48-Bestfriends

864 63 1
                                    

"O, BenBen. Dahan-dahan naman. Mabibilaukan ka na niyan eh atsaka puro sauce na yang mukha mo. Ahahaha ... Halika nga. Ayan. Malinis na. Ang sarap mo talaga kumain parang laging gutom. Hahaha ..."

"Kayo din po, Tito. Meron din po sa may baba niyo."

"Hahaha ... Oo nga. Favorite mo talaga ang spaghetti ano?"

"Opo. Sobrang favorite ko po. Lalo na po yung makaluto ni Nanay. Alam niyo po ba? The best po yun, Tito Richald!"

"Oo. Pati yung sinigang. Paborito namin yung sinigang."

"Tito? Makatikimin niyo na po ang luto ni Nanay?"

"Oo. Oo naman. Nakaka-miss nga eh."

"Mi-miss niyo po?"

"Oo. Hmmm ... Alam mo kasi, BenBen. Matagal na kaming magkakilala ng Nanay mo. Simula nung mga bata pa lang kami, magkasama na kami palagi. Nagshe-share kami sa lahat ng bagay. Naglalaro, nagsasabihan ng secrets, Nagdadamayan sa problema. Walang makapagpahiwalay sa amin noon."

"Talaga po? Eh bakit ngayon ko lang po kayo makakita?"

"Kasi, BenBen ... Nagkamali ako. Iniwan ko siya."

"Kaya po ba makagalit sayo si Nanay sa bahay namin? Makatampo po siya sa'yo?"

"Oo. Pero nag-sorry na ako. Pinakita ko sa Nanay mo kung gaano ko pinagsisihan ang lahat, kung gaano siya kahalaga sa akin, kayong dalawa. Na hinding-hindi ko siya kinalimutan."

"Tito?"

"Ano yun, BenBen?"

"Pwede po ba tayo maka-order ng ice cream?"

"Ha? Sniff. Oo. Oo naman. I-oorder kita ng ice cream."

"Para sa inyo din po."

"Sa akin? Bakit?"

"Para hindi ka na po maka-lungkot."

"Hahaha ... Sorry ... Sorry, Medyo ... Medyo iyakin talaga si Tito lalo pag napag-uusapan ang mga taong mahalaga sa akin."

"Okay lang po. Maka-intindihan ko po. Ako din po eh. Kay Nanay at Tatay."

"Hmmm ... Mukhang kailangan nga talaga natin ng icecream. Humaba na din ang nguso ng BenBen namin eh. Sandali, order ako."

"Yakap din po? Gusto niyo?"

"Hahaha ... Oo, BenBen. Gusto ko. Gusto ko ng yakap."

"Tito Richald, wag ka na po makalungkot, ha? Asa-sad din po ako eh."

"Bakit naman, BenBen?"

"Kasi po. Asa-sad din po ako pag sad ang bestfriend ko."

"Ako ang bestfriend mo?"

"Pwede po ba? Makiki-bestfriend po ako sa inyo ni Nanay. Si Ate Lenlen lang po kasi ang kalaro ko tapos minsan ayaw na po niya ako makalaruin kasi daw po malaki na po siya. Ganto na po siya."

"Aaah ... 10 years old na siya. Ako, BenBen. Kahit mas marami pa dyan ang edad ko, lagi akong makikipaglaro sayo. Lagi kitang sasamahan. Gusto mo ba yun?"

"Opo!"

"Payakap nga ulit. Mmm ... Teka ... Alam mo, BenBen, may alam akong pwede nating puntahan. Favorite din naming puntahan ni Nanay mo yun dati at lagi kaming masaya doon. Tara?"

"Yey! Sige po!"

***

“Wow! Alaki po ng perya na ito, Tito!”

“Amusement park ang tawag dito, BenBen. Madalas din kaming pumunta dito ng Nanay mo noon.”

“Talaga po?”

“Oo, BenBen.”

“Tito? Pwede po ba tayo makasakay doon?”

“Sa rollercoaster? Sigurado ka ba?”

“Opo. Tapos makain po tayo ng cotton candy tsaka ice cream.”

“Sige ba.”

“Yehey! Thank you po, Tito Bestfriend.”

“Alam mo? Parehong pareho kayo ng Nanay mo. Manang mana ka sa kanya na mahilig sumakay sa roller coasters at kumain ng cotton candy at ice cream. Ilang ice cream ba?”

“Lima po.”

“Lima? Wow. O sige tapos i-video call natin ang Nanay mo para mainggit. Hehehe …”

***

“Tito, makasagot na po si Nanay sa phone?”

“Hindi pa nga BenBen eh. Baka nakatulog?”

“Makatulog po ulit? Lagi lang naman po kayo makakulong sa kwarto, hindi po siya makatulog doon?”

“Ah … Ano … Hindi kasi BenBen, nag-aano kami ng Nanay mo … Naglilinis. Tama. Naglinis kami sa kwarto.”

“Kaya nga po siguro makapagod si Nanay. Sige po, mamaya na lang po natin siya tawagan ulit. Makalaro na lang po tayo ng games doon para makapanalo po tayo ng pasalubong kay Nanay.”

“Sige. Aling game?”

“Yun po! Yun pong makahagis ng bilog sa bote. Gusto ko po yung yellow na bibe para kay Nanay.”

“Yun ba? Kayang-kaya! Let’s go!”

***

“Haay … Sinong pagod? Hahaha … Buti na lang dito ka na nakatulog habang pinagtimpla kita ng gatas kundi hindi ko talaga alam kung paano kita bubuhatin mula sa kotse. Ang laki-laki mo na, anak. Anak … Matatawag din kita niyan nang gising ka. I can never thank your Nanay enough for bringing me such a miracle. I can stare at you all day and still can’t believe that this blessing happened to us. Goodnight, BenBen. I love you, anak.

Begin Again (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon