Kabanata 23

320 8 0
                                    

Kabanata 23





Ang saglit na kasiyahan namin kanina ay mabilis napalitan ng galit. Kaharap namin ngayon si Gardo, ang lalaking ilang beses nagtangka sa buhay ko.

Ang kaniyang kanang braso ay punong-puno ng mga tattoo pati narin ang kaliwang leeg niya. Nakakaloko ang niya kaya mas lalo akong nainis at pursigidong malaman ang katotohanan sa kaniya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, May nag-utos ba sa'yo? kung mayroon sino?" pinipigilan ko ang sarili kong masampal siya kahit kating-kati na akong gawin 'yon.

Naka-posas ang dalawang kamay niya pakiramdam ko hindi iyon sapat para pakalmahin ako.

Tumawa siya na mala-demonyo at ngumiti sa akin. Nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya mabilis akong napa atras, mabilis na lumapit si Matteo sa amin at nagulat nalang ako nang suntukin niya ang lalaki kaya mabilis itong napahandusay sa sahig.

Maski ang ilang Jail guard na naroon ay natakot at napaatras sa ginawa niya, walang naglakas loob na awatin siya, tinutulungan lang nilang makaupo ulit ang lalalaki.

Dumudugo ang ilong at itaas na labi niya. Pero parang hindi siya nasaktan at nakangiti parin sa akin.

"Hindi ko sasabihin sa'yo" dinura niya ang dugo sa may gilid kaya mabilis kong nilayo ang sarili sa kaniya.

"Let's go home na anak" hindi ko pinansin si Mommy at kinuyom ang dalawang kamao ko, handa na talaga akong sapakin ang lalaking 'to anomang oras.

"Mabubulok ka sa kulungan na 'yan kung hindi mo sasabihin sa akin, hindi ako tanga para hindi maisip na may nag-utos nga sayo, dahil wala namang na-agrabyado si Daddy na Gardo ang pangalan" giit ko, tinikom ko ang bibig ko nang mas lumakas pa ang halakhak niya.

"Wala nga, at wala naman akong kinalaman sa tatay mo. Wala akong kinalaman sa inyo, pero ang boss ko, meron" aniya, sandali siyang napatigil siguro na realize niyang nadulas na siya at wala nang takas pa.

"Boss?" tawa lang ang sagot niya at umilin-iling, tumayo na siya at agad namang inalalayan ng mga pulis.

Pero bago pa siya tuluyang makalayo ay muli niya kaming hinarap.

"Sa harap ng bahay niyo, sa may damuhan" Hindi na ako nakapagsalita pa nang nakalayo na siya.

Pauwi na kami pero hanggang ngayon ay hindi parin ako makapakali dahil sa sinabi ni Gardo.

May kausap si Matteo sa telepono niya kaya hindi ko siya matanong-tanong. Kumunot naman ang noo ko nang marinig na may pinapahanap siyas sa mga tauhan niya sa may harapan ng bahay, doon mismo sa damuhan na nasa harapan ng bahay namin.

Pagkarating namin ay kita ko na nga ang abalang mga militar na nasa palibot ng makakapal na dayami, lagpas tao na iyon kaya kahit ilang tao ang magtago roon ay hindi basta-basta mapapansin.

"Babe" nilingon ko si Zayn habang naka upo sa kama ko, hindi ako pinayagan na lumapit sa may damuhan kahit anong pilit ko kanina. Sakto naman na dumating si Zayn kaya sinabihan kami ni Mommy na pumunta muna sa kwarto ko para walang mangyaring hindi maganda.

"Ano 'yon Zayn?"

"What if we take a vacation?" ngumiti siya sa akin at tumayo sa pagkakaupo.

Hindi ko siya pinansin at binaling ang tingin sa labas, abala parin ang mga militar na naghahalugad ng kung ano roon, may K9 pa silang dala na palibot-libot rin sa paligid.

Kung hindi lang ganito ang sitwasyon na nararanasan namin ngayon, siguro ay papayag ako sa alok ni Zayn, naapektuhan nga pati ang pagtatrabaho namin ni Marianne sa kompanya ni Daddy dahil sinabihan kaming patapusin muna ang gulo ngayon.

Captured Heart✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon