Kabanata 20

404 9 0
                                    

Kabanata 20





Naramdaman ko nalang ang malambot na sahig ng sasakyan at ang mainit na hininga ni Matteo

Nawala narin ang ilaw na nanggagaling sa cellphone niya, alam kong nararamdaman din niya ang mabilis na kabog ng dibdib ko kaya napakapit ako sa braso niya.

"Stay still, keep quiet and keep you hands away from my shoulders, hide them" mabilis kong ginawa ang sinabi niya, pati ang buhok ko ay mabilis kon tinipong at tinago sa ilalim niya.

Mabuti na lamang at heavy tinted ang sasakyan namin kaya kahit anong gawing pagsilit ng kung sino man dito sa loob ay hindi niya magagawa.

Napapikit ako nang marinig ang pagkasa niya ng kaniyang baril. Kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon, matutulak ko na siya dahil sa nararamdamang matigas na bagay sa bandang puson ko.

Napalunok ako dahil sa naisip.

Unti-unting nakalapit ang taong may hawak ng flaslight at baril, kita kong pilit siyang sumisilip sa loob ng sasakyan at tinututok ang flashlight sa loob pero hindi niya magawa at pansin kong wala siyang makita.

Nandito kasi kami sa may ilalim ng backseat at pilit na pinagkasya ni Matteo ang katawan namin.
Napahawak ako sa dulong ng damit niya nang marinig na pinaghahampas na ng kung sino ang windshield ng sasakyan namin.

Ilang minuto kami sa gano'ng posiyon kaya hindi ko namayalan ang padaloy ng luha sa aking mata.

"Shhh" bulong niya sa aking tenga, imbes na tumahan pa ako ay mas lalong lumakas ang pag-iyak ko, impit lang iyon dahil ayoko rin namang marinig kami kahit alam kong imposible.

Hindi ko na napigilang yakapin si Matteo at isubsob ang mukha sa sulok ng kaniyang leeg.

Amoy na amoy ang mabangong pabango niya at ang mabilis na tibok ng pulso niya sa leeg.

Mas hinigpitan ko pa lalo ang pagyakap sa kaniya at ramdam ko ang mabibigat niyang paghinga.

Siya na ang unang humiwalay sa amin nang masigurong wala na ang nakasunod sa amin, inilalayan niya akong makaupo at doon namin nakitang pareho ang pagdaan ng sasakyan galing sa likod namin.

Nanatili pa kami sa may backseat at naghintay kung may kahina-hinala pang nakasunod sa amin bago magpasya si Zayn na lalabas daw muna.

Agad akong nataranta at mabilis siyang pinigilan.

"W-where are you going?" takot tanong, hinawakan niya ang kamay kong nakakapit sa damit niya at inalis iyon.

"I'll just find help, hindi pwedeng dito tayo magpalipas ng gabi" kahit takot ay mahina akong tumango at hinila pabalik ang kamay kong malapit sa damit niya.

Nakapikit akong naghihintay sa kaniya nang biglang may pumasok sa loob ng sasakyan.

"It's me" napahinga ako ng maluwag nang malaman siya iyon.

"We need to get out of here now, may nakita akong abandoned house doon tayo magpalipas ng gabi"

I noticed how wet he is, sobrang lakas parin ng ulan ngayon, rinig na rinig ko ang mabibigat na pagtama niyon sa bubong ng saskayan.

Binuksan niyang muli ang cellphone niya at pinanatiling ang screen lang an nagsisilbing ilaw namin sa loob.

"H-hey what are you doing?"

Nanlaki ang mata ko nang makitang hinubad niya ang damit niya at kinuha ang bag ko, doon niya nilagay ang cellphone niya kaya wala nang ilaw sa loob.

"Come here" utos niya. Kumapa ako dahil wala akong makita sa sobrang dilim.

Mabuti na lamang at walang ilaw ngayon dahil kung hindi ay makikita niya na akong namumula sa posisyon namin ngayon.

Captured Heart✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon