7-The Search

916 74 1
                                    

“Good morning, Sir Richard. Tungkol po dun sa babaeng ipinapahanap ninyo.”

“Good. I was about to call you, Joaquin. Anong balita? Nahanap mo na? Saan nakatira? What’s her address? Kumusta na siya? Did you get a phone number?”

“Sorry, Sir. Wala po.”

“Goddamnit! Ang tagal tagal na wala pa rin? I thought you’re a good P.I. Nasasayang lang ang binabayad ko sayo!”

“Sir, ginagawa ko naman po ang trabaho ko nang maayos. Sadyang hindi lang po madaling hanapin ang taong ayaw mahanap. Akala ko po noon, wala nang kahit anong lead pa akong makukuha. Ibang klase din po siya magtago, Sir. Parang may sa-ninja. Walang active social media accounts, walang kahit anong residential record, walang updates kahit saan, SSS, Philhealth, credit cards, hospital at punerarya. Wala rin paramdam sa magulang niya.”

“Punerarya? Paramdam? She’s alive. Idiot!”

“Alam ko po, Sir, but we have to cover all grounds. Parang naglaho na lang po siyang parang bula. Until I finally got a hit on her name this morning. Nica Mae Mendoza. May lumabas na Twitter account with that name tapos kamukha po nung babae sa picture na binigay niyo. I’m sending you the screenshot of the profile, Sir.”

“Okay.”

“And the side-by-side comparison sa picture na binigay niyo. Medyo nag-mature po ang itsura sa teen photo na bigay niyo pero kamukha po talaga.”

“Nics… That’s definitely her. Prettier though. That’s the account? I can’t search for it.”

“Deleted na din po after a few hours. Buti na lang na-trace ko na agad ang location. Mas madali na po maghanap ng address dun.”

“Where?”

“Barangay Rosario sa Pasig, Sir.”

“Find her. I need to call someone.”

“Eh, Sir. Bakit po ba ganoon na lang ang paghahanap niyo sa babaeng yun? Halos di na po kayo natutulog. Sabagay nakakapuyat ang ganda niya, Sir pero bakit? May atraso po ba sa inyo?”

“Not that it’s any of your business. But … She’s my wife.”

***

“Elaine, get Engineer Morales on the line now.”

“Yes, Sir. Sir? Yung meeting po with…”

“Cancel all my meetings today. May mas importante akong aasikasuhin.”

“Okay, Sir. Sir… Engr. Morales on the line for you.”

“Thanks, Elaine.”

“Hello, Sir Richard.”

“Hello, Ninong.”

“Ninong? Matagal mo na akong hindi tinatawag niyan ah. Akala ko nakalimutan mo na.”

“We’re not talking about that.”

“Yun pa rin bang problema niyo sa site kanina? Akala ko okay na tayo dun?”

“About that, yes. Pero okay na yung about sa workers. I’m more concerned kay...”

“Maymay?”

“Nics. Her name is Nics. What do you know about her? Where does she live?”

“Bakit nga ba Nics ang tawag mo sa kanya?”

“I’m the one asking the questions here. Just answer.”

“Malaki pa rin ang galit mo sa akin, Richard?”

“I said we’re not talking about that. Just fucking answer my questions!”

“Okay. Sige. Kung yan ang gusto mo. Wala din kaming alam kay Maymay. She seldom talks about herself. Mas interesado siyang alamin ang mga buhay namin, mga hilig namin sa pagkain, mga magpapasaya sa amin. Madalas din kasi nagmamadali yun gaya kanina, alis agad. Ang dami kasing raket ng bata na yun, nagluluto at nagtitinda ng almusal sa umaga, nagpapasada ng tricycle maghapon tapos sumasali ng beauty pageant sa gabi para lang kumita ng pera.”

“Oh Nics, what happened to you?”

“Richard? May binubulong ka?”

“Wala. Wala na? Yun lang ang alam niyo?”

“Simula nung makilala namin siya sa site two months ago, ang nasabi lang niya sa amin na medyo personal ay ang pangalan niya na Maymay, malapit lang sa site ang bahay niya at may anak na siya.”

“Anak?”

“Oo. Mukhang mahal na mahal niya talaga. Makikita mo sa ngiti niya tuwing mababanggit si Benben.

“BenBen?”

“Yun ang palayaw ng anak ni Maymay. Benedict din minsan ang tawag niya. Gwapong bata. Pinakita minsan sa amin yung pictures. Maganda ang mga mata parang sa Nanay niya at maputi pero hindi naman maputi si Maymay. Siguro tisoy ang Tatay nun.”

“Tisoy... Ilang taon na si BenBen?”

“Di nabanggit ni Maymay pero base sa mga litrato na ipinakita sa amin, ang tantiya ko around 4 or 5 years old.”

“Holy shit!”

“Bakit, Richard? Sir? Tignan mo to. Binabaan ako ng telepono.”

Begin Again (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon