Chapter 1:Start

751 23 1
                                    

Zoey's P.O.V

      NAKATAYO ako ngayon kasama ang mga kaibigan ko sa harapan nang isang napakalaking building pero nakasisiguro akong mas malaki ang building ng company namin. Mag aaply kami ng trabaho sa building na nasa harapan namin, isang napakalaking kompanya, ang pangalawa sa pinakakilalang kompanya sa lahat.

     Gusto ko kasing paghirapan ang isang posisyong gusto ko sa kompanya, alam ko kasing kapag sa company namin ako magtatrabaho ipupunta agad ako ni Dad sa posisyong Vp sa CEO.

      Nakasuot ako ngayon ng blouse na may kwelyo at konserbatibong skirt na nakasalamin din at dala ko ang envelope na naglalaman ng mga documents ko. Hindi ko talaga alam kong ano ba talaga ang dapat na isuot kapag mag aaply ng trabaho. This is my first time!
 
      "Sigurado ka bang ganito ang damit kapag mag aaply ha? Baka mamaya pagtawanan ako nang mga empleyado do'n noh?", naiinis kong tanong kay Chloe na nakabistida at ako lang ang may ganitong suot. At Ipa pa first time kong mag apply ng trabaho.

       "Hay naku! Kahit ano naman pwedeng isuot dahil mag aaply pa lang naman tayo nang trabaho noh, tumahimik ka na nga lang diyan kanina ka pa dada ng dada eh nakakarindi", inis na wika ni Chloe.

       Tiningnan ko ng masama si Chloe nang dahil sa sinabi niya habang nakatingin lang siya sa building na nasa harapan namin. Siya ang nag yaya sa aming apat na mag apply sa kompanyang 'yon.

     "Ano na hindi pa ba tayo papasok do' n? Tititigan na lang ba natin yang building dito sa labas guys?", naiinip na tanong ni Gel.

      "Hindi ka ba makapag hintay ha?" nangangati na nga ako sa suot ko dadagdag ka pa diyan? ", sabi ni Alice na Nakasuot din ng bistida gaya ni Chloe.

     "Tama na nga yan away kayo nang away eh wala namang magagawa yan", saway naman ni Clyde.

      "Tara na nga pumasok na tayo kaysa naman sa nag aaway away kayo diyan", anyaya sa amin ni Ken.

      Halos mapatili ako sa sakit nang  naapakan ni Alice ang paa ko na naka heels pa naman.

      "Hehehe s-sorry", napakamot siya sa kaniyang batok nang humingi ito ng sorry, bago nagpatuloy sa paglalakad.

      Mag aaply kami sa Skywalker Incorporated. Sabi ni Chloe may mga kaklase daw siya dati na dito na nagtatrabaho. Hindi na daw kami malelate nang pagpasok araw araw pero hindi niya alam kung bakit. Basta pumayag nalang kaming apat na mag apply sa Skywalker Inc.

      Natigilin kaming lima sa paglalakad nang makita naming out of order ang elevator. Sa 10th floor pa kami mag aaply at mukhang hindi palang kami natatanggap ay may punishment na kaming aabutin.

      "Mukhang male late tayo nito", inis na sabi ni Chloe.

      "Tara na umakyat nalang tayo sa hagdanan baka mamaya wala na tayong maabutang trabaho eh!", sabi ni Gel.

       "Tara na, tara na!", nagmamadaling sigaw sa'min ni Alice.

        Umakyat kami nang hagdanan dahil wala naman na kaming pagpipilian. Napatakbo kaming  anim nang makita ang oras ilang minuto nalang ay malelate na kami. Dahil sa pagtakbo namin sa hagdanan ay may mga nasasagi kaming nagtatrabaho sa kompanya at hindi ko maitatangging napakaganda ng mga uniporme nila.

                    --------¬🥀¬-------

        ILANG minuto pa ang lumipas ay nakarating din kami sa wakas.

       "Hay! Sa wakas nakarating din tayo!", pagod na wika ni Chloe.

       "Hay, magpahinga muna tayo at umupo sa mga upuan, napagod ako do'n ah!", hinihingal na wika ni Alice.

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now