16-His Guardian Angel

802 65 1
                                    

“Hello, Sir. Good morning po.”

“Good morning. Elaine, I won’t be coming to the office today.”

“Sir? May meeting po kayo sa bagong contractor ngayon.”

“Reschedule. Do I need to tell you how to do your job?”

“No, Sir. Sorry, Sir. May ibibilin pa po ba kayo?”

“Call Joel. Tell him he’s not driving me today. Diyan muna siya sa office maghintay. In case someone needs a driver. Very personal ang lakad ko ngayon.”

“Yes, Sir.”

***

“Hi Ma, I miss you. Sorry ha, medyo matagal akong hindi nakadalaw sayo, busy kasi sa kumpanya eh pero may pinapupunta naman ako dito palagi para maglinis nitong musoleo at magdala ng bulaklak.

Ma … Nakita ko na siya Ma, sa wakas. Maganda pa rin siya, sobrang ganda hindi nagbago. Sa mga narinig kong kwento, ganoon pa rin siya, masayahin, maalaga, matindi magmahal gaya mo pero …

Pero, she hates me now Ma. Sobra siyang nasaktan nung umalis ako. Kung alam lang sana niya na para sa kaniya ang lahat nang yun.

Hindi ko pa masabi sa kanya pero sana ... sana magkaroon pa ako ng pagkakataon.

Mama, may apo na kayo. Haha ... Oo, buntis pala si Nics nung umalis ako. Sabi ng private investigator we can do a DNA test para makasiguro pero hindi na kailangan. Alam ko agad na anak ko yun pagkakita ko. Sobrang cute Ma, tisoy mana sa akin syempre. Yung mga mata niya kasing ganda ng sa Nanay niya pati ilong maliit na matangos. Pareho din niyang matapang at mapagmahal kaya lang, Ma ... he hates me too.

My son doesn’t even know me. Iba ang kinikilala niyang ama. Ang sakit Ma, tapos ... Ang sakit sakit na makitang galit siya sa akin dahil ipinagtanggol yung lalaking yun.

At si Nics? Si Nics ... Naiintindihan ko na galit sa dahil umalis ako noon pero Ma, hinanap ko siya. Hinanap ko siya, di ba? Pero nung mahanap ko meron na siyang iba.

Ang sakit dito ... dito ... parang pinipiga itong puso ko when I saw the way he looked at that man na parang he was her world. Dapat ako yun eh. Ako dapat yung kasama niya, yung hinahawakan sa mukha. Lambing niya sa akin yun Ma, eh. Bakit ngayon sa iba na?

Wala na Ma, lahat ng tiniis ko at pinaghirapan, wala nang halaga. Dahil si Nics ... She was my everything. She is my everything.

Paano na ngayon, Ma? Paano na? Help me, Ma. Ikaw ang guardian angel ko di ba? Help me get my family back.”

Begin Again (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon