Kabanata 17

345 9 0
                                    

Kabanata 17





We are in the middle of making out when I suddenly saw Matteo walk out from the pool.

Dahan-dahan kong tinulak si Zayn mula sa pagkakayakap niya sa akin, buti nalang at hindi siya nagalit at nagtaka lang.

"Why? Is there a problem?" Umiling ako, wala naman talagang problema, pero hindi ko alam, feeling ko ako lang ang may problema dito.

"I'll just check Marianne?" Tumango siya nang magpaalam ako, tuluyan ko nang hiniwalay ang katawan ko sa kaniya at hinanap ang kaibigan.

Tuloy tuloy na nagsasaya ang iba kong kaklase habang ang iba naman ay nasa gilid lang ng pool at nagkwekwentuhan.

I spotted Marianne talking to some of our classmates when I approach her. Nagpaalam siya saglit saka ako hinarap.

"Enjoying huh" I tease her, tumawa lang siya at inakbayan ako. Sabay kaming umupo sa gilid ng pool at inabot ang pagkain na nasa floating tray.

"Ano nang sagot mo sa offer ko sayo?" Hanggang ngayon kasi ay hinihintay ko parin ang desisyon niya, she's one of my best buddy since in highschool years, kaya ayokong iwan siya after.

"Ayaw mo bang kasama ako sa company namin?" Nag puppy eyes ako sa kaniya at tumawa nang ibato sa akin isang piraso ng junkfood.

"Hindi naman gano'n hmm, these last fee days, I have decided actually"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, tinignan ko siya sa mata at hinihintay ang isasagot sakin.

"What? Tell me" nakangiti kong tanong. Natatawa siyang umiling at huminga ng malalim.

"Yes, I accept your offer!" Sigaw niya, nagulat ako nang hilahin niya ako pababa kaya sabay kaming bumagsak sa tubig.

Pagka-ahon ay puro lang tawa ang ginawa namin, other people joined us and we start laughing together.

Inabot kami ng madaling araw nang matapos ang party, ang iba ay maagang umuwi habang ang iba naman ay tumulong sa pagliligpit ng mga kalat namin. Hindi ko naman kasi pwedeng kina manang nalang lahat ng kalat namin, kaya kahit anong pilit niya na sila na ang magliligpit, tumulong parin kami.

After the cleaning, ay umuwi narin ang ibang kaklase namin ni Marianne.

"I hope you enjoy guys" sabi ko sa kanila habang hinahatid sa may gate.

"Syempre naman Therese Marie! Ang saya nga dahil first time namin makapunta dito sa bahay niyo, sobrang laki!" Manghang sagot ni Lea, umiling lang ako ngumiti sa kanila.

"Oh basta mag-ingat kayo ha? Ikaw Paul, mag ingat sa pagdadrive" paalala ko, dahil ihahatid niya sina Lea at Mina tutal may dala ding kotse itong si Paul.

"Sige Therese pasabi nalang sa parents mo na maraming salamat ha?" Tumango lang ako at kinawayan sila.

Tumalikod na ako para bumalik sa loob nang nagulat ako at mabilis napaatras nang makita si Matteo sa harapan ko.

Nakalimutan ko palang palagi siyang nasa gilid ko para bantayan ako.

I noticed how his black T-shirt hugged his body, he's wearing a cargo shorts and a pair of slippers.

Slippers.

Napako ang tingin ko doon dahil ngayon ko lang siya nakita nasuot ng slippers. Even earlier that he's not wearing anything exept of his board shorts, hindi ko naman napansin 'yun dahil nakay Zayn at nasa mga bisita lang ang atensyon ko.

Now that he's here infront of me, giving me a bored look, nagsisinungaling ako kung hindi ko sasabihing kahit anong klase ng damit ay hindi babagay sa kaniya.

Captured Heart✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon