Kabanata 21

358 7 0
                                    

Kabanata 21





Minute passed and we finally arrived to a department store. Hindi naman gano'n kalayo ang sentro ng bayan namin, kapag walang traffic at checkpoint, ten minutes lang ay makararating kana.

Bibihira ang mga pampasaherong jeep na dumaraan dito, dahil hindi tulad sa syudad na bibiyahe kahit kakaunti ang pasahero, dito ay hihintayin pang mapuno bago lumarga.

Nang maipark na ng maayos ni Zayn ang sasakyan ay saka kami bumaba, maraming tao sa loob dahil sabado ngayon. Nang matapos nang mai-check ng guard ang laman ng mga bag namin ay saka na kaming tuluyang pumasok para makapili ng pwedeng iregalo.

Ang mga tao sa paligid namin ay panay ang tingin at halatang nagbubulungan sa isa't-isa. Hindi ko alam kung ano ang dahilan, maaaring kasama ko si Zayn, na kilala sa pagiging model nito sa Manila at anak ng Mayor dito sa bayan, ako dahil isang Espinosa o baka si Matteo na kakaiba sa aming tatlo, sino ba naman kasi ang hindi mapapalingon sa kulay berdeng niyang mga mata.

Tama nga ang hinala ko dahil halos mag tulakan ang mga babae sa may gilid nang matapat sa kanila si Matteo, halos hindi nila pansinin o baka sadyang hindi nila binibigyan ng atensyon si Marianne na ngayo'y naka hawak sa braso ni Matteo.

"You already found something to give for Maia?" si Zayn na abala sa pagtitingin ng mga damit pambabae.

Kinuha ko ang isang branded off-shouder dress na kulay Orange, tama lang sa kanya ang damit at kulay dahil maputi siya at kasingtangkad ni Marianne, mas matangkad kasi siya kaysa sa akin.

"Yeah, maybe this will do" pakita ko sa kaniya no'ng damit. He nodded and smiled to me.

"Perfect! that would be great for her Babe, ikaw wala kabang napili for you?" pinasadahan ko lang ng tingin ang mga damit na nasa harapan ko, ang iba'y crop tops, blouse, off-shoulder and deep V neck na bubble sleeves.

Umiling ako at tinignang muli ang damit na napili para kay Maia.

"Wala, actually may mga damit pa ako sa bahay na hindi ko pa nagagamit, so baka next time nalang"

"Alright then"

Sinundan ko siya sa Mens' wear corner dahil nabangit niyang bibili siya ng maong na jacket at jeans.

Nakita ko sa 'di kalayuan sina Marianne at Matteo, may pinapakita si Marianne na polo panglalaki pero umiiling lang si Matteo, I wonder if she already found her gift for Maia?

How about this one?" bumalik ang atensyn ko kay Zayn nang magaslita siya, I suddenlly felt guilty dahil napansin kong kanina pa siyang nagtatanong at hindi ko pinapansin.

"Y-yes Of course, 'yan nalang mukhang bagay naman sa'yo" I answere out of nowhere.

"You know?"

"Yes?" umiling siya at binitawan ang hawak hawak niyang jacket kanina.

"Kanina kapa ganyan, para kang wala sa sarili mo, I don't know what did I do or what" napakagat ako ng labi sa sinabi niya.

Napayuko ako nang umalis siya, muli kong binalingan ng tingin sina Marianne at Matteo, nakita kong kinuha ni Matteo ang binigay ni Marianne sa kaniyang gray Lacoste Polo shirt at ngumiti.

Umiling ako at inis na binalingan ang jacket na binitawan ni Zayn kanina, and I found myself paying it at the counter.

Nasa kabilang counter silang dalawa habang si Zayn ay hindi ko naman mahagilap, nang maibigay na sa akin ang sukli ay mabilis akong umalis doon at hinintay ang dalawang matapos rin.

"Oh? where's Zayn?" I shrugged. Naiinis ako dahil sa inasta niya kanina sa akin.

Pero hindi nagtagal ay dumating si Zayn na busangot ang mukha, kahit nakitang binili ko ang gusto niyang Jacket ay wala paring nagbago sa mood niya, hmm baka may problema lang siya at ayaw niya pang sabihin sa akin.

Captured Heart✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon