46-Father And Son Bonding Day

980 62 1
                                    

"Nanay, bakit po?"

"Oh? Bakit ang haba ng nguso ng BenBen ko? Kailangan, anak."

"Bakit nga po?"

"Siyempre, BenBen ko, kailangan pumunta ni Nanay. Walang mag-aalaga kay Tatay. Si Ninang Amor naman may kailangan gawin kasama si Lenlen."

"Nanay, maka-punta na lang po ako kay Ninang. Maka-laro po kami ni Ate Lenlen."

"Anak, hindi naman makakapag laro si Ate Lenlen. Busy siya sa training niya sa Taekwondo."

"Maka-sama na lang po ako sa'yo, Nanay."

"Hindi pwede, anak. Bawal ang bata doon atsaka ayaw ni Tatay na makikita mo siyang ganoon, malulungkot siya."

"Ayaw ko po na maka-lungkutin si Tatay, Nanay."

"Kaya nga. Wag nang matigas ang ulo, BenBen ko ha?"

"Opo, Nanay."

"Ayan, ang bait talaga ng anak ko. Magpapakabait ka kay Tito Richard ha?"

"Opo, Nanay. Pero ..."

"Wag kang mag-alala, BenBen ko. Aalagaan kang mabuti ni Tito Richard. Mabait siya, di ba nga, inalagaan ka din niya dati, tayo?"

"Opo, Nanay."

"Oh sige, anak. Kailangan nang umalis ng Nanay. Asan na ang kiss at yakap ko?"

"Eto po! Super hug!"

"Hahaha ... Ang laki mo na talaga, anak. Kayang-kaya mo na itumba si Nanay. Ang sarap ng yakap. Sobrang higpiiiit. Yung kiss?"

"Mmmmwah!"

"Isa lang?"

"Syempre hindi po. Mwah. Mwah. Mwah. Mwah. Mwah. Mwah. Mmm Waaaaah!"

"Mmm ... Ang sarap! Ako din. Mwah. Mwah. Mwah. Mwah. Mwah."

"Hihihi ... I love you, Nanay ko."

"I love you, BenBen ko."

******

"Love, aalis na ako."

"Ang sarap naman talaga nung 'Love'."

"Wag kang magpa-cute diyan. Hihihi ..."

"Nakausap mo na si BenBen? Okay na siya na maiwan sa akin?"

"Naiintindihan niya pero siyempre hindi natin mae-expect na okay lang sa kanya lahat."

"Ayun na nga."

"Love, wag ka namang panghinaan ng loob agad. Akala ko ba gusto mong mapalapit ang loob sayo ni BenBen?"

"Oo naman. At this point, there’s nothing more I want to have in my life than for our son to accept me."

"Ayun naman pala. So, cheer up. Ito na yung chance mo, oh."

"Thank you, my love. Thank you for this. Haaay ... Paano ko kaya mapapasaya si BenBen ngayong araw?"

"Hay naku! Don't stress too much. It doesn't take much to make BenBen happy as you know. Food and Ironman lang sobrang happy na niya. You're his father. All you need to do is love and care for him. Mararamdaman niya yun. You can do that, right?"

"Of course. Of course, I can do that. Mahal na mahal ko si BenBen. Mahal na mahal ko kayo. I will do anything para mabuo ang pamilya natin."

"There you go. You can do this, Daddy."

"Daddy ... Bakit pag ikaw ang nagsasabi niyan ano ..."

"Ano?"

"Nakaka-ano ... Rrrr ..."

"Hoy! Makahapit naman to."

"I love you, Nics. I love you so much."

"I love you too, Richard. See you later."

"Ganoon lang? Wala man lang goodluck kiss."

"Ikaw talaga. Sige na nga. Mwah."

"Sa noo? Ano ako, Lolo?"

"Hindi. Daddy. Hihihi ..."

"Ikaw ... Rawrrrr ..."

"Ano ba? Oh eto na kiss mo. Mwah."

"Ilong naman ngayon. Ayun na, oh. Lapit na. Ready na lips ko, oh. Buong araw mo akong iiwan tapos wala man lang oomph ..."

"Mmmmm ... Okay na?"

"Bitin naman. Isa pa."

"Huy! Makita tayo ni BenBen. Sige ka, hindi ka pa nakaka porma ..."

"Alam ko. Don't worry, my love. I'll do this right. For us. For our family."

"I know you will."

*****

"Talaga, Nay? Si Sir Richard ang naiwan kay BenBen ngayon?"

"Oo, Tay. Okay lang naman di ba?"

"Oo naman. Mabuti nga yun na magkakilala yung mag-ama. Tsaka kung kailangan niyo ang tulong ko sa pagsasabi kay BenBen ng totoo, game ako diyan."

"Salamat Tay, ha? Yun din ang sabi ko kay Richard. Kaya lang kinakabahan pa rin siya eh kasi daw baka hindi maging masaya si BenBen kasama siya."

"Sus! Napakabait na bata ng BenBen natin, Nay. Sigurado namang magkakasundo sila agad."

"Oo nga."

"Oo nga pero bakit kunot ang noo mo?"

"Nag-aalala kasi si Richard kung paano siya tatanggapin ni BenBen. Mahal na mahal ka ng bata at hindi maiwasan na maikukumpara kayong dalawa bilang ama niya."

"Nay, iba naman ako. Iba din si Sir Richard. Pareho naming mahal si BenBen kahit magkaiba kami ng paraan ng pagpapakita nun kasi hindi naman talaga pareho ang naging sitwasyon namin. Magtiwala lang tayo na napalaki nating mabuting bata si BenBen, mabait at matalino kaya matatanggap at mamahalin din niya ang tunay niyang ama someday ... we'll know if love can move a mountain."

"Gaga! Hahaha ... Iiyak na sana ako oh tapos bigla kang hihirit ng corny jokes mo."

"Hahaha ... Eh mas maganda ka namang tumatawa talaga, Nay. Nakakagaan din ng pakiramdam."

"Alam mo ikaw, kung di ka lang certified Diyosa ng kabekihan, iisipin ko diyan sa mga bola, paghawak at pagtitig mo sa akin na crush mo ako. Hahaha ..."

"Eh kung totoo?"

"Siraulo ka. Sorry, beks, may asawa na ako."

"Wow, proud Mrs. Jameson na siya. Joke lang naman yun. Masaya ako na masaya ka, MayMay."

"Thank you, Barbs. Thank you sa pagiging pinaka the best na bestfriend ko at sa pagiging pamilya sa amin ni BenBen. Hindi sapat ang anumang salita para magpasalamat sa'yo. Love you."

"Love you, too. For the record, kung wala kang asawa at wala akong sakit, kung may isang babae na may pag-asang mag convert sa akin, ikaw yun. Jojowain kita talaga."

"Loka-loka! Tamaan ka ng kidlat diyan uy! Hahahaha ..."

"Excuse, Ma'am Nics."

"Yes, Diane?"

"May bisita po kayo."

"Bisita? Sino namang bibisita sa akin dito? Hindi naman ako ang may sakit."

"Paalisin ko na lang po ba, Ma'am?"

"Ay naku hindi baka importante kasi pati dito sinundan pa ako di ba? Malamang si Leslie yan o si Amor. Sige Diane papasukin mo."

"Sige po."

"Sino kaya yung ..."

"Nics ... anak ..."

"Mom?"

Begin Again (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon