Chapter 2- Meet her friends

1.1K 225 118
                                    

Raven's POV

Haay, hindi naman pala malayo. Pero napagod ako dun ah. Hirap kayang maglakad ng naka heels.

Pinunasan ko ang maliit na pawis sa noo ko "Good morning po manong guard." masiglang bati ko kahit na paubos na ang energy ko

Papasok na sana ako pero bigla akong hinarangan ni Manong guard "Naku! Hindi po kayo pwedeng pumasok dito." napaatras naman ako

Bakit naman? "Nakauniform naman po ako oh."

Tinuro ko pa yung uniform na suot ko. Baka kasi may sakit lang sa mata si Manong guard diba? Hindi natin alam. Hindi tayo nakakasiguro kasi nagkakalat na ang iba't ibang virus ngayon. Hindi naman siguro kumakain ng paniki to si manong guard. At tsaka, iba naman ang virus na makukuha don. COVID-19  ba tawag don?

"Nakikita ko nga."

Kumunot naman ang noo ko "Nakikita mo na man pala. Bakit po-"

"Wala po kayong ID."

Aba ang bastos naman nito, hindi man lang ako pinatapos.

"Teka lang po ah."

Eh? Nandito lang 'yun sa loob ng bag ko ah. Pero wait...

Tiningnan ko naman sya "E manong guard, bakit ka naman po naghihingi ng ID? First day pa naman ng klase ah?"

Umayos sya ng tayo "Ginagawa ko lang po ng tama ang trabaho ko."

Ang sungit talaga nito. "Wait lang manong guard, mag-iisip muna ako"


-flashback-


"Raven, 'yung ID mo pala oh." wika ni nanay Elie sabay lagay sa mesa

"E nandito lang po yun sa bag ko. Bakit po nasa inyo?" kakamot-kamot kong tanong

Kumuha sya ng eco-bag "Hindi ko rin alam. Basta napulot ko lang yan sa sala kanina lang."

Ay, oo nga baka nahulog lang. Kagabi ko pa kasi inayos yung mga gamit ko sa school.

"Ahm Raven, alis muna ako ha. May bibilhin lang ako sa palengke."

Sana marami akong maging bagong kaibigan dun sa University. Aside from my close friends, gusto kong makisalamuha pa sa iba.

Pero okay lang naman sa akin kung kaunti lang ang kaibigan ko as long as they're genuine with our friendship.

Anong gagawin ko sa marami kung mga PLASTIK at AHAS naman?

"Raven, nakikinig ka ba? Ah basta, nandyan lang yung ID mo sa mesa. Sige, una na ako."

"Opo nay."

Hindi ko na nadinig yung sinabi ni Nanay kasi naman, nag-iisip pa ako eh.

Ay oo nga pala, muntik ko ng makalimutan "Nay, yung baon ko po." nilingon ko si nanay Elie.

Hindi pa pala ako nakahingi ng pera

"Nay? Naaay?"

Patay, umalis na pala? Paano na yan? No choice, maglalakad na lang ako. Malapit lang naman dito ang school eh. Pero waaah! Nakaheels pa naman ako. Ang choosy naman talaga ng university na yun. Basta, isa yan sa mga rules: Dapat daw mag high-heels ang mga babae.


-end of flashback-


"Aaaah eh, patay." mahina kong sambit

"Anong patay?" narinig nya pala yun? Ibinulong ko lang yun ah.

Their IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon