Kabanata 9
"Wala kabang nakalimutan darling?"
Tinupi ko ang huling damit ko at isinilid sa maleta saka ito sinara. Nilingon ko naman si Mommy na kanina pa ako pinapanood sa pag-iimpake.
Akala ko ay hindi niya ako papayagan na pumunta sa camping lalo na't sa susunod na araw na iyon. Pero nagulat ako nang mas natuwa pa siya at pinagpilitan na kailangan kong sumali sa mga gano'ng activities para dagdag grade narin sa course ko.
"Yes Mommy, and don't worry i-uupdate ko naman po kayo kapag nakarating na kami doon"
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ng kama.
"Sige anak, balitaan mo nalang kami ng daddy at kapatid mo, and enjoy you quik vacation ok?"
"I Love you Mommy" Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako pabalik.
"Thank you Manong" nginitian ko si manong nang tulungan niya akong ilagay ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan. Muli kong nilingon sina Mommy and Daddy pati ang kapatid ko at saka sumakay na sa sasakyan.
Nang makarating ako sa school ay nadatnan ko ang ibang mga estudyante na hinihintay ang shuttle bus ng University para makakuha na ng pwesto sa loob.
"Buti naman at sumama ka talaga Therese! talagang magiging masaya itong camping ngayon dahil sa wakas ay makakasama narin kita!"
Nabigla naman ako nang halos dambahin niya ako sa pagyakap at muntik pang mabitawan ang dala-dala kong maleta.
"Hey"
Sabay kaming humiwalay sa isa't-isa at nilingon ang pinanggalingan ng boses. Bumilis ang takbo ng puso ko nang makita kung sino ang nagmamay-ari no'n.
"Ahem, sige diyan na muna kayo at may kakausapin lang ako saglit ok?" kahit nagtataka ay tinanguan ko lang si Marianne at sinundan siya ng tingin at nakita kong nilapitan niya ang isang lalaking pamilyar sa akin, nakatalikod ito at anng humarap at nagulat ako nang si Lance ang lalaking kausap na ngayon ni Marianne.
"So? Aren't you excited?" naibalik ang tingin ko kay Zayn nang marinig siyang magsalita.
"Uhm, yes of course, kahit na it's my first time to attend such thing like this." ngumiti lang siya sa akin at tumango.
"Well, I beleive na hindi ka mabobored kapag nakarating na tayo"
Kinuha kong muli ang waiver ko at binasa kung saan kami pupunta, batay sa nabasa ko ay sa isang Eco Park sa Naga kami pupunta.
Kahit sobrang tagal ko na dito ay never pa akong nakapunta sa sinasabi sa waiver na Eco Park.
May mga shuttle bus na nagsipagdatingan kaya naagaw no'n ang atensyon ni Zayn, he's wearing a casual plain Gray T-shirt and a khaki maong pants, at black and brown topsiders.
Hindi ko maiwasang hindi kiligin habang tinititigan siya ngayon, pansin ko namang pinagsisitiinginan siya ng ibang mga estudyante, nainis ako dahil doon kaya lumapit ako bahagya sa kaniya habang hila-hila parin ang maleta sa kanang kamay ko habang ang kaliwang kamay ay humawak sa kaniyang kanang braso.
Bumaba ang tingin niya sa akin nanag maramdaman ang hawak ko sa kaniya. Ngumiti lang ako ng tipid dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Nilipat ko ang tingin sa isang shuttle bus na may nakalagay na 'IV-I". Ito ang bus ng section nina Zayn ah? pero bakit hindi hanggang ngayon ay hindi parin siya pumupunta doon para makakakuha na ng pwesto?
Wala kasing reservation ang bawat upuan kaya first come first serve ang labanan.
"B'at hindi kapa pumupunta do'n? baka pangit na ang matira sayong upuan"
BINABASA MO ANG
Captured Heart✔️
Teen Fiction(ESPINOSA SERIES 2) Therese marie is not your typical college girl with her long blonde hair that matched to her hazelnut eyes, a girlfriend of the famous MVP Soccer Player Zayn Ferrer in their campus. A college student who have a lots of threats as...