Chapter 38- Pain

234 30 2
                                        

Raven's POV

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nung marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto. Medyo inaantok pa ako pero umupo na rin ako habang nagkukusot ng mata

"You're awake."

Tumango naman ako bilang tugon "Good morning."

"How's your sleep?"

Suplado. Di man lang nag greet back sa'kin.

"Sakto lang. Wala ka bang trabaho Gray?"

Sa pagkakaalam ko kasi businessman sya kaya dapat lang na pumupunta-punta din sya sa company para umattend ng meetings.

Nagkibit-balikat lang sya at pinatong sa vanity table ang dala nya "Nah, I choose my work hours. Here's your milk. Take a shower after drinking this. We're going somewhere."

"Salamat." may kasama pa yang ngiti ha

Ngumiti din sya at lumapit sa'kin. Halos di ako makagalaw nung hinalikan nya ako sa noo.

"Just call me if you need something. I'll wait for you downstairs."


---

Ilang minuto na ang lumipas pero di ko pa rin magawang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Di ko pa nga din naiinom yung milk na dala ni Gray. Ba't ang sweet nya ata ngayon?

Nasapian ata.

Sabagay, sweet naman talaga si Gray. Pero parang may something eh. Ay ewan

"Calm down Raven. Kulang ka lang ata sa tulog ghorl."

Hindi ko na rin mapigilang kausapin ang sarili ko. Hayss, ewan talaga. Nababaliw na ata ako. Makapagshower na nga lang.










Zircon's POV

"Mga bro, nakikita nyo ba ang nakikita ko?" hindi ko maiwasang mapangiti

Iba na 'to mga tsong. Si big bro, nakangiti eh. Kalalabas lang nya sa kwarto ni Raven. Bilib na talaga ako dito kay big bro, mukhang naka score ata.

Hmmm I smell something fishy.

"Ang alin tol, ang kagwapuhan ko? Bakit, ngayon mo lang ba napansin?"

Natigilan ako sa pag-iisip nung marinig kong magsalita si Ivo. Di ko rin mapigilang matawa sa sinabi nya. Di ata alam ng ugok na to ang definition ng salitang 'gwapo'

"Gago ka bro! Kahit saang anggulo tingnan, walang nananalaytay na kagwapuhan sa katawan mong patpatin. Pero kung ako ang pag-uusapan, hindi naman sa pagmamayabang kahit paa pa lang ang masisilayan ng mga binibini sa katawan ko, namamatay na sila sa kilig. Pero okay lang naman sa akin yun. Sanay na naman ako kaya oks lang. Ang hirap talaga 'pag pogi ka, pati kagwapuhan ay problema na rin. Hayss"

Napaubo si Brye

"Hahahaha ayan tol, naubo tuloy si Brye dahil sa kasinungalingan mo. Kung ako sayo, itigil mo na yang kagaguhan at pagpapantasya mo. Ulol!"

Agad akong umiwas nung batuhin ako ni Ivo ng throw pillow.

Gago!

"What's with the commotion?"

Agad kaming napaayos ng upo nung marinig namin si Big bro

"Ah wala boss. Si Zircon, nanghihingi lang sa'kin ng tips kung paano makabingwit ng binibini hehe" sabay kamot ni Ivo sa kanyang batok

"Anong ako—Aray!"

Ang sakit ng tagiliran ko. Siniko ni Brye.

Puta!

Their IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon