Kabanata 38
Ilang linggo simula nang maipalabas sa TV ang balita tungkol sa nasabing sagupaan sa basilan, ay naging maayos na ang kalagayan ng mga taong naninirahan doon.
Pero hanggang ngayon ay wala parin akong balita tungkol kay Matteo.
"Hindi ka paba matutulog?" nilingon ko si Ate Bernadette isang gabi, nasa may terrace kasi ako ng kwarto nang pumasok siya.
Umiling ako at humigop sa gatas na nasa mug. "Hindi pa Ate..."
Tumabi siya sa akin at nakatingin lang sa kawalan. She's wearing a nightgown na pang maternity dress, habang nakapatong ang makapal na roba sa katawan niya.
"It's gonna be alright Therese Marie, just trust him"
Pinagkakatiwalaan ko naman talaga siya pero hindi ko lang talaga maiwasang hindi mag-alala at mangulila sa presensya niya, sa kaniya.
"Kayo? kailan kayo uuwi?" simula kasi no'ng nangyaring kaguluhan ay dito na sa bahay namalagi sina kuya at bibihira na lamang umuwi sa bahay nila, ang sabi niya sa akin noong mga nakaraang araw ay baka gawing bahay bakasyunan nalang nila iyon dahil hindi naman nila kaming pwedeng iwan nina Clary dito.
"Maybe Tomorrow, titignan nalang namin ng kuya mo" uuwi sila bukas dahil kukunin ang ilang mga damit na naiwan doon. Ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon dahil naging abala sa paghawak ng kompanya sina Ate lalo na't kay Kuya Allen niya ito pinahawak saglit.
"Kamusta narin pala si Marianne? I hope she's ok kahit wala si Lance sa tabi niya" she said.
"She's good Ate, every weekends ay binibisita ko siya sa bahay nila, at saka ando'n naman ang Mommy and Daddy niya kaya maayos naman siya.
Matapos namin makapag-usap ni Ate ay pumasok narin kami sa loob dahil lumalamig na. Hindi rin siya pwedeng manatili sa labas dahil baka makapaapekto sa dinadala niya.
Kinaumagahan at pumasok ako ng maaga, marami akong dapat reviewhin at i-check na mga design para sa ipapatayong bagong planta para sa food production ng kompanya.
Ilang beses akong pinilit ni Ate na sa akin na ipamahala ang kompanya pero hindi ako pumapayag, wala talaga akong interes pagdating sa pagpapatakbo ng gan'tong mga negsyo, ayos na sa akin ang tumulong nalang sa kanila ni Kuya Allen.
I was putting my signature to some papers when my phone rang.
It's a unknown number. Bigla akong kinabahan at halos hindi ko mahawakan nang maigi ang cellphone ko.
I excused my self sa ilang mga kasama sa loob dahil patuloy 'iyong nag-iingay.
Lumabas ako saka sinagot ang tawag.
"H-hello?"
"Hello? Therese Marie?" ang kaba sa dibdib ko ay nawala, pati ang saya na unti-unting nabubuo sa loob ko ay biglang nawala na parang bula dahil sa pagkadismaya.
"Yes? may I know who's this?"
"This is Lance..."
"Oh? Lance? you called! is there a problem with Marianne?" kako.
"Uhm, May I ask if she's on leave?" aniya. Tumango ako kahit hindi niya nakikita.
"Yes, she is. why?"
Kahit naging dismayado sa pagsagot sa tawag ay napalitan naman iyon ng saya dahil sa sinabi ni Lance.
He's on his way! at balak na surpresahin si Marianne, he also said na magpopro-pose ito sa kaniya.
At mamaya ay kailangan kong pumunta sa kanila para kausapin kunwari si Marianne. Nasa pili na siya at maya-maya ay makakauwi na.
Nang matapos ang trabaho ay mabilis akong umuwi muna para makapagpalit ng damit.
BINABASA MO ANG
Captured Heart✔️
Teen Fiction(ESPINOSA SERIES 2) Therese marie is not your typical college girl with her long blonde hair that matched to her hazelnut eyes, a girlfriend of the famous MVP Soccer Player Zayn Ferrer in their campus. A college student who have a lots of threats as...