53-Telling BenBen

886 56 0
                                    

“May makasabi po ba kayo na importante, Tatay?”

“Ha? Bakit alam mo yun?”

“Kasi po, Tatay, ganyan po kayo palagi ni Nanay pag may makasabihin na importante. Tahimik po tapos atitingin sa akin na makatagal.”

“Hahaha ... Naku! Ang laki na talaga ng BenBen namin. Alam mo na yung mga ganyan.”

“Opo naman po.”

“Okey, BenBen, ganito kasi. Naaalala mo ba yung sabi namin ni Nanay tungkol sa secrets? Nung itinago mo sa amin na nabasag mo yung paboritong picture frame ni Nanay at nalaman na lang namin dahil nakita ni Nanay yung basag na salamin sa ilalim ng kama?”

“Opo. Makagalit po kayo. Sabi niyo bad po yung nagsi-secret lalo na sa family. Tama po ba, Nanay?”

“Oo. Kasi, anak, totoo naman yun madalas pero minsan ... minsan kailangan munang mag-secret sa family para sa ikabubuti ng lahat. Sa mga ganoon, hindi naman sa okey lang na mag-secret pero alam mo na hindi naman masama yung intensyon. Gaya namin nina Tatay at Tito Richard sa’yo.”

“Pwede po ba yun, Nay?”

“Oo, anak, lalo na kung alam mong mahirap pa munang intindihin, kung alam mong mas makakasakit kesa sa makakabuti at alam mong may tamang pagkakataon para sabihin ang totoo. Kagaya ngayon ... Ngayon ang tamang pagkakataon para sabihin namin sa’yo ang totoo.”

“Ano pong totoo?”

“Kasi, BenBen, may secret kami ni Tatay na matagal naming itinago sa’yo dahil mahal ka namin, ayaw ka naming masaktan at alam naming hindi mo pa maiintindihan noon.”

“Makakaintindihin ko na po ba ngayon, Nanay?”

“Oo, anak. Big boy na ang BenBen namin eh.”

“Opo. Big boy na po ako.”

“Kaya, BenBen, maintindihan mo na kung bakit kami nag-secret ng Nanay mo noon.”

“Opo nga po. Ano na po ba secret, Tatay?”

“Kasi, BenBen, si Tatay... Ano...”

“Ano nga po? Atatagal aman yan, Tatay ko.”

“Hindi talaga ako ang Tatay mo, BenBen.”

“Po? Eh ikaw po si Tatay... O... Face mo po yan. Arms mo po yan Amoy mo po yan. Ikaw po yan si Tatay ko po ikaw.”

“Hindi, BenBen. Hindi ganoon ang ibig kong sabihin.”

“Eh ano po?”

“Ang ibig kong sabihin... paano ba, Nanay?”

“Agulo-agulo aman po, Tatay. Nanay, ano po ba asasabi ni Tatay?”

“BenBen, anak, kasi ganito yan. Minsan yung mga nasa tama na ang edad kagaya namin, nagtatagpo, nai-inlove. Alam mo na ba yung in love, anak?”

“Parang si Ironman po atsaka si Pepper Potts, yun po na maka-kita niya aganda sa party tapos a-kiss sila after yun na maka-fight ng bad Ironmans sa part 2?”

“Ah, oo. Ganoon, anak. Kaya ayun, balang araw, yung isang babae at isang lalake na na-inlove, magpapakasal sila.”

“Gaya po ni Ate MikMik at Kuya Benjie? Yung na-ring bearer po ako?”

“Ayun. Tama. Ganoon nga, BenBen ko. Ang galing ah.”

“Tapos, Nanay?”

“Tapos ... Umm ... pag ikinasal na sila, mag-asawa na sila, gugustuhin na nila na bumuo ng pamilya, mag-pray na sila kay Papa God para magka-baby tapos may gagawin sila para mangyari yun.”

“Ano pong gagawin?”

“Magpupunla.”

“Ano po ang punla, Nanay?”

“Magtatanim.”

“Parang puno po, Nay?”

“Hindi ganoon. Bale yung asawa na lalake magtatanim sa loob ng asawang babae tapos may mabubuo na baby sa tiyan ng babae. Ayun. Magiging Tatay at Nanay na sila.”

“Parang kayo po ni Tatay?”

“Ay! Wit! Isusumpa ako ng mahal na bertud.”

“Tatay? Ano po yun? Bakit iba po ikaw makasalita?”

“U-hoo u-hoo u-hoo ...”

“Makasakit ka po, Tito Richald.”

“Hay, naku ... Walang tutulong sa akin dito. BenBen, anak, yun ang gusto naming sabihin sa’yo. Hindi si Tatay ang asawa ko, hindi siya ang nagtanim, hindi siya ang kasama kong bumuo ng BenBen.”

“BenBen, hindi ako ang Tatay mo. Naiintindihan mo na ba?”

“Po? H-hindi po ikaw ang tatay ko?”

“Hindi, BenBen, pero hindi ibig sabihin nun, hindi kita mahal. Mahal na mahal ka ng Tatay.”

“Nanay ... huhuhu ... Nanay...”

“Tahan na, anak. Sorry, BenBen. Sorry talaga. Tsup. Sorry, anak.”

“Na-nanay ...”

“Anak?”

“S-sino po ang ta-tatay ko?”

Begin Again (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon