“Hoy, Amor! Mauna na ako.”
“Bakla, congrats! Lagi ka na lang nananalo. Nakakawalang gana na sumali pag ikaw ang kalaban eh.”
“Ano ba? Katuwaan lang naman ito. O, eto pambayad sa project ng kapatid mo. Yun ang dahilan ng pagsali mo dito di ba?”
“Nakuuu ... Barbs, salamat talaga. Ang bait mo talaga kaya ka pinagpapala ng ganda.”
“Sumpa naman ang lovelife ayan, mag-isa sa buhay. Hahaha! O siya, aalis na ako. Kailangan ko ng beauty rest. May beaucon ulit bukas.”
“Sige, ingat. Tumingin ka sa daan baka may mapulot ka pa na grasya, share mo sa akin.”
“Sana nga grasya at hindi dis ... Ay! Yung babae hinimatay. Disgrasya nga! Miss? Miss? Okay ka lang. Gising.”
“Chard ...”
“Chard? Sinong Chard? Ay, nakakaloka napagkamalan pa ata akong lalaki sa ganda kong to. Miss, hindi ako si ... Ay, hinimatay ulit! Tulong! Saklolo! Tricycle!”
***
“Miss, kaano-ano niyo po yung pasyente?”
“Miss? Wow, thank you, Doc. Umm ... Hindi ko po siya ka ano-ano. Tinulungan ko lang po nung hinimatay sa daan at walang kasama.”
“Okay, sige.”
“Sandali, Doc. Pwede po bang magtanong kung anong nangyari sa kanya?”
“Usually, yung information na ganito para sa pamilya lang o kamag-anak pero since ikaw ang guardian angel ng mag-ina, I’ll share it with you bilang pasasalamat.”
“Mag-ina po?”
“Yes, she’s pregnant. Based sa ultrasound, 9-10 weeks pero we won’t know for sure until we talk to her. She’s malnourished and moderately dehydrated kaya it’s possible that the baby is smaller than the actual age of gestation.”
“Kawawa naman pala sila.”
“Swerte niya na nakita mo siya at nadala agad sa hospital when you did. In her condition and the state of her and the baby’s health, they wouldn’t have made it kung mas tumagal pa nang ilang oras.”
“Meaning made-deds sila, Doc? Tsugi?”
“I’m afraid so. Pero, don’t worry. Naka I.V. na siya and all the nutrients and meds that she and the baby immediately need ay binigay na. Pahinga, continuous medication, at close monitoring lang ang kailangan nila. Magiging healthy ulit ang mag-ina.”
“Buti naman pala. Kawawa naman. Doc, okay lang po ba na samahan ko muna siya dito habang hindi pa siya nagising at wala pa po kayong nako-contact sa kamag-anak?”
“Okay lang. You are an angel to them.”
“I know, Doc. Mukha talaga akong anghel.”
“You’re funny, Miss ...”
“Barbs. Barbie sa gabi.”
“Sa araw?”
“Barbaro.”
“Oh my god! Hindi bagay! Barbs na lang.”
“I know right? Ganda ko eh.”
***
“Girl, kailan ka ba magigising? Anong petsa na. Kagabi pa tayo dito. In fairness, amoy birhen ka pa rin kahit mukhang ilang araw ka na sa daan at hindi pa naliligo. Yung pawis mo ba gawa sa Downy?”
“...”
“Malamang di ka sasagot di ba? Tulog ka, girl eh. Pero alam mo ... Naiintriga talaga ako sayo, eh. Kasi nung pinunasan ka nang nurse at nilinis yung mga dumi sa balat mo, halata eh. Kutis mayaman. Makinis. Pantay yung kulay ng siko sa braso. Di ko na sinilip yung singit girl, please! Tamaan man ako ng kidlat! Pero I’m sure pantay din. Pati mga gamit mo sosyal, eh. Pasensiya na nga pala, nakalkal ko yung bag mo.”
“...”
“Malamang okay lang. Di ka naman makaka-angal. Hula ko nga, nadukutan ka ano? May laslas kasi yung bag mo sa gilid tapos wala nang cellphone at wallet, konting damit at iilang gamit na lang ang natira. Wala tuloy kami makitang I.D. para may matawagang kamag-anak. Girl, gumising ka na, ha? Hindi naman sa naiinip ako. Wala din namang naghihintay sa akin pero girl, bago kasi kung anu-anong kwento na ang magawa ko, ikaw na magsabi ng totoo. Tsismosa kasi ako talaga.”
“Richard ...”
“Ay kabayo! Ay chismosa! Ay nagising! Nurse!”
BINABASA MO ANG
Begin Again (COMPLETED)
RomanceThe world starts spinning and then it was dark. Nica Mae works hard for her family to survive, the one she chose to have on her own when life seems to cave in on her. Her life now is safe--safe from hurt and far from the time when she was on the ver...