Kabanata 22
Muffled of voices caused me to wake up, sandali akong nakatingala hoping what happened was just part of my nightmares pero hindi.
Nilibot ko ang paningin at nakita sina Mom and Dad na may kinakausap, niliitan ko ang mata ko para mas malinaw ng makita kung sino iyon, malabo pa kasi dahil kagigising ko palang.
"Ate's awake Mom" lumapit sa akin si Clary at sumunod naman sa kaniya sina Dad, Ate, Marianne and... Matteo.
Nginitian ko sila para hindi na gano'ng mag-alala. Sandaling nag paalam si Matteo kay Daddy kaya sinundan ko siya ng tingin.
"How are you feeling anak?"
"S-san po siya pupunta?" hindi ko pinansin ang tanong ni Mommy, dahil mas gusto kong malaman kung saan ba papunta si Matteo.
"Don't mind him anak, he got a new information about the gunman" sandali ko nanamang naisip ang tungkol doon, hindi ko alam na aataikihin nanaman ako sa school, matagal nang natigil ang pagpapadala ng mga letter sa akin pero ngayon lumala naman iyong lalaking nagpapakita na may hawak ng baril.
Kinilabutan ulit ako nang maalala ang nangyari.
Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto nang may pumasok. It was Zayn holding some foods in his hands, tinaas niya ito para maipakita kina Mommy.
"Nag-abala kapa Hijo, pero salamat" Mom thanked him and help him put them into my bedside table.
"What's the problem Babe?" Napaubo si Ate Bernadette sa may gili kaya pinandilatan siya ng mata ni Mommy.
"Mom? labas muna kaya tayo? mainit dito eh, tara Daddy" sabay hila niya sa tatlo at kahit ayaw ni Mommy ay wala na siyang nagawa kundi sumunod nalang.
Nginitian ako ni Marianne bago sumunod sa kanila sa labas.
"Wala naman Zayn, ikaw? kamusta ang photoshoot mo?" umiling siya at hinawakan ang kamay ko.
"You almost risk your life yet I am the you're asking? pambihira ka talaga Therese Marie" inabot ko ang mukha niya at hinawakan naman niya iyon.
"Ayos lang naman, kahit madaming pinagawa sa amin ay nagawa ko nang maayos dahil gusto kong makauwi agad, you know that I want to be with you all the time 'diba? ayoko nang maulit ang dati"
Hindi ko alam kung deserve ko ba talaga si Zayn after all, Marianne is the reason kung bakit naging malapit kami ni Zayn kahit na sinabi niyang matagal na niya akong kilala.
In the past months, I already learned how to love Zayn, alam ko narin ang mga ugali niya, ang mga ayaw at gusto niya, mga behavior niya kapag kinakabahan siya o natutuwa o nasasabik.
Natatakot ako thinking that he will choose another girl dahil kahit sabihin niyang sapat na ako sa kaniya at wala nas iyang ibang hihingiing iba, hindi kailanman ako magiging panatag, lalo na sa sarili ko.
Maraming ibang babae diyan na mas deserving sa kaniya, lalo na ang mga co-models niya na sigurado akong nagkakagusto sa kaniya.
"I love you Zayn.." tinignan niya ako ng may saya at ngiti sa labi, mas lalo niyang pinagdiinan sa kaniyang labi ang kamay kong kanina pa niya hawak.
"I love you too Babe, magpagaling kana"
Nakatulog ulit ako nang araw na iyon, siguro dahil sa side effect ng gamot na pinainom sa akin. Mabuti na lamang ay iilang mga gasgas lang sa balikat at noo ang natamo ko dahil sa mabilis na pagdaan ng mga tao.
Ang tulog kong iyon ay inabot na ng umaga. Nagising nanaman ako dahil sa ingay ng kung ano, nasa harapan ng kama ang television ng kwarto kung saan ako naka confine, nakasabit iyon sa dingding kaya pagmulat ko ng mata ay iyon ang tumambad sa akin.
BINABASA MO ANG
Captured Heart✔️
Teen Fiction(ESPINOSA SERIES 2) Therese marie is not your typical college girl with her long blonde hair that matched to her hazelnut eyes, a girlfriend of the famous MVP Soccer Player Zayn Ferrer in their campus. A college student who have a lots of threats as...