Kabanata 6

397 9 0
                                    

Kabanata 6





Hindi magkanda-ugaga ang mga tao nang makapasok kami ni Marianne sa loob ng clinic.

Abala ang lahat sa iisang tao.

Nakita ko si Zayn na nakahiga sa may bandang sulok ng clinic, ilang mga nurse ang nakaalalay sa kaniya habang dahan-dahan siyang hinihiga sa kama.

Wala pang nakakapansin sa amin ngunit nang puntahan ko si Zayn ay doon na bumaling ang tingin ng dalawang nurse sa akin.

Tinanguan lang nila ako at umalis narin nang maayos na nila ang paghiga ni Zayn.

"H-hey, what's happen?"

Para akong nalulumpo habang nakatingin sa kaniya, may naka lagay kasing IV sa kaniya at kita ko ang pamamantal ng buo niyang katawan.

"Uh, unfortunately it's just my allergy no need to worry about" aniya.

Magsasalita na sana ako nang narinig kong bumukas ang pinto ng clinic, lumingon kami ni Zayn sa bagong pasok at nakita ko ang mommy niya, nakaguhit sa kaniyang mata ang pag-aalala sa anak.

"What happen to my son?" Tanong nito sa nurse na naka duty doon.

"Inatake po ng allergy ma'am, we discovered na kumain siya ng malansang pagkain kanina, mga lunch"

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig after what I've heard.

'Yung gulay na niluto namin ni manang Gina, may itlog nga idagdag pa 'yung pati 'yung isda. Shit, hindi ko naman alam na may allergy pala siya, edi sana iba nalang ang niluto ko.

"H-hey, it's okay Therese. It's not your fault" tinignan ko si Zayn nang magsalita siya. Patuloy paring nakikipag usap ang mommy niya sa nurse roon.

"But--"

"No buts, hindi mo kasalanan, walang may kasalanan. Hindi mo naman alam na may allergy ako sa mga pagkaing malansa"

Ngumiti lang siya sa akin. Hindi ako comportable. Patuloy paring kumakabog ang dibdib ko dahil sa nalaman.

Ilang sandali na lang ay narinig ko ang mga yabag ng kung sino, nang lumingon ako ay mas lalo akong kinabahan nang makitang ang mommy niya ang paparating.

Agad akong gumilid para makita niya si Zayn.

"Oh my God, ano bang ginagawa mo anak? Alam mo namang may allergy ka sa mga malalansa bakit kumain ka pa rin?"

"Mom...I'm okay,  mawawala rin ito bukas, I just need to take meds"

"Ma'am...I-I'm so--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita ulit si Zayn.

"Mom you know Therese right?"

Doon palang lumingon sa akin ang mommy ni Zayn at ngumit ito ng malugod sa akin.

"Oh hija? Andito ka pala, I'm sorry I didn't noticed you, by the way thank you for taking care for my son, It will my pleasure if you dine with us later at dinner?"

Napanganga ako sa sinabi ng mommy niya. Nagtataka akong nakatingin kay Zayn na ngayo'y ngumingiti lang at tumango sa akin.

Walang ano-ano'y nakita ko na lamang ang sariling tumango sa mommy niya.

"O-of course t-tita, I'll go later" utal kong pagpayag.

"Again? Tell me me Therese Marie, did you like that guy?"

Napabuntong hininga ako nang tanungij ako ni mommy, nasa loob kami ngayon ng kwarto niya at nagpapaalam ako sa kaniya pero nakabihis na ako.

Simple lang ang sinuot kong gray dress na may belt sa bewang. Light make-up lang ang ginawa ko at itinaas ang mahabang buhok into a bun.

Captured Heart✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon