“Ano? Yung may-ari ng kumpanya ng construction site na dinadalhan mo ng almusal eh yung ex mo?!”
“Ssshhh... Tay, wag kang maingay. Baka madinig ka ni BenBen.”
“Busog yan at busy sa cartoons, hindi pa tayo papansinin niyan, Nay. Paano na? Anong gagawin natin?”
“Wala. Tahimik at masaya ang buhay natin. Walang dapat gawin. Walang dapat magbago. Hindi na siya parte ng buhay ko.”
“Paano kung puntahan ka?”
“Hindi naman alam sa construction tong bahay. Walang makakapag turo.”
“Paano kung pasundan ka? Paano kung ipahanap ka? Madali lang gawin yun para sa kaniya. Mayaman yun eh.”
“Hindi ako natatakot sa kanya... Oh, Tay, bakit nakakunot yang noo mo?”
“Siyempre. Natatakot ako, Nay. Asawa mo yun. Tatay ni Benedict. Pwedeng pwede niya kayong kunin sa akin.”
“Sabi naman nung nakausap natin sa Public Attorney’s Office na may paraan pa di ba? Hindi ako obligadong sumama sa lalakeng yun. Lalong hindi niya makukuha si BenBen. Mabuti na din siguro na mag kaharap kami para matapos na ang lahat sa aming dalawa.”
“Natatakot pa rin ako, Nay. Hindi ko naman kayo maipaglaban ni BenBen. Wala akong karapatan ... Nay ... Hindi ko kayang mawala kayo sa akin. Mahal na mahal ko kayo.”
“Tay, wag ka nang umiyak. Hindi kami mawawala sayo. Ako. Ako ang lalaban. Para sa pamilya natin. Hindi mo ako iniwan noon. Noong walang wala ako, nung halos ayaw ko nang mabuhay. Hindi mo ako sinukuan. Wala ako dito ngayon. Kami ni BenBen kung hindi dahil sayo. Hinding hindi ko gagawing iwan ka. Lalo na ngayon, Tay. Ikaw ang Tatay ni BenBen, dito lang kami.”
BINABASA MO ANG
Begin Again (COMPLETED)
RomanceThe world starts spinning and then it was dark. Nica Mae works hard for her family to survive, the one she chose to have on her own when life seems to cave in on her. Her life now is safe--safe from hurt and far from the time when she was on the ver...