“Ganda ng lola mo talaga. Mai-post nga ito, pak! Mutya ng Barangay 2018, kabogera! O di ba? May tinatago siyang alindog pagkatapos pumasada. Tricyle driver sa araw, kontesera sa gabi. Ayan. Panalo! Madaming likes to sigurado. Maymay! Pahingi ng ganda! Kung ako binibigyan mo, eh di sana di ko na ginagamit itong mga picture mo sa Twitter, yung sa akin na lang, di ba?”
“Hoy Amor! Siraulo ka! Ano na naman tong ginawa mo?”
“Wait, bes kalma lang naman. Tignan mo nga yung itsura mo. Ibabalandra mo yung trike mo sa harap nitong parlor sabay susugod ka na parang sanggano.”
“Eh kasi naman eh! Sabi ko nang wag na wag mo nang i-post ang mukha ko sa internet! Burahin mo to kung ayaw mong kalbuhin ko yang kilay mo!”
“Ay! Wit! Have mercy! Ito naman. Bakit ba kasi ayaw mo?”
“Basta. Okay? Ayaw ko.”
“Maymay, sa ganda mong yan, kung hinahayaan mo lang ako na i-expose ang dyosaness fezlak mo, supermodel ka na ngayon. Sayang ang beauty mo, dai! Shumoshoho lang sa ilalim ng sunlight oh, sunlight sa pagta-tricycle.”
“Excuse me ha! Kahit nasa kalsada at arawan ako buong maghapon, mas fresh pa din ako sa’yo.”
“Oo na! Ikaw na ang pinagpala! Pero ang sinasabi ko kasi sayo, hindi mo naman kailangang gawin yan para kumita, mag-apply ka na lang model. May mga kakilala ako o kaya sumali ka sa mga national beauty pageants. Mas gaganda ang buhay mo.”
“Ayoko nga! Ayaw!”
“Hoy, bilat! Akala ko ba bet mong magka-anda ng malaki agad para sa enrollment ni BenBen? Bakla, di ka yayaman sa ginagawa mo kahit biyahe mo yang tricycle mo sa buong Pilipinas at salihan ang lahat ng beaucon sa lahat ng barangay. Lumabas ka diyan sa lungga mo!”
“Wag na, okay na kami ni BenBen ko dito. Okay na kaming tahimik lang. Kaya ko. Kaya please, Amor, pakitanggal na.”
“Ayun na. Pa-Lovingly Yours, Helen na naman ang bet ng hitad. Maricel Drama Special ang ending natin nito. Sige na nga. Para sa inyo ng inaanak ko. Tatanggalin ko na.”
“Salamat, Amor.”
“Oh! Wag kang masyadong pangarag. May pageant sa kabilang barangay. Di ka pwedeng ma-Haggardo Versoza.”
“Oo na. Sige na. Idadaan ko lang itong mga niluto kong tapsilog at mami dun sa construction site tapos sa umaga na lang ako papasada nitong trike.”
“Ayan! Very good. Matutuwa din si BenBen na makasama ka sa buong maghapon. Ingat.”
BINABASA MO ANG
Begin Again (COMPLETED)
RomantizmThe world starts spinning and then it was dark. Nica Mae works hard for her family to survive, the one she chose to have on her own when life seems to cave in on her. Her life now is safe--safe from hurt and far from the time when she was on the ver...