Kabanata 27
I'm sipping my orange juice while looking at Matteo, wala siyang nagawa nang magmatigas akong manatili rito sa study room niya. Maaliwalas ang panahon sa labas, hindi gaya kapag nasa isang high end condominium ka at purong transparent ang bintana mo ay puro nagkakalikihang building ang makikita mo, dito ay hindi dahil mula sa kinalalagyan namin ngayon at tanaw na tanaw ang perpektong hugis ng Mayon Volcano.
Hindi iyon pinagdamot ng mga ulap ngayon tila ba pinagbigyan ang mga mata ko dahil baka alam nila na hindi ko pa napupuntahan ang paanan ng bundok.
Buti pa si Ate Bernadette at nakarating na siya roon dahil sa documentary project na binigay sa kaniya.
Mula sa labas ay bumaba ang tingin ko kay Matteo, may binabasa siya at nahihiya naman akong lumapit para alamin iyon, kita ko ang tambak na mga papel sa gilid niya. Tahimik siyang nagbabasa habang nakaupo ako rito sa sofa na nasa gilid na lamesa niya.
May maliit na kama na nasa gilid din ng maliit na Cabinet na pinagkuhanan niya ng damit kanina.
Binaba ko sa glass table ang iniinom na juice at tumayo upang tumungo roon.
"Where are you going?" rinig kong tanong niya, hindi ko siya pinansin at nagdiretso lang sa higaan.
Nakaupo na ako roon nang linungin ko siya.
"Did I give you permission to sit there?" Nilingon ko ang higaan, at halatang panglalaki ang itsura no'n dahil kulay itim ang bedsheet at abo naman ang kulay ng kumot.
"No?" umiling ako, pinasadahan ko ng kamay ang malambot na higaan.
"But I want to sit here, and you can't do anything about that"
Tuluyan ko nang inihiga ang kalahati ng katawan ko sa kama, wala siyang nagawa. Napahilot lang siya sa kaniyang sentido at nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga.
From where I am, I noticed his thick stubbles, patubo palang ang mga iyon sa baba niya. It suits him well at hindi gaya ng ibang lalaki na magmumukhang rapist dahil sa balbas nila.
Nakakarelax ang ambiance sa loob, idagdag mo pa ang pang lalaking amoy, hindi gaya ng palagi kong naaamoy na matapang na pango ni Zayn, sa kaniya hindi, tama lang at hindi masakit sa ilong.
Sandali kong ipinikit ang mata at hindi namalayan ang pagtakbo ng oras.
"Yes Sir, I'll be right there. Just a minute" kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at nakitang nakaayos na ang pwesto ko sa higaan.
I saw Matteos' back facing me, may kausap siya sa telepono habang nakalagay ang kamay sa kaniyang kaliwang baywang.
Naibaba ko ang tingin sa katawan at nakitang kumpleto naman ang suot ko, at wala namang nagustot doon pansin ko lang ang makapal niyang comforter na nakabalot sa katawan ko.
Inalis ko 'yon sa katawan at halos maibalik ulit nang maramdaman ang lamig ng buong kwarto.
Nakatalikod parin siya sa akin, at hindi nagtagal ay ibinaba niya na an telepono at humarap sa akin, huli na para makapikit ako, nagkatitigan kaming dalawa at ako ang unang umiwas.
"Stay here, I'm going somewhere. Just call Manang if you need anything" mabilis siyang nawala sa isipan ko nang pumasok siya sa CR.
Ano kayang nangyari? Bakit parang nagmamadali siya and he seems to pre-occupied mula nang may tumawag sa kaniya?
Tatawag sana ako sa bahay nang maalalang nasa kwarto pala ang cellphone ko.
Inilalayan ko ang sarili sa pagbangon at naupo sandali, pinakiramdaman ko muna ang sarili bago tumayo at nang nahimigan kong hindi na gaanong masakit ang sugat sa likod ay tumayo na ako para lumabas.
BINABASA MO ANG
Captured Heart✔️
Teen Fiction(ESPINOSA SERIES 2) Therese marie is not your typical college girl with her long blonde hair that matched to her hazelnut eyes, a girlfriend of the famous MVP Soccer Player Zayn Ferrer in their campus. A college student who have a lots of threats as...