Kabanata 33
"I was at your age when Ryan Sandoval Kidnapped me"
Hindi ko tinantanan si Lauren at kinulit ko siya ng kinulit ara makapa-usap kami. Noong una ay hindi siya pumapayag but later on when she saw how desperate I am to know the truth ay siya na mismo ang umakay sa akin papunta sa kwartong pinanggalingan ko kanina.
We're both sitting on the bed habang nakikinig ako sa kaniya. Bago siya magkwento kanina ay siniguro muna namin na naka-lock ang pinto para walang sinoman ang pwedeng makapasok agad-agad.
"P-pero bakit naman niya 'yon ginawa?" Litong tanong ko.
She shrugged.
"Because he's obsessed with me Therese Marie"
Napasinghap ako nang marinig iyon, hindi ko alam kung ano pang mga baho ang tinatago ng Alkalde, iniisip ko na kung maikasal nga ako kay Zayn ay hindi ko parin kalilimutan ang gagawin ko, ipakikita ko sa mga tao ang tunay niyang ugali.
Hindi ko masikmura na pati ako ay dinamay niya dahil lang sa away nila dati ni Daddy.
"Obsessed?" tumango siya at bumuntong hininga.
"May relasyon na dati sina Gregorio at Esmeralda nang mga panahong 'yon" nanlaki ang mata ko nang marinig ang pangalan nina Mommy.
"W-wait paano sila nadamay inyo dalawa?"
Malungkot siyang ngumiti at tinignan ako, hinawakan niya ang kamay ko saka muling nagsalita.
"Dahil may gusto ako no'n sa Ama mo Therese, pero all those time ay Mommy mo ang gusto at pinili niya, nang malaman iyon ni Ryan ay hindi siya nag-atubiling kidnapin ako at ikulong dito sa bahay niya, gaya mo. Tinakot niya rin ako at papatayin ang mga magulang ko kung hindi ako magpapakasal sa kaniya."
Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"W-walang nasabi ang Daddy sa akin" nang makabawi ako sa gulat.
"Of course, dahil ayaw niyang masira ang pamilya niyo at saka labas na kayo doon. Matagal na iyon Hija kaya matagal ko naring tanggap na andito na ako sa puder ni Ryan"
"P-pero papaanong galit na galit si R-ryan sa Daddy ko? dahil lang sa lupa na pagmamay-ari niya dati?"
Umiling si Lauren at ibinaling ang tingin sa may labas ng bintana na nasa gilid ng kama
"Dahil bago pa kayo pumunta sa America ay talagang may alitan na ang dalawa, matagal nang naiinggit si Ryan sa Daddy mo, dahil naangatan siya nito. Kaya nang maging matagumpay ang kaniyang pangangampanya noong mga nakaraang taon at naging Alkalde ng bayan, sinabi niya mismo sa akin lahat ng mga plano niya."
Simula bata ako ay wala akong ibang ginawa kundi makipag laro sa mga kapatid ko pati kina Mommy, at no'ng bumalik kami dito sa Pilipinas ay mas naging aktibo si Daddy sa mga social gatherings tungkol sa negosyo, kaming tatlo ay parati niyang sinasama, maliit pa no'n si Clary at walang kamuwang-muwang.
Pero wala akong nalaman o narinig man lang na may gustong kumalaban sa kaniya. Pero baka si Mommy may alam siya.
"I-I miss them..." niyakap niya at sobrang gaan sa pakiramdam. Napapikit ako dahil pakiramdam ko ay siya si Mommy.
"I'm sorry for your loss" sabi niya sa may tainga ko. Tumango ako pero napatigil rin nang may makita akong pasa sa may binti niya.
She's wearing a sky blue dress na abot hanggang ibaba ng tuhod niya, kaya kitang kita ko kabuuan ng binti niya. Halata 'yong pasa dahil sa puti niya ng balat.
BINABASA MO ANG
Captured Heart✔️
Teen Fiction(ESPINOSA SERIES 2) Therese marie is not your typical college girl with her long blonde hair that matched to her hazelnut eyes, a girlfriend of the famous MVP Soccer Player Zayn Ferrer in their campus. A college student who have a lots of threats as...