Kabanata 12
"I love you too Zayn"
Sa ilang buwang relasyon naming dalawa, natutunan ko na at nakita ang mga bagay na nagiging pundasyon ng pagmamahal ko sa kaniya.
Hindi mawawala ang walang katapusang pag-aalaga sa akin, lalo na noong mga panahong halos wala kaming tulog ni Marianne dahil sa finals namin last sem.
Hindi rin syempre mawawala iyong mga moments na hindi ko mapigilang hindi kiligin sa mga pinaggagawa niya.
Walang patid parin ang pagbibigay niya ng Red Rose sa akin araw-araw.
Gaya na lamang ngayon.
Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang bulaklak na binigay niya sa akin.
Nilingon kong muli ang sasakyan niyang ilang segundo nang nawala sa daan habang may ngiti parin sa labi.
Maaga kasi siyang dumaan sa bahay para magpaalam, at dahil mamaya pang alas nwebe ang pasok ko at nagmadali parin akong bumangon ng maaga para maabutan ang pagdating niya.
Seven thirty kasi ang pasok nila sa pinag O-O-J-T-Han kaya bago pa ang oras na tinakda ay maaga siyang dumadaan dito para makita ako.
"Ma'am! nakahanda na po ang almusal!"
narinig ko ang pagtawag ni manang Gina.
Mabilis lang akong lumingon sa kaniya at tumango.
"Opo manang nandiyan na" sagot ko pabalik.
Ngunt hindi pa ako nakakahakbang papasok ay may narinig na akong putok ng baril galing kung saan.
Napatigil ako at nanlaki ang mata habang unti-unting ibinababa ang tingin sa tagiliran.
Halos manlabo ang tingin ko nang makitang nagsisimula nang dumaloy ang dugo mula doon papunta sa sahig.
"Ma'am! naku po! tawagin niyo si Ma'am Esme! manong!"
"Ma'am Therese!"
"Ihanda niyo ang sasakyan! sa ospital!"
Sari-saring mga boses ang naririnig ko pero hindi ko alam kung saan nanggagaling. Naramdaman ko nalang ang pagdapo ng pisngi ko sa malamig na semento.
"Mabuti na lang po at wala naman nang malubhang natamaan sa ibang bahagi ng tagiliran niya, bahagya po kasi siyang nakagilid kaya imbes na sa likod tumama ang bala, ay sa may tagiliran"
"Kaso kahit natanggal na po natin ang bala sa kaniya ay hindi po dapat nating tanggalin sa isipan natin na nabagok ang ulo niya, kaya we'll do more test para makitang kung nag-iimprove po ba ang pasyente natin"
Mumunting mga pag-uusap ang nagpagising sa akin.
"Doc! she's awake!"
Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Mommy sa may gilid ko habang katabi naman niya si Clary.
"Kung maaari po sana ay huwag nating piliting magsalita ang pasyente, hayaan muna natin siyang makapagpahinga pa ng ilang araw"
Tumango lang sina Mommy at nang saktong lumabas ang doktor ay siya namang pagdating nina Ate Bernadette kasama ng kaniyang asawa, at kasunod naman nila ay si Marianne.
"Buti naman gising kana Therese Marie! sobra mo kaming pinag-alala!"
Tipid lang akong ngumiti kay ate pati kay kuya Allen.
"Dinalhan ka namin ng mga prutas ha? ilalagay ko nalang dito sa gilid ng kama mo"
"Salamat anak at nakapunta kayo" I heard another sobs from Mommy, parang kinukurot ang puso ko habang pinapanood si Mommy na umiiyak.
BINABASA MO ANG
Captured Heart✔️
Teen Fiction(ESPINOSA SERIES 2) Therese marie is not your typical college girl with her long blonde hair that matched to her hazelnut eyes, a girlfriend of the famous MVP Soccer Player Zayn Ferrer in their campus. A college student who have a lots of threats as...