito pala kami ngayon sa office ni Gray. Oo, may office yang isang yan. Businessman yan eh. Iba din yung tambayan namin na mas lagi naming pinupuntahan.

Prente akong nakaupo ngayon at hindi ko namalayan, nakatingin na pala ako kay Gray na seryosong nagtatype sa laptop. Teka, bakit parang ang bading yata pakinggan?

Langya talaga! Paano nalang ang mga chiks ko nyan pag nagkataon. Pero syet! Kahit na sa panaginip ay wala akong planong sumali sa federasyon.

Pero, ang ipinagtataka ko ay kung bakit nya nalaman na nakatingin ako sa kanya. Sus, kunwari pa 'toh, may pagtingin din pala sa'kin. Iba talaga ang alindog ng nag-iisang Zircon Goldcrest.

Pero 'tek na yan. Hindi ko talaga maiwasang isipin yung nangyari kanina.


-flashback-


Papunta na ako kay Big Bro dala ang mga pinamili ko. Hindi ako pwedeng magtagal kasi ayaw ng isang yun ng pinaghihintay, lalong-lalo na kapag maraming nakatingin sa kanya. Well, pogi naman si Big Bro pero mas gwapo ako noh.

Oo na!  Mas gwapo ng konti si Big Bro. Siguro lamang lang sya ng isang paligo.

Pero teka lang! Uy, lumalablayp ang mainiting ulo ng bayan. Paano ba kasi, eh may kausap si Gray na isang magandang bibibining kumakain ng ice cream. Ibang klase ang trip ng isang to ah.

May biglang tumawag sa babae kaya tumayo ito. At pagkatapos, naglakad na. Saan kaya ang punta nun?

Pero teka lang, medyo pamilyar ang babaeng yun. At anak ng ice cream! Nakangiti si Big Bro habang tinitingnang naglalakad yung babae palayo. Iba na'to mga tsong!

-end of flashback-


Kung tama ang kutob ko, mukhang magkakaroon na rin sa wakas ng babes si Big bro! Syet.



Their IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon