“Masayang umaga, Mang Pepe!”
“Uy! Maymay! Nakakasaya talaga ng umaga yang ngiti mo.”
“Naku talagang napaka simpatiko mo talaga, Kuya. Mas masaya ang umaga mo dahil may dala akong paborito mong tap-si-loooog! Eto po oh. Nilagyan ko ng kamatis sa loob para sa itlog gaya ng dati.”
“Iba ka talaga, Maymay. Huling-huli mo. Ang bango. Siguradong masarap ang luto mo.”
“Salamat po. Si Engineer? Pwede pong pumasok?”
“Naku, Maymay. Medyo may paghihigpit na kasi dito sa site. Mainit kasi ang mata dito nung terror naming boss. Lalo na kay Engr. Ewan ko ba? Gusto ata siya lang ang gwapo. Bawal na pumasok.”
“Gwapo yung boss niyo? Mas gwapo kay Engineer Pogi?”
“Gwapo yun, matangkad, mestisuhin. Mukhang bagay nga kayo eh.”
“Naku. Alam niyong not interested ako diyan. Wala akong hilig sa gwapo, matangkad at mestiso.”
“Talaga ba?”
“Uy! Mang Jose! Eto na yung order mong longsilog with extra rice.”
“Nakanaman talagang bata ka oo. Galing ah. Oo nga pala. Nakita ka ni Engr. eh. Lalabas daw siya pati yung may mga order sayo. Maaga pa naman. Di pa mag-umpisa ng gawa.”
“Sige po, Man Jose. Salamat.”
“Masayang umaga, magandang dilag.”
“Engr! Eto na po ang iyong mami na may extra tostadong bawang. Dinagdagan ko po yan ah atsaka puro laman at buto ng baka lang ang sahog ko para di masyadong tumaas ang presyon niyo.”
“Talaga naman itong si Maymay oh. Maganda na, mabait pa, sweet at maalalahanin. May sobra ka ba diyan tapsilog? Nami-miss ko na ang timpla mo nun eh.”
“Po? Eh kahapon lang po yun ah.”
“Ganoon kasi ka-sarap ang luto mo. Kung may anak nga lang akong lalaki, irereto ko sayo kaso tatlong Maria ang binigay sa akin.”
“Ikaw po talaga, Engineer. Kota ka na po sa bola ha? Eto na po ang tapsilog.”
“Pati tawa masarap pakinggan. Kaya ganadong-ganado sa trabaho ang mga tao dito tuwing dadaan ka sa umaga eh.”
“Oo nga po pala. Paano po itong order nang iba?”
“Ayan na sila. Paki bilisan lang ha? Malapit nang mag-alas otso. Mag-umpisa na ng trabaho.”
“Areglado po, Boss Engineer.”
BINABASA MO ANG
Begin Again (COMPLETED)
RomanceThe world starts spinning and then it was dark. Nica Mae works hard for her family to survive, the one she chose to have on her own when life seems to cave in on her. Her life now is safe--safe from hurt and far from the time when she was on the ver...