“Nics, I don’t think naman na pabigat kayo kay Barbs. Nakita ko naman kung paanong totoong mahal niya kayo at kung paano niyo siya napapasaya.”
“Pero ... Chard kasi I didn’t know. I didn’t know na may sakit siya until malala na. Nalaman ko na lang when we rushed him to the hospital six months ago. He had difficulty breathing and passed out. Akala ko naman asthma lang but I was shocked when the doctor revealed that Barbs was diagnosed years ago when he requested for the test. Three years na pala siyang positive when we met. Ta-tapos ...”
“O, ayan na naman. Iyak na naman siya. Halika nga.”
“H-he stopped seeing his doctor and taking his medications k-kasi sayang naman daw. Pang-gatas na ni BenBen yun. Pa ... pang-diapers. I did this, Chard. Malakas pa sana siya ngayon.”
“That’s a choice he made because he loves you just as I made a choice years ago for you. You didn’t force me then just as you didn’t force him to do that. Circumstances bring us to make difficult choices. I see now why you and BenBen love him. I can’t say I don’t appreciate everything that he has done for you. I will always be grateful to Barbs. Hindi na natin maibabalik ang dati pero ngayon we can try our best to take care of him.”
“Nay, tama na emote.”
“Tay! Oh my god ...”
“Hay, naku ka. Ingatan mo yang mga tubo ko. Iyak ka na naman nang iyak, eh. Sinasadya mo yata. Sarap na sarap ka sa pagkakayakap sayo nung pogi. Balik ka na dun.”
“Tay naman eh.”
“Ano bang pinagsasabi mo diyan sa asawa mo baka sabihin puro hirap lang tayo sa limang taon. Yun lang ba naranasan mo?”
“Hindi. Hindi, Barbs. Sobrang naging masaya kami ni BenBen, inalagaan mo kami, minahal nang sobra kaya I feel so guilty.”
“Jusko, hagulgol na naman. Ganito ba talaga to kaiyakin?”
“Yeah. You must have seen her pag nadapuan ng ipis. Parang end of the world.”
“Oo nga.”
“Sige. Tawa pa kayo. Pagtulungan niyo ako.”
“Hala, haba nguso na. Tsk tsk ... Nay ...”
“Tay ...”
“Wag ka na magtampo diyan at wag ka na malungkot. Wag mong sisihin ang sarili mo. Guilty? Oo, guilty ka. Ikaw ang responsable sa pagbibigay ng kabuluhan sa buhay ko, sa pagpaparanas sa akin kung paano magkaroon ng pamilya na tatanggap at magmamahal sa akin nang walang hangganan. Sa pagbabalik ng tiwala ko sa Diyos kasi yung pagdating mo sa buhay ko, ninyo ni BenBen, isang himala. Isang himala na tunay na nagpaligaya sa akin. Kaya, oo. Guilty ka talaga.”
“Tatay ... Barbs, I love you.”
“Mahal na mahal din kita, Maymay, kayo ni BenBen. Kung mawala man ako, tandaan mo, na ikaw at Ang BenBen natin ang bumuo ng buhay ko.”
“Ano bang pinagsasabi mo diyan? Hindi pa to ending. Nasa formal wear pa lang tayo, may Q&A pa at coronation. Rarampa pa tayo, Tay. Laban pa.”
“Oo, Nay. Laban pa.”
***
“Yes?”
“Sir, this is Elaine. I’m sorry to call you at this time but I just want to remind you of your 8 am meeting with some contractors tomorrow. Bigla po kasi kayong umalis kanina, eh. Hindi ko na po naipasok yung mga report ng operations department for each company para ma-review niyo po. Sorry po talaga. Ipahatid ko na lang po kay Joel kung okay lang po sa inyo. Sir, I’m so sorry.”
“You look happy, Nics.”
“Sir? Okay lang po kayo? May problema po ba?”
“Walang problema. Love was not lost. It was not divided. Instead, it has multiplied a thousand folds and wrapped in kindness. Thank you, Barbs.”
“Sir? What do you mean?”
“Wala. It’s nothing, Elaine. Also, have Chief Construction Engineer Santos meet with the contractors tomorrow. I have very important and personal things to do.”
“Sir? Ah yes, Sir. Thank you po.”
BINABASA MO ANG
Begin Again (COMPLETED)
RomanceThe world starts spinning and then it was dark. Nica Mae works hard for her family to survive, the one she chose to have on her own when life seems to cave in on her. Her life now is safe--safe from hurt and far from the time when she was on the ver...