Kabanata 19
Ilang oras rin kaming naglagi kina Manang Elena bago napagdesisyonang umalis na.
"Itigil mo muna diyan sa may gilid" utos ko kay Matteo, agad naman niya iyong sinunod at ipi-nark ng maayos sa harapan ng isang restaurant.
Inalok kami ni Manang Elena na doon na maghapunan pero tumanggi na ako, ayoko kasing isa pa kami ni Matteo sa aasikasuhin ng pamilya ni Manong Baldo, dumarami na rin kasi ang bisita nila pagkaalis namin kanina.
Mag aala-sais na ng nagpaalam kami sa kanila, at alam kong matatagalan pa bago kami makauwi kaya naisip kong dumaan muna sa isang restaurant at doon magpalipas ng hapunan.
Nang maayos na ni Matteo ang pagkakapark ng sasakyan, hindi ko na siya hinintay na pagbuksan pa ako ng pinto.
Mabilis akong bumaba at dumiretso na sa loob.
The restaurant is very relaxing and a bit cozy, may iilang kumakaing costumer pero mas marami ang bakanteng upuan.
Nakasunod lang sa akin si Matteo pero panay ang tingin ng mga kumakain sa kaniya.
Tinungo ko ang dulong bahagi na katabi ng transparent glass wall ng restaurant at doon umupo, pero ilang segundo matapos kong umupo ay napansin kong wala si Matteo sa harapan ko.
Lumingon-lingon ako sa pagilid saka siya nakita sa may likuran ko.
Nagtataka ko siyang tinignan.
"A-anong ginagawa mo diyan?" tinignan niya lang ako pabalik kaya napailing nalang ako sa kaniya.
"Guarding you" tipid niyang sagot. Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"What? No, I mean yes of course that's your job, pero ang tinatanong ko ay bakit nandiyan ka nakatayo?"
But as usual, wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya.
"Join me" tipid kong sabi. Mukhang hindi ata niya narinig iyon dahil diretso lang ang tingin niya kaya humugot ako ng hininga at inulit ulit ang sinabi sa kaniya.
"I said, join me here. Kakain tayo, hindi pwedeng walang laman ang tiyan natin bago tayo umuwi, I'm sure Dad will scolded me when he discover that I didn't let you eat tonight" depensa ko habang nakakunot ang noo.
Hindi ko alam na kanina pa pala ako nagpipigil huminga, kumawala lang iyon nang makitang umupo na siya sa harapan ko.
Saktong pagkaupo ni Matteo ay siya ring pagdating ng waiter sa amin. Nang matapos kaming makapagpili ng kakainin, ay walang naging imikan sa aming dalawa.
Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa pagilid ko. Naka baby blue long sleeve lang siya na nakabukas ang tatlong butones kaya kitang kita ko ang dibdib niya.
Napaubo ako ng wala sa oas kaya mabilis siyang naging alerto at tumakbo agad sa may counter para humingi ng tubig.
Napailing na lamang ako nang marinig ang hiyawan ng mga babae na nasa counter at aligaga sa pagbigay ng hinihingi ni Matteo.
Ini ko siyang tinignan nang makabalik siya.
"Drink" utos niya, tinaasan ko lang siya ng kilay pero nakipagtigasan siya ng titig sa akin. 'Di nagtagal ay sumuko ako at napaiwas ng tingin. Nakanguso akong inabot ang baso ng tubig at ininom iyon.
Nahuli kong tumaas ang dulong bahagi ng labi niya kaya mas lalo ko siyang minura sa isip.
Napakayabang, kala mo naman bagay sa kaniya ang Baby blue longsleeves na halos kita na ang dibdib at naka black slacks at leather na topsider?
BINABASA MO ANG
Captured Heart✔️
Teen Fiction(ESPINOSA SERIES 2) Therese marie is not your typical college girl with her long blonde hair that matched to her hazelnut eyes, a girlfriend of the famous MVP Soccer Player Zayn Ferrer in their campus. A college student who have a lots of threats as...