Raven's POV
It's been a week simula nung nalason si nanay Elie. Unfortunately, mas nanghina ang katawan nya kaya nagdesisyon si dok na ipadala sya sa ibang bansa para mas madali syang gumaling.
Hindi ko mapigilang umiyak ng umiyak noon dahil hindi ako sanay na mawalay sya sa tabi ko pero kailangan kong tanggapin at pangatawanan ang naging desisyon ko. At isa pa, alam ko namang hindi sya pababayaan ni mommy doon sa Italy.
"Raven, can I ask you a question? Ano bang meron sa inyo ni Mr. Hunk? I'm just curious lang naman girl." Napahinto ako sa pag-iisip nung magsalita si Viona
Tiningnan ko naman sya "Wala naman. Friends lang kami no."
Tumaas naman ang isang kilay nya "Friends lang, tapos ganun na lang sya kung mag-alala sayo. I think he's into you. Di natin alam, Crush ka pala nya. I'm so kinikilig tuloy. Ano kayang bagay na tawag sa love team nyo?" umayos sya ng upo at seryosong nag-isip
"I somehow agree with twin Viona. She has a point naman. Ikaw Raven, wala ka bang nararamdaman sa kanya or na fi-feel na spark tuwing magkasama kayo?"
Spark?
Napakamot na lang ako "Ha? Di ko alam Sapphire eh. Di ko naman nakikita yan. Ano bang malay ko sa spark² na yan."
Lumapit si Azure sa amin "What they're trying to say Raven, ay kung meron ka na bang nararamdaman na paghanga kay Gray."
Paghanga?
Napatingin naman ako sa ceiling nitong kwarto. Nandito kase kami sa bahay namin. "Oo naman Azure. Na a-amaze talaga ako sa kanya. Ang galing kaya nya. Alam nyo ba na napaka high-tech ng bahay nya? Kaya nga idol ko sya dahil ang talino nya talaga. Saan kaya sya nagmana no?" sagot ko naman.
Napatampal sa mukha si Azure "Ano ka ba naman Raven. Simpleng tanong, hindi mo pa kayang sagutin?"
Hala, nainis na sya
Bakit ang sama nilang makatingin sa'kin? Sinagot ko lang kaya ang question nila.
*phone rings*
Kinuha ko ang cellphone sabay tayo. Lumayo ako ng konti sa kanila bago sinagot ang tawag "Hello?"
[I need to tell you something]
Ano namang sasabihin ni Gray sa'kin? "Okay. Ano yun?"
[Not now. Where are you? I'll fetch you.]
Ha? Akala ko pa naman makakatakas na ako sa kanya. Gabi na kaya.
Oo nga pala, nakikitira pa rin ako sa bahay ni Gray. Yun kase ang kundisyon ni nanay Elie bago sya pumayag na magpagaling sa ibang bansa. Kahit anong tanggi ko, di talaga nya ako pinapakinggan. Makakauwi lang daw ako sa bahay kapag magaling na sya. Sabagay, malulungkot lang din naman ako dun kung hindi ko sya kasama.
"Pwedeng bukas na lang Gray? May importante kase akong inaasikaso ngayon" napakagat ako ng kuko
[Raven, your nanay Elie wants me to take care of you and I can't forgive myself if something will happen to you without me by your side. I can't lose you.]
'I can't lose you'
I can't lose you'
I can't lose you'
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko
[Raven? Are you still there?]
"H-ha? Oo n-naman. Sige, i-tetext ko sayo ang address. Bye"
BINABASA MO ANG
Their Identities
ActionHe is Ruthless. He is Dangerous. He is Lethal. He is Despicable. He is a Mafia Boss. She is Thoughtful. She is Kind. She is Softhearted. She is Lovable. But she's wiser than you thought. When their OPPOSITE WORLDS collide, what's going to happen...
