Chapter 40- The Queen

231 19 5
                                        

Raven's POV

Ang bilis talaga ng takbo ng panahon. Isang linggo na rin ang nakalipas mula nung nakalabas ako sa compound ni Beelzebub. Miss na miss ko na sila Azure, Viona, at Sapphire. Sana okay lang sila. Miss ko na rin si nanay Elie. Sana magaling na sya. Gusto ko man silang tawagan pero di ko naman kabisado ang mga number nila. Naiwan ko kasi yung phone ko sa compound nila Gray.

Haysss, ang boring talaga dito sa bahay ni Gray. Ako na naman mag-isa dito. Busy kasi sya sa business nya kaya nandun sya sa company para sa board meeting nila.

Alam ko na. Kakain na lang muna ako. Binuksan ko ang ref pero—

"Nasan na yung ice cream dito? Sa pagkakaalam ko, may natira pa kagabi eh." Napakamot na lang ako

Walang problema. Bibili na lang ako. Hindi naman siguro magagalit sa'kin si Gray kung lalabas ako. Saglit lang naman.

-----

Kakatapos ko lang bumili ng ice cream. Pauwi na sana ako nang may mapansin akong familiar na pigura ng isang babae. Mas lumapit ako sa kinatatayuan niya pero di ko pinapahalata na tinitingnan ko sya. Baka mapagkamalan niya pa akong stalker noh, mahirap na.

Kinusot-kusot ko ng ilang beses ang mga mata ko para makasiguro akong hindi ako namamalikmata.

Oh my. Di nga ako nagkakamali. Lalapit na sana ako pero biglang may nagtakip ng panyo sa bibig ko hanggang sa mawalan ako ng malay.

-----

Nagising ako nang makarinig ako ng nagbabangayan malapit sa kinauupuan ko. Kahit imulat ko man ang mga mata ko, wala pa rin akong makita kasi naka blindfold ako.

"Hello? May tao ba dito?"

Gaga ka talaga Raven. Natural merong tao. Sino sa tingin mo yung nagbabangayan kanina?

You're spacing out again, self.

"Don't worry, we won't hurt you. Not for now, I guess."

Teka, ba't parang familiar ang boses nya?

"Sino ba kayo? grabe naman sila kung makatali sa'kin. Ang higpit ha

"Well, you can call us the 'Terminators'".

Terminator?

Ka ano-ano nila si Arnold Schwarzenegger?

"May lahi ba kayong robot?" ang astig naman kung ganon

"Are you nuts? What are you talking about?"

Familiar talaga yung boses nya eh

Hindi ko sya nakikita pero nararamdaman kong medyo naiinis na sya

"Ano bang kailangan nyo sa'kin?"

"Kami wala. Ikaw, meron."

Anong ibig nyang sabihin? Ano namang kailangan ko sa kanila?

In the first place, I don't know them. So how come na kailangan ko sila?

Nakahithit siguro to ng katol

"Kung pina-prank nyo ako, please itigil nyo na. Humanap na lang kayo ng ibang mapagkakatuwaan. O di kaya mag guest kayo sa Raffy Tulfo in Action tapos dun kayo mag prank. Gutom na ako. Wala na akong energy makipagtalo pa sa inyo. Ano ba!"

"Sa tingin mo ba nakikipaglaro kami?"

Napabuntong-hininga nalang ako "Malay ko sa inyo. Tinatanong ko kayo ng maayos pero di nyo naman ako sinasagot ng tama."

Their IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon