Kabanata 10
"May bonfire mamaya, sama ka?"
Nanatili akong nakatingin sa kalangitan at pinagmamasdan ang mga bituin.
"Yeh, papahinga lang ako saglit" naramdaman kong tumabi si Marianne sa akin at humiga rin.
Inabot kami ng dilim bago matapos ang pagpapatayo namin ng tent. Naghanap pa kasi kami ng magandang pwesto bago namin simulan ang pag-aayos ng mga gamot.
Ang ibang mga year level ay hindi pa tapos sa pagtatayo ng tent habang ang iba naman ay nagkukulitan na. Katatapos lang din naming kumain nina Marianne kasabay sina Lance at Zayn.
Naalala ko naman ang nangyari kanina sa Bus, para kaming mga tanga kanina sa loob. Napailing ako dahil doon.
"Ang sweet niyo kanina ah?" Rinig kong sabi niya, nananatili parin kaming nakatingin sa mga bituin.
"Loko talaga 'yon, akalain mong pinayagan ng instructor nila na sa bus natin siya sasakay!" parang bata kong sumbong sa kaniya.
Natawa siya at nagsalita.
"Gano'n talaga Therese Marie, buti ka nga eh kahit first time mo ay maganda ang kinalalabasan ng relasyon niyo"
She's right, because as days pass by I slowly discovering Zayns' ral attitude and even he's behavior ay unti-unti ko naring namememorize. Alam ko kung kailan siya galit, kailan siya nagtatampo at kung nagsisinungaling at nagdadalawang-isip.
Hindi naman pala totoo ang mag sabi-sabi na babaero siya, dahil ang totoo ay napaka loyal niya.
"Oh, sa'n na 'yung sabi mong priority muna ang pag-aaral?" nahimigan ko ang nang-aasar na tono niya.
Inikutan ko siya ng mata at sumagot.
"I know right! naniniwala na ako sa'yo no, at saka sa hindi ko nga alam na darating 'yung time na gan'to"
Dati kasi parati niyang sinasabi na wala naman talagang bawal sa pagkakaroon ng boyfriend kapag nasa kolehiyo kana. Malamang kaya niya nasabi 'yon dahil nakailang nobyo na siya simula pa no'ng highschool kami.
Pero alam kong iisa lang talaga ang seryosong naging relasyon niya. No'ng panahon na naging sila ni Lance dalawang taon na ang nakalilipas.
"Eh kamusta naman kayo ni Zayn?" tanong niya. Nilingon ko siya pero binalik lang din ang tingin sa kalangitan.
"Hmm, ayos naman. Going strong I guess?"
"Che! landi mong babaita ka!" halakhak niya.
Natawa nalang din ako dahil sa sinabi niya.
"Therese! Marianne! Bonfire na!"
Sabay kaming napalingon sa lalaking nagtawag sa amin. Si Leo, isa sa mga kaklase namin.
"'Ge! sunod na kami!" sigaw pabalik ni Marianne.
Tumayo na kami at pinagpag ang katawan.
Naabutan namin ang mga estudyante na naghahanap ng kanilang mauupuan.
May malawak na semento ang eco park na ito kaya doon nila napagpasyahang mag sagawa ng bonfire.
HIndi naman sobrang dami ang estudyante na sumama sa camping na ito, kahit sabihing kasama pati mga freshmen, ay iilan lang din ang sumama sa kanila, kaya tatlong shuttle bus lang ang naukupa.
Pansin ko ang ilang mga estudyante ay nasa labas ng eco park siguro nagkwekwentuhan habang ang iba ay naglilibot-libot naman kahit gabi na.
Narinig ko kasi kanina sa isang freshmen na mas romantic daw maglakad dito sa eco park kapag gabi lalo na kapag kasama mo ang pinakamamahal mo. Magaganda kasi ang lighting na nakakabit sa mga halamang madadaanan mo.
BINABASA MO ANG
Captured Heart✔️
Teen Fiction(ESPINOSA SERIES 2) Therese marie is not your typical college girl with her long blonde hair that matched to her hazelnut eyes, a girlfriend of the famous MVP Soccer Player Zayn Ferrer in their campus. A college student who have a lots of threats as...