“Hello, Maymay?”
“Hello, Amor. Kumusta naman si BenBen diyan?”
“Mars, keriboom lang. All is well papel. Betchikells ng junakis mo ang yayamaning condo ng real pudrakels niya.”
“Bakit alam mong si Richard ang totoong tatay ni BenBen? Hindi naman namin sinabi sayo yun ah.”
“Ay, gurl! Di na kailangan, halata masyado. Ka mukhang kamukha ng inaanak ko eh, at kung makatingin sayo yung yumminess na nagkatawang tao na yun parang lagi kang gustong kainin. Kung nakakabuntis lang siguro ang titig baka sampu na ang anak niyo ngayon.”
“Grabe naman yung sampu.”
“Totoo kasi. Ano? Napatid na ba ang uhaw ng iyong nanuyong bulaklak? Tapos na ba ang mga panahon ng Lonely Is The Night at Like A Virgin mo? Sarap?”
“Siraulo! Gaga ka talaga. Nasa hospital si Barbs. May emergency dito. Kung ano-anong iniisip mo diyan.”
“Sorry naman. Akala ko kasi …”
“Hindi nga! Ililipat namin ng hospital si Barbs baka matagalan pa bago ko masundo si BenBen. Okay lang ba siya diyan?”
“Okay na okay, Mars. Kahit ilang araw siguro siya dito sa iPad na iniwan ni Sir Richard, hindi pa to magsasawa. Dami ding fudams, ha. May-ari din ba ng grocerie store at restaurant yang asawa mo? Parang kahit isang buwan si BenBen dito, hindi magugutom. Daming pinadala eh.”
“Anong ilang araw? Anong isang buwan? Susunduin ko din agad si BenBen pag settled na si Barbs sa hospital. Basta ikaw na muna ang bahala sa kanya, Mars ha? Ingat lang sa mga sasabihin mo dahil pag may nasabi kang hindi dapat, alam mo na ang mangyayari sayo.”
“Ay, afraid! Kashokot mag-Gabriela Silang ang dragona! Wala akong sasabihin. Ikaw ang mother earth niya at na iyo ang desisyon sa buhay ni BenBen. Pero ang sinasabi ko sayo, Mars. Nasa iyo na ang lahat minamahal ka nang tapat kaya wag ka nang umarte. Wag mong ipagkait sa anak mo ang tunay niyang ama at ang buhay na dapat matagal na niyang ini-enjoy to the world.”
“Pag-iisipan ko. Salamat, Amor.”
BINABASA MO ANG
Begin Again (COMPLETED)
RomanceThe world starts spinning and then it was dark. Nica Mae works hard for her family to survive, the one she chose to have on her own when life seems to cave in on her. Her life now is safe--safe from hurt and far from the time when she was on the ver...