29-Don't Give Us Up

826 59 0
                                    

“Hay naku ... Iyakin ka talaga, Nay. Halika na. Sige na. Siksik na sa kili-kili.”

“Uhm ... Excuse me. Sa labas lang ako.”

“Salamat, Richard.”

“Welcome, Barbs.”

“Tatay ... Wag nang ganoon ha? Tinakot mo ako.”

“Hindi ka naman dapat matakot, Nay. Hindi ka na matatakot kung tinatanggap mo na lang na mawawala na ako.”

“Hindi. Hindi, Tay. Ayoko. Gagawin ko ang lahat, Tatay. Lahat para maipagamot ka. Hindi mo pa kami iiwan. Mag-aaral pa si BenBen oh. Sasamahan mo pa akong ihatid siya sa school. Ibibigay pa natin ang pangarap niya.”

“Nay ... Yung pangarap ni BenBen, alam mong kahit gusto ko, hindi naman ako ang makakapagbigay. Hindi alam ng bata na hindi na niya kailangan hilingin kasi nandiyan na. Ang tatay niya ... ang totoong tatay niya ang nagbigay. Gusto niya na pare-pareho ang apelyido natin, na ikasal tayo para maging Ballesteros din kayo. Hindi naman na kailangan. Jameson. Yun ang apelyido niyo.”

“Tay ... Ano bang sinasabi mo? Ikaw ang Tatay ni BenBen. Please don’t give us up.”

“Nay ... Wag nang matigas ang ulo. Wag na nating labanan ito. Para kay BenBen. Harapin na natin ang totoo. Mahal kita. Mahal ko kayo ni BenBen pero umpisa pa lang, alam ko naman ang lugar ko sa buhay niyo. Alam ko na hindi ko kayo pwedeng angkinin na sa akin lang habang buhay kasi may may-ari na sa inyo. Bumalik na siya, Nay.”

“Hindi, Tay. Si BenBen ... Masasaktan siya pag nalaman niya ang totoo. Hindi ko kayang masaktan ni BenBen, Tay. Ako na lang. Kaya ko naman eh pero ang anak ko ... Mahal na mahal ka niya. Mahal ka namin, Tay.”

“At mamahalin din niya ang tunay niyang ama. Maymay, mabubuo na ulit ang pamilya niyo at alam kong mahal na mahal mo pa rin si Richard.”

“Natatakot ako, Barbs. Natatakot akong tanggapin siya ulit. Paano kung mag kahiwalay kami ulit? Paano kung masaktan ulit ako?”

“Paano kung hindi na? Paano kung eto na? Paano kung kinailangan lang na pag daanan niyo yung mga nakaraang taon para maging mas mabuting mga tao at mas mapatunayan kung gaano ka totoo, ka lalim at ka tibay ang pagmamahalan ninyo? Paano kung ...”

“Barbs? Barbs! Barbs! Nurse! Tulong!”

Begin Again (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon