“Ako, BenBen. Ako ang asawa ng Nanay mo at totoo mong tatay.”
“Tito Richald?”
“Yes, BenBen. Ako ang tatay mo. I ... I’m sorry, anak. Ngayon lang nakauwi ang Daddy.”
“Huhuhu ... Nanay...”
“Tahan na, BenBen ko.”
“Nanay ... Huhuhu ...”
“BenBen, halika muna sa Tatay.”
“Ayaw! Ayaw ko po sa inyo! Ayoko sa inyong dalawa!”
*
“BenBen, anak ...”
“Hindi! Hindi, Tito. K-kung ikaw po ang tatay ko, bakit po ikaw makawala? Bakit si Tatay po ang makasama namin ni Nanay?”
“BenBen, anak, kasi ... Haay ... Naaalala mo ba yung na-kwento ko sa’yo? Na nagkamali ako at iniwan ko yung unang kong bestfriend?”
“Si Nanay po?”
“Oo. Nung umalis ako at naiwan ko ang Nanay mo, akala ko tama yung desisyon ko para sa kaniya kasi mahal na mahal ko siya, gusto ko siyang mapasaya, gusto kong ibigay sa kaniya ang lahat kaya lang wala naman kaming pera noon. Hindi ko alam na nung nagkahiwalay kami ng Nanay mo, may BenBen na sa loob ng tiyan niya.”
“Natatanim niyo po pero di niyo po makaalagaan yun?”
“Nagkamali talaga ako, BenBen. I’m so sorry, anak. I’m sorry.”
“Chard, Barbs, ipapasok ko muna si BenBen ha? Kawawa naman. Ayaw na tumahan.”
“Sige. Kaya mong buhatin.”
“Yes, Dad. Kaya naman.”
“Nanay ... Atawag nyo po sya, Dad?”
“Oo, anak. Kasi siya ang Daddy mo.”
“Sandali po.”
“Bakit, anak?”
“Makausap muna po kami ni ... Tit ... Da ... ni best friend ko po.”
“Sige, anak. Dun muna ako kay Tatay. Bibigay ko ang gamot niya.”
***
“Sa palagay mo, anong sasabihin ni BenBen, Nay? Nagtitinginan lang naman sila.”
“Hayaan na muna natin, Tay. Eto, oh. Inumin mo na yan. Okey ka lang ba? Tama na yung iyak. Paka-iyakin ng mga tatay ni BenBen, oh.”
“Okey lang ako. Inasahan ko na din naman na magagalit si BenBen. Masakit pa din pero kung baga sa BeauCon, nakapag-casual interview na ako sa sarili ko bago itong final Q&A. Teka ... Kung makapagsalita ang hindi iyakin, oh. Tignan mo, pa-bullfrog na yung mata mo sa kaka iyak tsaka isinga mo nga yang sipon mo at baka pati ako masinghot mo na.”
“Grabe ka sa akin.”
“Haba nguso na naman. Ahahah ... Tama na nga tong drama. Mahal kita, Nay, kayo ni BenBen. Sana maintindihan din niya yung nagawa nating paglilihim.”
“Mahal ka din namin. Maiintindihan niya din yun, Tay. Sigurado ako na pag narinig na niya ang paliwanag ng Daddy niya, malilinawan ang lahat.”
***
“BenBen ...”
“Sandali lang po. Aiisip pa po ako.”
“Okay. Sorry. Sige lang, anak.”
“Yung pong maka-watch tayo ng movie, ang bago po tayo na-Star City, aalala niyo po?”
“Oo. Oo naman, BenBen. Lahat ng time na magkasama tayo, naaalala ko bawat segundo.”
“Yun po yung Daddy nila, wala po kasi nasa heaven na tapos yung Nanay nila maka-alis tapos yung Tito na kalbo yung maka-alaga sa mga bata, parang si Tatay po yun na kalbo? Siya po maka-alaga sa akin kasi wala po ikaw?”
“Umm ... Oo, BenBen. Parang ganoon ...”
“Pero wala ka po sa heaven.”
“Wala. Nandito pa ako, anak. Magkakasama pa tayo nang matagal hanggang pati ikaw maging Daddy at Lolo na din.”
“Kung ganun po, asan po kayo? Bakit hindi niyo po ako maka-alagaan?”
“Kasi, anak, sumakay ng airplane si Daddy noon, nagtrabaho ako sa malayo kasi hindi ko na kaya na nakikitang nahihirapan ang Nanay mo. Naisip ko din na kung hindi ko kayang mabigyan ng magandang buhay ang Nanay mo, kung hindi ko man lang siya mapakain ng tatlong beses sa isang araw, paano pa yung mga magiging anak namin. Wala ka pa noon, hindi ko pa alam na nasa tiyan ka na ng Nanay. Ayaw nga niya noon na umalis ako pero kahit masakit, kahit mahirap, ginawa ko para makapag-hanapbuhay para sa magiging pamilya namin.”
“Masasakay ka po ng airplane, para po yun si Mang Dante, yung po may-ari ng malaking tindahan sa may bahay namin.”
“Oo. Ganoon nga, anak. Sumakay din ako ng eroplano, sinugal ko yun, para mabigyan ko ang pamilya natin ng maganda at malaking bahay din.”
“Pero si Mang Dante po, auuwi po siya. Matatawag po siya pag Birthday at Pasko kina Aling Mina at Boyet. Bakit kayo po wala?”
“Kasi, anak ... Ang tagal-tagal bago ko kayo nahanap ulit. Hindi ko alam kung saan kayo tatawagan at kung saan ako uuwi. Pero, anak, bawat araw, bawat minuto, wala akong hiniling at ipinagdasal kundi ang makasama ko ulit ang Nanay mo at nung malaman ko na BenBen din pala kami, walang mapaglagyan ang saya ko. Araw-araw mula nang mahanap ko kayo, ginawa ko ang makakaya ko para maayos ang lahat sa atin, para sama-sama tayong umuwi dito, para mapatawad ako ng Nanay mo at sana ... sana, BenBen, tanggapin mo din ako ... bilang tatay mo.”
“May Tatay na po ako. Kahit asi-secret po siya sa akin at asasabi niya na hindi po siya ang tatay ko, mahal ko po ang Tatay ko.”
“...”
“Natitindihan nyo naman po yan di ba?”
“O-oo ... Na ... hoo ... Sorry. Na-naiintindihan ko, BenBen. H-hindi ko naman maaalis yun.”
“Pero wala po akong Daddy.”
“...”
“Kayo po yun na Daddy ko di ba?”
“Oo! Oo, BenBen. Huhuhu ... Ako ang Daddy mo. Ako yun.”
“Hala,siya! Aiiyak na malakas ang Daddy ko. Gusto niyo ayakap na kita po?”
“G-gusto ... Gustong-gusto, anak ... Anak ... Ang sarap ulit-ulitin. Anak ...”
“Daddy, pwede naman po yun na may Tatay at may Daddy po?”
“Pwede, BenBen. Pwedeng-pwede. I love you, anak.”
“I love you, Daddy.”
“Daddy … Finally … Sobrang tagal kong hinintay to. It feels like I just heard the song of angels when you looked into my eyes and finally called me Daddy. I love you beyond measure, my son. Words are not enough to express this happiness.”
“Daddy, asabi niyo po ba na happy kayo? Ahaba po kasi ng English niyo eh.”
“Yes. Yung ang sabi ko, anak. And we will work on it para magkaintindihan tayo.”
BINABASA MO ANG
Begin Again (COMPLETED)
RomanceThe world starts spinning and then it was dark. Nica Mae works hard for her family to survive, the one she chose to have on her own when life seems to cave in on her. Her life now is safe--safe from hurt and far from the time when she was on the ver...