Kabanata 25

346 7 2
                                    

Kabanata 25





"You know this didn't you?" I ask Marianne while walking outside the bar.

Umiling siya at huminto, hinawakan niya ang magkabilang braso ko at tinignan sa mata.

Nagpatuloy ang ingay at kasiyahan sa Bar lalo na nang makaalis kami, walang sinabi ang bouncer at ang security guard na nagbabantay sa labas.

"At first, I didn't know na si Zayn ang nakita ko doon sa sofa, but to my surprise hindi nga ako nagkamali at mas lalong nagulat nang makita si Tanya sa...ibabaw niya" I tsked at iniwan siya, nauna na ako sa sasakyan at sumunod naman siya.

I know that she got what I want, sa may passenger seat kasi ako sumakaya so it means siya ang magmamaneho ngayon.

Hindi ko ata kaya kung ako ang magmamaneho ngayon, nasa tamang pag-iisip ako at hindi naman nakainom to risk again my life, our life either.

Gusto kong pagsasampalin si Zayn dahil sa nakita ko, kailan pa nila ginag*go? kailan pa nila ako niloloko? at akala niya siguro'y hindi ko malalaman huh?

Baka nga sa nakaraang araw na nasa Manila siya ay si Tanya ang kasama niya at ibang trabaho ang ginagawa niya.

"What is your plan now?" tanong ni Marianne habang binabagtas namin ang daan pauwi.

"I-I still don't know, maybe after this, I'll take vacation, I want to be alone"

Mas maganda nga sigurong gano'n ang gawin ko, para naman sa muling pagbalik ko dito ay handa na ako sa pagtulong kay Daddy.

"Nadamay ka pa tuloy Mar, I'm sorry for my actions earlier" umiling lang siya at ngumiti sa akin.

"Nako, wala 'yun. I understand you. Ni hindi nga kita inawat kanina nang kaladkarin mo si Tanya dahil alam kong hindi ka rin naman magpapaawat, ang galing kanina sis ah?" asar niya, inirapan ko siya pero imbes na mainis ay natawa pa.

Now, what's bothering me, what Tanya said earlier, hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o naghahanap lang ng masasabi para hindi mapahiya, I don't really know, pwede ring totoo ang sinabi niya kanina at nadulas lang nang wala sa oras.

Kung titimbangin ko ang nararamdaman kay Zayn ngayon, I think I can't love him anymore, there is no room for second chances for those kind of people like him.

Cheater.

Galit at pagkamuhi nalang ang nararamdaman ko towards him. Dahil kung bibigyan ko pa siya ng ikalawang pagkakataon, parang binibigyan ko din siya ng ikalawang pagkakataon para lokohin ulit ako at saktan.

Nagbabadya nanaman ang mga luha ko nang maalala ang nadatnan kanina. Ang kakapal ng mukha nila at lantaran pang naglalandian?

And I remembered na baka marahil isa sa dahilan kung bakit nando'n siya sa bar ay dahil hindi ako pumayag sa alok niya na magbakasyon kami na kaming dalawa lang.

He can't understand me dahil wala siya sa posisyon ko ngayon.

Napailing ako at napatingin sa bintana.

Mabilis kaming nakauwi kami ni Marianne at gaya kaninang pag-alis ko ay buti nalang hindi natunugan ang pagpasok ko sa bahay.

I bit my lip nang maalala si Matteo. Isa pa siya, hindi ko alam kung paano ko siya patutunguhan kinabukasan.

Kanina ko pa kasi iniiisip kung blessing in disguise ba 'yong pambubugbog niya kay Zayn para pumunta siya sa bar na 'yon? at paano naman kung pumayag ako sa offer sa akin ni Zayn at hindi siya nabugbog ni Matteo?

I cover my face with my pillow and screamed in frustration, sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko namalayang nakatulog ako dahil doon.

"Hindi ba siya nagpaalam sayo?" si Daddy habang umiinom ng kape, we're currently seating here in our garden.

Captured Heart✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon