Raven's POV
Kanina pa akong paikot-ikot dito pero hanggang ngayon wala pa rin akong makitang daan palabas. Ano bang klaseng lugar to? Sobrang higpit. Sabagay, sa pakakaalam ko ay isa ding Mafia boss si Mr. Beelzebub kaya natural lang na bantay-sarado talaga 'tong lugar na pinagdalhan nya sa'kin. Ang dami ding mga tauhang may hawak na baril kahit saan. Buti nga at hindi nila ako napapansin eh. Siguro dahil sa liit ko. Tapos madilim na rin kasi gabi na.
Maingat lang ako sa paglalakad habang patago-tago sa gilid nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Huminto ako para mas maintindihan ko ang pinag-uusapan nila.
"Where is she? I want to see her right now."
"She's inside a room. Don't worry mom, she'll be fine."
"Shhh tone down your voice anak, baka may makarinig sa atin dito. Hindi nila dapat malaman ang totoo lalo na si Raven. This is not the right time."
"Sorry, mom. I just missed you so much. Come on. Let's go."
M-mom
K-kapatid ko sya?
Is this some kind of joke? Tell me.
Halos hindi na ako makatayo sa sobrang panlalambot ng tuhod ko. Totoo ba 'tong narinig ko? Bakit niya tinawag na mom si mommy? 'Di ko talaga maintindihan kung bakit wala man lang nabanggit si mommy tungkol dito.
Tuluyan na akong napahagulhol. Di ko mapigilang mapaisip. Sa loob ng maraming taon, nagawa ni mommy na ilihim sa akin 'to?
Why mom?
Anong katotohanan na hindi ko dapat malaman?
Ilang minuto din akong nakatunganga lang habang nakaupo sa gilid ng hallway. Wala na akong pakialam kung makita man ako ng mga tauhan ni Mr. Beelzebub dito. Wala na rin namang saysay kung tatakas pa ako. Nandito si mommy at hindi ko sya pwedeng pabayaan na lang dito. Isa pa, kailangan kong malaman ang buong katotohanan ng pagkatao ko.
"Aray."
Di ko mapigilang mapahawak sa ulo ko sa sobrang sakit.
"Raven, stop! He's not your enemy! He's your friend. Listen to me."
Halos mapaos na si yaya Elie sa kakasigaw pero hindi ko pa rin siya pinansin. Inayos ko ang baril na hawak-hawak ko at itinutok ito sa lalaking nasa harapan ko.
"Raven, you know me. I can't do—"
"Shut up! I trusted you. You were my best friend. But why... why did you kill my dad?!"
Hindi ko na mapigilang hindi mapaluha. Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay ang tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha mula sa mga mata ko.
No one will ever be able to understand the hell inside my head.
*bang*
"Raven. Wag!!!"
Huli na ang lahat yaya Elie
---
Hinilot ko ang temples ko para kahit papaano ay maibsan ng konti ang sakit ng ulo ko. Pero teka, ano yung parang nagflashback sa isip ko? At sino yung lalaking binaril ko? Blurred kase ang mukha nya. Si nanay Elie lang ang medyo malinaw sa paningin ko.
Weird.
Lord God, tulungan nyo naman po ako. Di ko na alam ang nangyayari sa'kin. Palagi nalang na may nagfa-flashback sa isip ko.
Nagsimula ito nung nilipat nila ako sa bagong kwarto. Ito kasing si Vitchel, tinulak ba naman ako ng pagka lakas-lakas. Ayun tuloy, natumba ako at tumama yung ulo ko sa pader. 'Langya talaga yung babaeng yun. Buti nga't di ko sya tinuluyan nung nandun pa sya sa compound ni Gray eh. Kung maka asta, akala mo naman ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Kasalanan ko bang hindi sya sinagot ni Gray?
BINABASA MO ANG
Their Identities
ActionHe is Ruthless. He is Dangerous. He is Lethal. He is Despicable. He is a Mafia Boss. She is Thoughtful. She is Kind. She is Softhearted. She is Lovable. But she's wiser than you thought. When their OPPOSITE WORLDS collide, what's going to happen...
