Kabanata 40

629 9 0
                                    

Kabanata 40





In our second day here in Legazpi, Me and Matteo decided to go in coastal nasa tabi lang ng Boulevard to eat our breakfast.

May extension kasi ang isang bahagi ng kalsada roon na hindi pwedeng daanan ng mga sasakyan dahil putol ang dulo na bahagi no'n.

Kakaunti lang ang tao nang makarating kami. It was already 5 in the morning, gusto ko kasing maabutan ang pagsikat ng araw kaya 4 AM kanina ay naghanda na kami.

Wala pang mga sasakyan ang dumaraan dahil medyo madilim pa nga. Tinulungan ko siyang kunin ang mga tela na magsisilbing upuan namin mamaya, may basket na rin sa sasakyan niya na may lamang mga pagkain.

Saktong natapos na namin ang paglalagay ng mga pagkain, ay uni-unti nang lumiliwanag, it's already 5:20 nang tinignan ko ang oras sa wristwatch ko.

Nagdesisyon na akong umupo at tunghayan ang ganda ng mayon. Hindi nagtagal ay naramdaman ko narin ang presensya niya sa tabi ko.

"Do you know the myth about that Mt. Mayon?" he suddenly asked.

"Yeah, a little bit" natandaan ko pa ang kwentong iyon dahil sa isa iyon sa mga pinag-aralan namin while I am still in Junior High School.

"At gaya ng nagmamahal kay Magayon, hindi ko rin isusuko ang pagmamahal ko sa'yo Therese Marie" he said.

Napatahimik ako dahil nagulat nanaman sa mga sinabi niya.

Binuka ko ang bibigi ko pero kalauna'y itinikom rin dahil hindi ko mahanap ang tamang sasabihin at sagot sa sinabi niya.

"You really love me don't you?" kako nang makakuha ng tyempo.

"Of course I do, ikaw ba?" biglang tumibok ng malakas ang dibdib ko sa tanong niya. Siyempre naman, paniguradong baka ako pa ang unang nagkagusto sa kaniya.

"I-I do too" mahinang sabi ko, pero narinig kong tumawa lang siya.

Hindi na ako nagsalita dahil nararamdaman ko na ang unti-unting pagtama ng sikat ng araw sa akin. Ang bilis naman ng oras dahil quarter to 6 na agad.

Wala na akong narinig pa kay Matteo nang matapos kong sumagot kanina, pero naririnig ok ang pagbukas niya sa ilang basket na katabi namin.

Palagay ko'y maghahanda na siya ng breakast namin.

Kanina bago kami umalis ay pinagpilitan niya kay Manang na siya nalang daw ang mag luto ng almusal namin, at kahit ano ring pilit kong tumulong sa kaniya ay hindi niya ako pinapayagan kaya pinanood ko nalang siyang magluto at ako na ang nagpresentang ilagay iyon sa baunan.

Fried rice, fried chicken, hotdog and cornbeef ang niluto niya.

"Thank you" ngiti ko nang iabot niya sa akin ang paper plate na may laman nang kanin at ulam. Nag simula na kaming kumain at walang nag-iimikan sa aming dalawa.

Nakakatuwa dahil magkasama ulit kaming dalawa habang pinaanood ang pagsikat ng araw kasabay nang magandang bungad sa amin ng Mt. Mayon.

Hindi na siya tulad ng dati na perpekto ang hugis sa tuktok dahil naapektuhan iyon ng nakaraan niyang pagsabog.

"Saan naman tayo pupunta ngayon?" tanong ko, natapos kaming kumain ng almusal at nang maramdaman nang sumasakit na sa balat ang sikat ng araw ay inaya na niya akong tumayo dahil may pupuntahan pa daw kami.

"Wait until you see" ngiti niya, inirapan ko nalang at muling ang bulkang mayon.

Hindi ako pamilyar sa Legazpi dahil hindi naman kami pumupunta rito, palagi lang kasi kaming nasa bahay nina Ate at kung minsan ay nasa Hacienda ako kasama si Clary.

Captured Heart✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon