Chapter 16- Caller

414 99 48
                                    

Raven's POV

"Time's up. Pass your testpapers and don't forget to show me your charge slip."

Hay, sa wakas tapos na rin ang midterm exam. Ang bilis lang dumaan ng mga araw at ngayon, byernes na.

*phone vibrates*

SMS from Sapphire: Raven, san ka na? We're here at the school cafeteria. Nandito kami sa 5th floor

*****

Nandito ako ngayon sa harapan ng elevator nitong school. Nung bumukas na ang elevator, pumasok na ako. Buti na lang at dalawa lang kami. Ayoko kasi ng maraming nakakasabay.


Pagbukas ng elevator ay nagmadali agad ako sa paglabas. Di ko namalayang may papasok palang estudyante kaya nabangga ako nito. Nahulog tuloy ang mga librong dala-dala ko. Pupulutin ko na sana ito pero naunahan na ako at ibinigay ito sa'kin. 

"Salamat" pagpapasalamat ko sa estudyanteng tumulong sa'kin.

Tiningnan ko ang mukha nya. Ba't parang hindi naman sya familiar? Apat na taon na ako dito sa University pero ngayon ko lang nakita ang pagmumukha nya. Well, siguro iba lang talaga ang department nya. At isa pa, malaki ang school namin kaya imposible namang makilala ko lahat ang mga estudyante dito.

Ngumiti naman sya "Don't mention it."

"Sige, mauna na ako." tatalikod na sana ako

"By the way, I'm Wayne Harrison. It's nice to finally meet you." sabay lahad nya ng kamay para makipag shake hands at tinanggap ko naman

Finally meet me?

"Ah, ako pala si Raven"

Tumango-tango naman sya habang nakangiti. Di ko alam kung abnormal ba to o sinasapian ng masamang elemento. Panay ngiti, wala namang nakakatawa.

Do you want me to bring you to mental hospital, dude?

"Sige, mauna na ako. Hinihintay na kase ako ng mga friends ko. Baka ikaw rin, hinihintay na ng mga group of friends mo. Baka magtampo yun sayo."

Umiling naman sya "No, isa pa lang ang friend ko at mukhang hindi naman sya magagalit."

"Ah, okay." sagot ko na lang


****

"Hay salamat at dumating na rin. Akala ko magco-collapse na ang beauty ko dahil sa gutom." bungad sa'kin ni Viona pagkarating ko sa table na pinagpwestuhan nila dito sa Cafeteria

"Let's eat." pag-aaya ni Azure

Tumango naman ako at nagsimula naring kumain.

Naiisip ko pa rin yung lalaki kanina. Parang ang weird nya kase. Tapos feeling ko, matagal na nya akong kilala. Ay ewan! Feelingera lang siguro ako.

Akala mo naman celebrity ka Raven.


*****

Nandito na ako sa bahay. Gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papunta sa kusina para uminom ng gatas nang biglang tumunog ang phone ko.

Tiningnan ko ang screen. Unknown number? Sino naman kaya tong tumatawag? Gabi na.

"Hello?"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad

[Raven]

Pano nya nalaman ang name ko?

"Excuse me lang po. Sino pong nagbigay ng number ko sayo?" tanong ko naman habang kinakagat ang kuko ko

[I told you, I have my ways]

Isa lang naman ang alam kong nagsasalita ng ganyan. Kaya pala familiar ang boses nito eh

"Gray? Ba't napatawag ka?"

Isang linggo na rin nung huli kaming nag-usap. Ano kayang kailangan nya? Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Nanghihingi na siguro to ng kapalit. Diba, tinulungan nya ako sa pag-iwas sa taong sumusunod sa'kin noon?

Langya.

[Nothing, I just want to hear your voice]

Ini-on ko ang loudspeaker ng cellphone ko at nilagay ito sa mesa. Tama ba yung narinig ko?

"Ha? P-parang hindi naman nakakatawa ang joke mo Gray"

Kumuha ako ng baso at nagtimpla ng gatas

[How's your exam?]

"Okay lang."

[I see]

Uminom muna ako bago magsalita "Ba't mo pala natanong?"

[Nothing. By the way, I want to meet your new friend.]

Magsasalita pa sana ako pero nag end call na sya.

Weird.

'Di ko talaga ma-gets ang nangyayari sa'min  ni Gray. I mean, hindi ko alam na magkikita pa pala kami ulit mula noong una kaming nagkita sa mall. Inalok ko pa nga sya ng ice cream nun eh.

Oo, naaalala ko na.

Niligtas nya rin ako mula sa magnanakaw. Siya rin ang tumulong sa'kin nung magkaroon ng blackout sa Computer lab. Tapos tinulungan nya pa akong iligaw yung taong sumusunod sa'kin. Akala ko nga kinidnap nya ako, panaginip lang pala.

At ngayon, bigla na lang syang tumawag para kamustahin ako.

Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan kung bakit kinakabahan ako tuwing kausap ko sya. Akala ko may sakit ako sa puso pero hindi eh, kasi bakit bumibilis lang ang pagtibok tuwing makikita o makakausap ko sya?

*phone vibrates*

Anak ng pusang gala!

Halos mabitawan ko na ang cellphone ko nung nakita ko kung sino ang nagtext. Idinagdag ko kasi ang number nya sa phone book ko ngayon lang kaya pangalan na nya ang nakasulat.

SMS from Gray: Sleep tight. See you on Monday

Bakit? Anong meron sa Lunes?




Their IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon