Zircon's POV
"Bro, sinong mas maganda at sexy, ito o ito?" sabay patingin sa cellphone
"Alam mo Ivo, wala ka talagang taste. Eh ang papangit ng mga 'yan e. Kung gusto mo ng magagandang binibini, sa akin ka maghanap. Alam mo na, sa dami ba naman ng naghahabol sa akin, baka may ma i reto ako. Naaawa din naman ako sa mga lalaking hindi biniyayaan ng kagwapuhan" napapailing ko na lang na sagot
Lang 'ya talaga tong si Ivo, kanina pa namimili kung sino ang i-de-date. Nandito pala kami ngayon sa tambayan namin. Pero teka lang, hindi ito katulad ng mga karaniwang tambayan. Mukha kasi itong malaking office. Sosyal kaya kami. Lalong lalo na tong si Gray.
Sa loob ng tambayan namin ay mayroong isang malaking TV. Parang condo lang kung iisipin. Yun nga lang, maraming monitors na nakonekta sa mga CCTV cameras. Lahat ng mga profiles ng mga taong gusto naming imbestigahan, agad-agad naming nahahanap. Ganyan kami kagaling. Lalong lalo na ang gwapong ako!
Meron ding mini office si Gray na sya lang ang pwedeng pumasok. Tingin ko may tinatago to eh. Nanonood din siguro to ng 'alams na'. Kaya nga hindi sya nagpapapasok kahit na sino para maka focus sya sa panonood. Ang talino ko talaga.
Apat kaming palaging nagkakasundo sa mga bagay-bagay. At alam nyo ba, lahat kami ay gwapo. Sa hindi pagmamayabang eh ako talaga yung pinakagwapo dito. Lamang lang ng isang paligo si Gray.
Napahinto ako sa pag-iisip dahil biglang nagsalita tong gagong si Ivo
"Ang dami kasing pagpipilian kaya medyo nahihirapan ako" seryosong saad nitong ungas habang diretsong nakatingin sa'kin.
"Hahaha ang sabihin mo, wala kang mapili kahit isa! Kung ako nga dyan, mahihirapan talaga ako. Eh wala dyan ang mga taste ko."
Kumuha ako ng magazine. Magbabasa na lang ako. Alams na, marami ding sexy ladies dito noh. Kaysa naman masuka ako sa kakatingin sa pagmumukha ng kausap ko ngayon.
"Anong ibig mong sabihin?" saad nito at akmang itatapon sa 'kin ang cell phone niya kaya pinang sangga ko 'tong magazine na hawak ko.
"Wala akong sinasabi ah. Ang mga gwapong katulad ko ay walang panahon sa mga katulad mo." ang highblood masyado nito. Napaghahalataan ka masyado tol. MERON ata to
"Nasan ba si Brye?" pag-iiba nya ng usapan
"Bakit Ivo, miss mo na ako? Bilis naman!" nakangising wika ni Brye na kararating lang
"Asa ka pa Brye!" wika ni Ivo habang tumitingin pa rin sa cellphone
Nandito na pala tong si Brye. Saan kaya to nanggaling? Nga pala, Brye Stallion ang buo nyang pangalan.
"Oh, ano yang kinakalikot mo sa cellphone tol?" tanong ni Brye na kakaupo lang.
Kumuha ito ng wine malapit sa kinauupuan nito at uminom pagkatapos magsalin. Nakadekwatro itong nakaupo ngayon.
"'Wag mong pakialamanan yan 'tol, busy yang nanonood ng porn hahaha" singit ko naman
"Ah, yan siguro yung mga video mo tol no? Pinasa mo pala kay Ivo? Ayos ah, patingin din ako." nakangiting saad ni Brye kaya napahinto ako pagtitingin tingin sa mga gorgeous ladies sa magazine.
Langya tong gagong to!
Hindi na nakainom ulit ng wine si Brye dahil hinagis ko sa kanya ang magazine na hawak- hawak ko
"Hahaha kalma lang tol! Sinasabi ko lang ang pawang katotohanan."
"Ulol!" Gago talaga tong si Brye kahit kelan
Ngayon, dahil gwapo ako, allow me to introduce myself. Sa hindi pagmamayabang, isa lang naman ako sa mga pinakagwapong lalaki dito sa daigdig and want to know my handsome name? Well, the name is Zircon Goldcrest. Diba, pangalan pa lang gwapo na.
-after several minutes-
"Be ready, we will have a fight next month" saad ni Gray habang may kung anong tinatype sa laptop
Hindi nyo tinatanong eh, napakagaling sa halos lahat ng bagay itong si Big Bro. Kaya hindi basta-basta tong Boss namin.
Sya lang naman ang nag-iisang Gray Osprey.
"Big Bro, bakit sa susunod pa na buwan? hindi ba pwedeng next week? Ang kati na kasi ng mga kamay ko eh." excited na ako mga tsong
"..."
"Sabi ko nga eh, next month pa. hehehe" napakamot na lang ako sa ulo. Mahirap pa namang galitin to
Ehem, alam nyo ba kung ano ang paglalabanan namin? Well, dahil gwapo ako, HINDI ko sasabihin. Basta, maghintay lang kayo. Malalaman nyo rin.
Brye's POV
"Makapag Tiktok na nga lang." Oh, anong masama sa pag titiktok? Babae lang ba ang pwede?
*****
"What's with your awkward steps Brye?" Nakatingin na pala si Gray sa'kin.
Napahinto ako bigla sa ginagawa ko. Putcha! Baka akalain nito na bakla ako.
"Ha? Wala to Gray." pilit ngiting sagot ko na lang at tinakpan ang cellphone ko
"I thought you're practicing martial arts. Nah, just don't mind me. Just continue your practice." bumalik sya sa pagtatype na kung ano-ano sa kanyang laptop
"Hahaha martial arts daw sabi ni Big Bro tol! Hahaha akala ko nga robot eh."
Sinamaan ko ng tingin si Zircon "Tumahimik ka nga dyan tol."
Sayaw kaya yung ginawa ko. Yun bang sasayaw ka muna ng mabagal sa umpisa tapos biglang bibilis.
"Hindi na man sayaw yang ginagawa mo tol eh. Para kang hahaha basta, di ko ma explain. May rayuma ka ba?"
"Gago!"
"Oh, walk out ka tol? Di mo na ako lab?" kadiri nyang saad
"Sapak, gusto mo?"
makaalis na nga
"Labyu din tol! Pfft"
Nagtaasan naman agad ang mga balahibo ko dahil sa sinabi ni Zircon
Gago talaga. Psh
BINABASA MO ANG
Their Identities
AksiHe is Ruthless. He is Dangerous. He is Lethal. He is Despicable. He is a Mafia Boss. She is Thoughtful. She is Kind. She is Softhearted. She is Lovable. But she's wiser than you thought. When their OPPOSITE WORLDS collide, what's going to happen...
