18-Armor Up!

796 60 1
                                    

“Wow! Aganda naman ang Nanay! Alis kayo ni Ninang Amor, Nanay? Sama kami.”

“Bakit pag may lakad lang ba sila ni Ninang maganda si Nanay?”

“Hindi po, Tatay. Sabi niyo nga po, lagi aganda ang Nanay.”

“Tama!”

“Eh, Nanay, saan ka po ikaw pupunta? Bakit maka-dress ka po? Wag ka po mata-tricycle na maka-dress. Kikita po yung taylayt zon sabi ni Tatay.”

“Twilight zone yun, anak. Wag mong iniintindi yang mga kalokohan ni Tatay. Tignan mo. Tawa nang tawa. Hinihingal ka na naman, uy! Haaay ... Hindi ako magta-tricycle, anak. Magji-jeep ako.”

“Jeep? Pwede po ako makasama?”

“BenBen, anak, hindi ka muna pwedeng sumama sa Nanay ha? May importante kasi akong kailangang gawin. Dito ka muna kasama ng Tatay ha? Wag matigas ang ulo at wag pagurin ang Tatay.”

“Opo, Nanay. Mababantay ko po si Tatay at makabait po palagi. Promise.”

“Very good naman talaga ang BenBen namin oh. Pa-kiss nga ang Nanay.”

“Mmmmmmmwah!”

“Sarap sarap naman, ang diin! I love you, BenBen ko.”

“I love you po, Nanay ko.”

“Tay, alis na ako.”

“Sigurado ka ba dito, Nay?”

“Oo naman.”

“Sa suot mo, sigurado ka ba? Baka gusto mong iksian o baban ang neckline.”

“Ano ba? Makipag meeting ako sa ex ko. Hindi rarampa. Ikaw kaya pumili nitong pa off-shoulder blouse at pencil skirt. May nalalaman ka pang pa-blow dry ng buhok at pa no-makeup makeup look. Sabi ko sayo okay na yang pantalon at T-shirt eh.”

“Hindi naman pwede yun, Nay. Opisina yung pupuntahan mo. Aba, hindi pwedeng laitin doon ang Nanay namin dapat kabogera.”

“Hahaha ... Ikaw talaga, Tay ayaw padaig.”

“Ayaw ko lang na ipamukha sa akin ng asawa mo kung gaano ako nagkulang sa buhay na binigay ko sa inyo. Mayaman yun siyempre. Eto lang naman ako.”

“Tay ... Hindi mapapantayan ng kahit anong yaman ni Richard ang lahat ng naibigay mo sa amin ni BenBen. Pinulot mo ako mula sa walang wala at binigyan kami ng masayang buhay ni BenBen.”

“Hindi ka walang wala noon, Nay. Nasa iyo na ang lahat ng kailangan mo para magtagumpay, hindi mo pa lang nakikita noon.”

“At salamat ulit sa pagpapakita sa akin, Tatay.”

“Walang anuman. Nay, sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo?”

“Pang-ilang tanong na yan, Tay ah. Ang kulit na.”

“Sorry na pero kasi … “

“Kailangan, Tay. Kailangan kong gawin para matapos na. Para wala na kaming koneksyon sa kanya. Para maibigay na natin ang pangarap ni BenBen. Ikaw?”

“Ano bang ako?”

“Siguradong kang gusto mong gawin yun para kay BenBen?”

“Alam naman natin na hindi ako ang bet mong putahe.”

“Hahaha ... Gaga! Matagal na akong walang interes sa kahit anong putahe. Kuntento na ako sa kung anong meron dito sa pamilya natin at kung yun ang tuluyang magpapasaya sa anak natin, gorabells!”

“Ano nga bang meron dito, Tay?”

“Maiinit na yakap, buong pagtanggap at unlimited na pagmamahal!”

“Ayuuuun! I-wonder hug na yan!”

“Wonder hug!”

“Ito. Ito ang ilalaban natin, Tatay. Itong simple at masayang buhay natin ni BenBen.”

“Salamat. Maraming salamat, Nay. Kasi sa limang taon na nakasama ko kayo, nabuo ang buhay ko. Kahit na, alam kong di na rin ito tatagal. Masaya ako.”

“Tay, naman eh. Wag kang magsalita ng ganyan.”

“Hay naku, iiyak na naman. Iyakin ka talaga, sa mga tambay sa labas ka lang siga, eh.”

“Kasalanan mo to. Alam mong ayaw kong pinaguusapan yan. Ayoko, Barbs. Hindi ko kaya.”

“Kaya mo. Kakayanin mo. Mas malakas ka kesa sa inaakala mo, Maymay, kaya kayang-kaya mo. Para kay BenBen.”

“O umiyak ka na din.”

“Minsan naiisip ko. Hindi ba selfish na nandito pa kayo? Na nadadamay kayo ni BenBen dito sa sakit ko? Hindi ba dapat ...”

“Hindi. Hindi, Tatay. Hindi ka namin iiwan. Hindi mo kami pwedeng ibigay kay Richard. Hanggang sa huli, dito lang kami sayo. Halika nga.”

“Sige na. Lakad na. Kahit anong yakap at lambing mo sa akin, di ako magiging lalake.”

“Baliw! Hahaha”

“Wag ka lang masyadong kekembot baka sunggaban ka nung Richard, di ka na palabasin dun.”

“Subukan lang niya ng maramdaman niya kung gaano kasakit masaksak ng heels sa ilong.”

“Grabe siya! Kashokot! Hahaha”

Begin Again (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon