Kabanata 26
Tila tumigil ang mundo ko nang mga oras na iyon, wala akong marinig dahil para bang nabingi ako dahil sa pagtama ng baril sa likuran ko.
It's happening again.
Nagkakagulo ang mga tao no'n ang iba'y mabilis nagsilabasan sa cafe at ang iba'y nagtago sa kung saan.
Nagpakawala pa ng ilang bala bago natigil ang putukan. Narinig ko rin ang pag alingaw-ngaw ng sirena ng mga pulis, palatandaang nakarating na sila.
Nawala ang eksenang iyon sa isip ko, naging itim ang paligid at wala akong makita ni isang tao o anomang bagay.
Halos mabuwal ako sa kinatatayuan nang biglang yumanig ang paligid. Umiiyak ako pero walang luhang lumalabas sa mata ko.
Lumingon ako sa paligid kahit wala akong makita, nagbabakasakaling may makarinig ng bawat sigaw ko.
"T-tulong!" Mabilis akong napabalikwas ng bangon, mabilis kong iginala ang paningin ko, bumuhos ang pagtataka sa mukha ko nang makitang wala ako sa aking kwarto.
Bigla akong napa-igik nang maramdaman ang sakit sa bandang likuran ko, nasa ibabang bahagi at medyo malapit sa balakang.
"I'm glad you're awake" hinanap ko ang pinanggalingan ng boses, nakita ko ang isang bulto ng pamilyar na lalaki na nasa gilid ng malaking bintana, halos magtago siya sa kapal ng kurtina na naroon.
Niyakap ko ang sarili nang makitan iba na ang suot ko, doon ko lang din naramdaman ang lamig ng aircon.
"I'm not the one who changed your clothes, It's my maid" nakita niya sigurong nagtagal ang tingin ko doon.
Hindi ko siya masyadong maaninag dahil sa sikat ng araw na nanggagaling sa may bintana, saktong naroon siya at 'di ako makagalaw nang makitang naglalakad palapit sa akin.
"M-matteo..." tawag ko sa mahinang boses.
"Yeah, it's me" dumukwang siya sa harapan ko at kinulong ang magkabilang gilid ko gamit ng dalawa niyang braso.
"U-uhm, w-where am I?" nilihis ko ang tingin ko sa paligid ng kwarto.
White and Black ang kabuuang kulay ng kwarto, puti ang kulang ng dingding habang itim naman ang mga kutina, pati ang kulay ng kinahihigaan ko ngayon.
May lamp shade na nakalagay sa may bed side table, at may telepono at ilang magazine ang nakalagay doon.
"You're in my house, in my room" napanganga ako sa sinabi niya, dahilan kung bakit bumalik ang tingin ko sa mukha niya.
Mas nilapit niya pang muli ang mukha sa akin kaya pinilit kong gumalaw para makaatras.
"Not so fast Baby..." Mabilis niyang naiharang ang kaniyang kanang kamay sa may likuran ko.
Dalawa na kaming nasa kama niya dahil sumampa siya at mas nilapit ang sarili sa akin.
"W-what are you doing M-matteo?"
Rinig na rinig ko ang mabilis na pagkabog ng puso ko dahil sa ginawa niya, idagdag pa ang kaunting distansya ng mukha namin sa isa't-isa.
"I'm, going to....feed you" bulong niyang sabi at binaba ang tingin sa aking labi. Para akong nahihipnotismo sa ginagawa niya, pero bago ko pa siya maitulak ay mabilis siyang humiwalay sa akin at dumukot ng telepono sa bulsa ng kaniyang pantalon.
Mas lalo akong nilamig nang humiwalay siya sa akin, pero hindi ako pwedeng basta-basta nalang magtiwalang muli sa ibang tao.
Ngayon ay nagtataka ako kung papaano ako nakarating dito sa bahay niya, dito pa mismo sa kwarto niya?
BINABASA MO ANG
Captured Heart✔️
Teen Fiction(ESPINOSA SERIES 2) Therese marie is not your typical college girl with her long blonde hair that matched to her hazelnut eyes, a girlfriend of the famous MVP Soccer Player Zayn Ferrer in their campus. A college student who have a lots of threats as...