2-The Parody Account

1.6K 82 2
                                    

“Huy! Sigurado ka ba sa ginagawa mo? Lagot ka na naman niyan.”

“Naku! Keri lang to, beks. Di naman ikamamatay ni Maymay ang social media. Nakakaloka kasi ang babaeng yun! Masyadong busy sa buhay niya. Walang ginawa kundi kumayod para sa pamilya niya. Para namang dalampung tao ang pinapakain niya eh tatlo lang naman sila. Pinagpala lang talaga siya nang gandang hindi nangangarag kaya fresh kahit saan sumabak.”

“Hala ka! Nilagay mo pa talaga ang picture niya sa Twitter!”

“Sayang ang ganda niya kung di makita ng mundo, noh! Kawang-gawa ang tawag diyan. Kung ayaw niya at masyado siyang busy para sa social media, ako na lang admin ng account niya. Close naman kami.” 

“Basta bahala ka sa buhay mo pag nalaman ni Maymay yan.”

“Keri boom, bakla! Mag-kilay ka na lang diyan.”

Begin Again (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon