Kabanata 32

390 7 0
                                    

Kabanata 32





"Oh, here you are!" si Mayor Engr. Ryan Sandoval wearing his dangerous smile, naka black polo shirt and black slacks, may tungkod siyang bitbit and a Black Hat is in his head.

Sa gilid niya ay si Zayn na nakatingin lang sa akin, silang dalawa lang ang nandoon at nakita kong nasa may pool ang mga bodygurad nila.

Mabilis akong gumilid nang dumiretso si Mayor sa dulo ng lamesa, umupo siya doon saka ako binalingan ng tingin.

"Take your seat hija...We are going to discuss something very important" hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya. Pero ayoko munang malaman nilang narinig ko ang pinag-uusapan nila kanina.

Kailangan ko ring kausapin si ang asawa niya, dahil pakiramdam ko ay may kailangan akong malaman na siyang pwedeng magpabagsak sa mayor na ito.

Pinaghila ako ni Zayn ng upuan, hindi ako kumibo o tumingin man lang sa kaniya para magpasalamat.

Mas lalo lang lumalaki ang galit ko sa kaniya dahil sa ginawa niya sa akin.

"So, I hope you two knew each other am I right?" tukoy ng Mayor sa aming dalawa ng asawa niya.

May pag-aalinlangang tumango ang asawa niya at ngumiti sa akin.

"O-of course Honey, nadatnan ko kasi siya sa baba..." tinignan ko nang mariin ang asawa ng Mayor. Hindi naman siguro niya ako isusumbong na pinagkikinggan ko sina Zayn kanina hindi  ba?

"Oh? anong ginagawa niya kung gano'n?" may mapag-larong ngiti sa labi ang mayor, tahimik lang si Zayn sa tabi ako. Sinusubukan niyang hawakan ang kamay kong nasa hita ko pero kinuyom ko iyon at nilayo sa kaniya.

"A-ah, wala naman nakita ko siyang tinitignan ang painting na nakasabit" natanggal ang tinik sa lalamunan ko nang marinig ang sinabi niya.

"Pasensya kana Hija, hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa'yo" the Mayor's wife said.

She extended her hands towards me and smiled.

"I'm Lauren Garcia-Sandoval, wife of Ryan and Step mom of Zayn" Napapanga ako sa narinig. Now I know, kusang nasagot ang mga katanguan ko sa isip. Bahagya ko lang na nginitian si Mrs. Lauren.

Hindi maitatago ang ganda niya kahit may edad na. Maputi ito kaya halatang-halata ang ilang mga pasa at sugat niya sa leeg, braso at hindi ko makakayang makita kung masa marami pa ang mga sugat na iyon sa ibang bahagi ng katawan niya.

Kailangan ko siyang makausap para makaalis ako dito. Ayokong magtagal dito at kailangan kong makaalis agad.

"Ok, so I think everythings' ok now. I will not introduce my self because I know that you know me young Espinosa" hindi nakatakas sa akin ang pang-uuyam sa tono niya nang sabihin niya iyon.

"You think na makakaaalis ka rito Therese Marie?"

Doon ko na siyang nilingon, kita kong unti-unting lumalabas ang tunay niyang kulay. Sa labas ng bahay na ito at halos sambahin siya ng buong kabikulan dahil sa pagiging isang mahusay na inhenyero at Alkalde ng lungsod.

Pero hindi alam ng karamihan na maitim ang budhi niya, isa siyang sinungaling na tao at sobrang kapal ng maskarang sinusuot niya kapag nagpapakita siya sa maraming tao.

"Ano bang gusto niyo sa akin? bakit niyo ba 'to ginagawa? wala naman akong ginagawa sa inyo?!" napatayo na ako sa upuan at hindi napigilang sigawan siya.

Napatigil ako nang makita ang pagsulpot ng ilang mga bodyguards niya sa palibot namin.

Halos panawan ako ng ulirat nang itutok nila sa akin ang kanilang mga baril.

Captured Heart✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon