Kabanata 5

452 8 0
                                    

Kabanata 5





"Zayns' over there!"

Napalingon ako sa direksyong tinuro ni Marianne at nakita ko nga siya together with his teammates.

Nag-aalangan pa akong salubungin sila but when he noticed me ay doon ako nabuhayan ng loob at pinutol ang distansiya namin.

Nanatili lang sa kaniyang kinatatayuan si Marianne while busy tapping on her phone.

Feeling ko bagong ligo lang siya dahil basa ang buhok niya at hindi nakauniform, katatapos lang practice nila panigurado.

"Tol, una na muna kami?" Sabi ng lalaking kasingtangkad niya pero moreno nga lang, hindi gaya ng kutis ni Zayn na parang may lahi dahil kahit anong bilad sa araw ay hindi nangingitim ng sobra, mestizo kumbaga.

Tinanguan niya ang lalaki kaya mabilis din silang nawala sa gilid namin. Malapit nang mag lunch, katatapos lang ng last period namin ni Marianne nang habang naglalakad kami dito sa may gilid ng field ay saktong nakita niya ang grupo nila Zayn sa 'di kalayuan.

Nanonood kasi ako ng practice din ng mga volleyball girls kanina sa may court ng volleyball, inaabangan ang pagdaan ni Zayn.

"Uhm, I made you a lunch" inabot niya ang lunchbox na binigay ko at napangiti siya doon.

"Wow, Thanks. It's my first time to receieve such thing like this" aniya, kita ko ang pananabik sa kaniyang mga mata at dahan-dahan niyang binuksan ang lunchbox.

I crossed my fingers, hoping that he could atleast appreciate my effort to him. Wala akong nabasang emosyon sa mukha niya kaya nagsimula na akong kabahan.

Yes I know hindi talaga ako marunong magluto, actually ay nagpatulong at nagpaturo lang talaga ako kina manang Gina kanina kung paano magluto ng fish fillet.

Ayos lang kung sabihin niyang hindi niya nagustuhan ang luto ko, atleast alam kong hindi siya nagsisinungaling sa akin. Napalunok ako nang nanatili lang siyang nakatingin doon at para bang pinag-aaralan kung ano ang niluto ko.

"It's ok if you didn't like it. Uhm you can throw it anyway" walang alinlangan kong sabi.

Mabilis siyang tumingin sa akin, nakakunot ang kaniyang noo at mariing umiling.

"No, I love this! I really appreciate it! I can't wait to eat this, if you don't mind why don't you eat lunch with us?"

Napalingon ako sa kaibigan at mabilis naman siyabg tumango, malamang narinig niya ang paayaya ni Zayn.

Bumaling ako sa kaniya at ngumiti.

"Sure, No problem. Let's go?" Nakasunod lang sa amin si Marianne. Kanina ko pa talaga pansin na parang balisa siya na ewan. Kahit hindi niya sabihin sa akin ay hindi naman ako tanga para hindi iyon mapansin. Sa ilang taon ba naman naming magkasama, alam ko na ang likaw ng bituka niya.

Maraming tao ang bumungad sa amin nang makarating kami sa canteen, pero nabaling agad ang atensyon ko sa mga grupo ng lalaki na kumakaway sa amin. Ang mga ka-grupo pala ni Zayn.

"Zayn, nakakahiya sa mga kasama mo" saad ko habang nakatingin parin sa kanila.

"No, don't mind them 'wag na kayong mahiya, afterall you're my future girlfriend and I'm your future boyfriend also"

"Ikaw talaga, o sige order na ako" nauna na akong naglakad patungo sa pila pero bago pa ako makapwesto sa likod ng babae ay mabilis na akong naunahan ni Zayn sa pila.

"Hey, why are you here?" Pagtataka ko. Nilingon niya ako at nagsalita.

"Let me handle it, ako na mag-oorder, mauna na kayo sa lamesa" kumunot naman ang noo ko at nilingon ang mga kaibigan niyang ngayon ay abala na sa pag-uusap.

Captured Heart✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon