Kabanata 29

366 7 1
                                    

Kabanata 29




Otomatikong naiyukom ko ang kamao nang makita siya. Sa kaniyang gilid ay si Tanya na nakakapit pa sa braso niya.

Hindi ko sila pinaabot sa gitna. Sinalubong ko silang dalawa at tinignan siya ng mariin.

"What are you doing here?" mariin pero bulong kong sabi, ayokong gumawa ng eksena, pero kapag gumawa ng hindi maganda ang dalawang ito, hindi ako makakapagpigil at makakatikim silang dalawa.

"T-Therese, please let's talk..." tinignan ko siya at wala na akong ibang maramdaman kundi galit at awa. Hindi nagsalita si Tanya sa gilid niya at nakatingin lang din sa akin.

Ang ibang mga bisita ay napapatingin na sa amin dahil nasa gitna kami ng daanan. Pero hindi pa kami napapansin nina Ate dahil medyo malayo naman ito.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan pa Zayn" baling ko kay Tanya, nakayuko lang siya at iniiwasan ang tingin ko.

"Ang kapal naman talaga ng mukha ninyo para pumunta pa dito, and you?" turo ko kay Zayn.

"Ngayon kalang magpapakita after what happened? and here you are, wanting to have a talk to me? really? sa lamay pa ng parents ko?"

Hindi siya nakasagot at binaba an tingin.

"Get out" muwestra ko ng kaliwang kamay sa labas ng bahay, pero nanatili parin silang dalawa sa harapan ko na parang walang narinig.

"Nakikiramay lang kami Therese..." Tanya said. Sa kaniya lumipat ang atensyon ko.

"Really? nakikiramay kayo? then you have no fcking right to go here! we don't need your pity!" lumakas ang boses ko dahilan kung kaya't naramdaman ko nalang si ate na nasa gilid ko na.

"Zayn please, not now" pakiusap ni Ate sa kaniya.

"You can visit us here but not now..." may protesta kong tinignan si Ate pero hindi niya ako pinansin.

Hinihila na ni Tanya ang braso ni Zayn paalis. How dare them to go here? na parang walang nangyari? ang kakapal naman masyado ng mukha nila!

Bumalik sa normal ang lahat. Nagpasalamat ako sa ilang mga nakiramay na nagpaalam nang aalis. Matapos 'yon ay pinuntahan ko na si Matteo na nasa labas.

Naroon parin siya nakikipag-usap sa ilang mga militar na nagbabantay sa paligid. Siguro'y naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya kaya binaling niya ang sa direksyon ko.

Nang makitang nakatingin din ako sa kaniya ay nagpaalam na siya sa mga kusap at pinuntahan ako.

"Is there a problem? I saw your boyfrie--"

"Ex" putol ko kaagad.

"Uh, your Ex-Boyfriend with a Girl..." nakita kong nagdadalawang-isip siya kung itutuloy ba ang sinasabi o hindi na.

Tumango ako at malungkot siyang nginitian .

"I know, I talked to them"

"Did they hurt you?"

Umiling ako, "Uh, No.."

He just nodded and look at me intently.

Nakatitig din ako sa kaniya at nang mapansing wala siyang balak bumitaw sa tingin niya sa akin ay ako na ang unang humiwalay ng tingiin.

Tumikhim ako at doon lang siya natauhan at binaling sa iba ang atensyon.

Patuloy ang pagdagsa ng mga nakikiramay at patuloy lang din sa paglilibot-libot ang ilang militar sa paligid.

Hindi basta-basta nakakapasok ang mga nakikiramay dahil tinitignan pa ng mga militar ang gamit nila bago makapasok sa gate ng bahay.

Sa umaga ay maaga kaming pumupunta nina Clary at Matteo sa bahay at kapag dumilim na ay saka kami uuwi sa bahay ni Matteo. Gano'n ang araw-araw na set-up naming tatlo, wala ring mintis sa pagsunod at pagbabantay ang mga tauhan niya sa amin, maski sa bahay naroon parin ang mga militar.

Captured Heart✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon